Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 65 - Hunting Yagg (5)

Chapter 65 - Hunting Yagg (5)

"Oh, gusto nila tayong tulungan!" Biglang sabi ng Brawler. Ang tono ng boses niya ay may bakas ng masayang surpresa.

Napa-buntong hininga si Ye Xiu. Hindi talaga naiintindihan ng batang 'to ang sitwasyon! Hindi pumunta ang tatlong guilds ditto para tumulong. Nandito sila para mag-kill steal. Hindi sila gumagalaw kanina dahil sa mata nila hindi kayo karapatdapat nakawan. Akala nilang mapapatay kayo ng Blood Gunner.

"Alis!" Sabi ni Ye Xiu.

"Ano?" Hindi naintindihan ng Brawler ang utos ni Ye Xiu sa kanya.

Ang iba pang apat na kasamahan niya ay mga noob din. Kung hindi sila noob, alam na sana nila kung gaano kahirap kalabanin ng Blood Gunner. Hindi sana nila pinagtulungan ito at sinubukang patayin at mamatay sa proseso. Ngunit mas maayos sila kaysa sa napakanoob na Brawler kaya nakita nilang malayo sa mabuti ang sitwasyon. Hindi kanina gumagalaw ang mga taaong iyon kanina. Nang makita nilang maayos at gumanda ang agos habang nakikipaglaban sila sa BOSS, tsaka lang sila gumalaw. Tulong? Pagbibigay ng tulong kapag kailangan ng tulong ang tinatawag na tulong. Ngunit ngayon sa sitwasyong ito, Diyos na lang ang nakakaalam kung ano ang plano nila.

"Kung hindi kayo tatakbo, hinihintay niyo lang ang kamatayan niyo!" Sabi sa kanila ni Ye Xiu.

"Nakipaglaban tayo para sa wala?" Tanong ng Berserker mula sa party. Napansin niyang parang may mali sa sitwasyon. Ngunit kapag tumakbo sila ngayon, bakit sila naghirap sa pakikipaglaban sa BOSS kanina?

"Hindi ko pa alam." Sagot ni Ye Xiu.

Hindi alam ng lima ang gagawin.

"Pero kapag hinndi pa kayo aalis ngayon, wala na kayong oras mamaya." Sabi ni Ye Xiu habang tuloy-tuloy pa rin sa pagatake si Lord Grim. Palapit nang palapit ang Three Great Guilds. Ang mga long-ranged class katulad ng mga gunners ay nagsisimula nang magtutok ng baril.

"Takbo!" Sa wakas at ang isa sa mga limang manlalaro ay nanguna na at tumakbo. Walang pakialam ang Three Great Guilds sa kanila. Nag-iwan ng mga puwang ang Three Great Guilds upang magbantayan, hindi nila ganap na pinalibuta ang BOSS. Pagkakita nila sa mga limang manlalaro na tumatakbo, hindi sla nagpadala ng mga players upang patayin sila. Sa halip ay inoobserbahan nila ang guild ng isa't isa. Iyon ang pangunahin nilang kalaban. Halos sabay sinigaw ng tatlong guild leaders: "STOP".

Maraming players ang agarang tumigil at nagtinginan sa isa't isa. Ang Blood Gunner ay nasa harap na nila mismo ngunit kapag dumiretso sila para paligiran ang BOSS, ano ang gagawin nila kapag ang ibang guild sa likod nila ay sugurin sila? Pinag-iisipan ito ng tatlong guild leaders.

Dahil iyon sa laban na tuloy pa rin hanggang ngayon.

Ang limag players na nakatakbo na sa kalahati ay biglang napansing na hindi nakasunod si Lord Grim sa kanila. Tumingin sila sa pinanggalingan at nakita si Lord Grim na nakikipaglaban pa rin sa mga Blood Gunner.

"Anong ibig sabihin niyo?" Nalito ang limang players. Hindi lang talaga sila pamilyar sa laro. Hindi naman parang wala silang utak. Sinabihan sila ng player na ito na tumakbo ngunit natira siya doon mag-isa. Hindi nila naiintindihan ang pag-uugali niya at hindi nila masabi kung mabuti ba siyang tao o hindi. Bilang resulta, hindi nila mapigilan ang sarili sa pagtigil sa paggalaw.

"Takbo pa kayo palayo! Delikado pa rin diyan!" Mensahe bigla ni Ye Xiu gamit ang party channel nila.

"Pero hindi sila pumunta para patayin tayo!" Sabin g noob na Brawler.

"Maniwala ka sa akin." Dalawang salita na lang ang sinabi niya ngayon.

Ang mga noob na ito ay masyadong kulang sa kaalaman. Kung Blue River level players magugulat sila ng todo. May oras pa siyang mgapadala ng mensahe habang matinding nakikipaglaban sa isang BOSS, gaano kabilis ang bilis ng kamay niya?

Hindi napigilan ng noob na Brawler ang sarili niyang tumakbo habang sinabihan niya ang mga kasamahan niya: "Dalian niya na at tumakbo na tayo."

Nagdadalawang-isip ang ibang apat ngunit sumunod ang dalawa sa kanya.

Ang iba pang dalawa ay nanatili sa kanilang orihinal na pwesto. Pinagdududahan pa rin nila ang mga salita ni Ye Xiu. Randam nila na para bang sinasadya niyang paalisin ang mga ito. Nang makita niyang magakaiba ang galaw ng lima, ang naramdaman lang ni Ye Xiu para sa dalawang nagdududa ay awa. Wala ssiyang oras para ipaliwanag sa kanila. Ang bunganga niya ay ginagamit niya lang para pamunuhan sila sa laban kanina. Wala rin siyang oras para magssulat. Ang dalawang salita kanina ay bahagyang delikado at ang anim na salita bago iyon ay muntik nang guluhin ang paglalaro niya.

"Subukan ba dapat ng mga long-ranged classes umatake?" Kinonsulta ni Blue River ang kanyang mga kasama. Hindi muna sila tatapak paharap. Kailangang ang mga long-ranged classes muna ang gumalaw.

"Hindi naming masisiguro na hindi matatamaan si Lord Grim…" Nagsisimula nang pawisan ang mga long-ranged classes. Ang bilis ng Blood Gunner ang kanyang talent. Ang pakikipaglaban ditto ay nangangailangan ng mabilis na galaw. Sa sandaling ito, humahagibis kung saan saan si Lord Grim at ang Blood Gunner. Sinong makakaalam kung kanino tatami ang kanilang mga bala.

"Ano ba ang iniisip niya!" Nalulumbay na sabi ni Blue River.

Sa kabilang dako ay isinigaw naman ni Plantago Seed: "Bayani! Idagdag mo ang grupo mo sa grupo ko! Lahat ng drops ay magiging inyo!"

"Bwisit!" Patagong sigaw ni Blue River sa pandaraya ni Plantago Seed. Kung sumali ang party sa party niya, ang damage kanina ng BOSS ay mabibilang bilang kanila. Hindi niya naisip gawin ito kanina!

"Kuya Grim, sali ka na lang sa amin! Sayo lahat ng gamit." Agad namang tumapak paharap si Blue River habang sinasabi iyon. Randam niyang parang mas malapit siya kay Lord Grim. Gamit ang parehas na kondisyon, walang rason si Lord Grim para hindi sumali sa grupo nila.

"Sa amin ka sumali. Sayo lahat ng gamit. May dagdag pang 20 White Wolf Bristles." Sigaw rin ni Endless Night ng Tyrannical Ambition. Akala niya may espesyal na pagkahilig sa White Wolf Bristles.

"Lord Grim, huwag kang maniwala sa kanya! Ilang beses mong kakailanganing mag-run ng Frost Forest para makakuha ng 20 White Wolf Bristles.

"May 20 kami rito!" Sigaw ni Plantago Seed.

Bulong ni Bound Boat sa sarili niya: "Ito ba yung totoong pakay ni to?"

Sumakit din ang ulo ni Blue River. Ito talagang lalaking 'to. Hindi niya alam kung paano siya magsasalita gamit ang emosyon. Kailangan niya bang gawing business deal ang lahat?

Hindi sila kinibo ni Lord Grim at tinuloy pa rin ang pag-atake sa Blood Gunner. Bilang resulta, akala ng tatlong guilds na hindi sapat ang alok nila kaya hindi sila pinapanssin nito at itinuloy ang pagtaas ng presyo.

Ang dalawa na hindi pa tumatakbo ay nagulat. Ang "lahat ng drops ay mapupunta sa iyo" ay sapat para bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi pa nila alam kung ano ang mga sinabing mga gamit na ipinapangako ng Three Great Guilds. Pero kung iyon ang inaalok nila, halatang mamahalin ang mga ito.

Nasasabik na ang dalawang players. Nangangati silang sumagot sa ngalan ni Lord Grim.

Ngunit nagising ang dalawa.

Kahit na pumayag siya, wala iyong kwenta. Dahil ngayon, hindi si Lord Grim ang party leader. Ang pagsali o pagtanggap ng grupo ay magagawa lamang ng party leader.

Tumingin agad ang dalawa sa party channel: "BALIK!"

"Bakit hindi kayo tumakbo." Sagot ng noob na Brawler.

"Takbo mo mukha mo! Yung guilds dito nag-aalok. Gusto nilang sumali tayo sa grupo nila. Pagkatapos, mapupunta sa atin lahat ng gamit at magbibigay pa sila ng maraming mamahalin na bagay.!" Sabik na sabi ng dalawa at nagmamadali sila sa pagpapadala ng mensaheng ito.

Ang wala lang pakialam ay si Lord Grim. Ang mga guild leader ay nagaalok ng maraming mga kondisyon para sumali sa grupo nila. Sa huli, pagkatapos makita ang system prompt, napatapal sila sa noo at nagising: "Puta, hindi siya ang party leader!"

Wala silang magagawa kundi hanapin ang limang players.

"Saan napunta ang party leader nila?" Ngayon lang sila naghanap habang wala naman sa mata nila ang lima kanina.

Sa sandaling ito, biglang sabi ni Lord Grim: "Mag-ingat kayong lahat."

"Ano?" Nalito ang lahat.

Pagkatapos gumamit ni Lord Grim ng Circle Swing at itinapon ang Blood Gunner, biglang nagliwanag ng pula ang katawan ni Blood Gunner."

"PUTA! Enraged?" Ang tatlong guild leaders ay bihasi. Mayroon silang kaalaman at karanasan.

"Nagloloko ba kayo? Ano ang buhay!!" Ang daan-daang players na nagtipon ay nagulat.