Nung bumaba ang life niya sa 10%, siya'y papasok sa Red Blood state. Sa state na ito, ang BOSS ay magiging Enraged. Ito'y isang nakatakdang kautusan sa Glory.
Sa loob ng mga mata nitong mga beterano sa Glory, paano nilang maipapawalang bahala ang party kinalaban ang Blood Gunner hanggang sa 10% health.
Ang Blood Gunner ay wala sa Red Blood, pero ito'y pumasok sa Enraged state.
Bilang mga beterano, alam na alam nila kung ano ang ibig sabihin ng Enraged state ng Blood Grunner. Kapag sila ang nakikipaglaban, talagang ito'y kanilang paghahandaan bago pa ito maging Enraged. Pero sinong nakaisip na ang Blood Gunner ay magiging Enraged sa mga oras na ito.
"Hindi lang Red Blood ang tanging paraan para ito'y maging Enraged." Biglang sabi ni Bound Boat.
Tama, sa ilang mga BOSSes, bukod na sa Red Blood state, may mga ilang paraan pa para maging dahilan kung bakit nagiging Enraged ang BOSS. Enraged, kung gagawing simple, ay ang paraan ng BOSS para iligtas ang kaniyang sarili mula sa panganib. Para sa mga matataas na kalibre ng wild BOSSes kagaya ang Blood Gunner, hindi lang ang Red Blood ang tanging oras na talagang nararamdaman nila na sila'y nasa panganib. May mga ibang kondisyon rin na nagiging dahilan na kinakailangan nilang maging Enraged para masolosyunan ang krisis.
"200 Combo?" Napasabi si Blue River.
Huli na nung napansin nila ito. Nung nagsimula nang umilaw at nagsisisigaw ang Blood Gunner, huli na ang lahat.
Naramdaman ng lahat na ang lupa sa ibaba nila'y lumambot. Ang lupa'y nagsimulang bumukas. Ang mga nakatagilid na lapida at ang mga natitirang parte ng mga kabaong ay nagsimulang gumalaw na para bang may gumigising.
Ang Enrage ni Blood Gunner ay Blood Gunner ay tumatawag sa kaniyang Undead Legion.
Ang dami ng mga halimaw na natatawag ay proportional sa dami ng mga manlalaro sa range ng kaniyang aggro. Sa mga panahong ito, ito'y matatawag na trahedya. Ang Three Great Guild leaders ay nasa aggro range ng Blood Gunner. Iimbitahin sana nila si Lord Grim sa kanilang grupo.
Hindi isang tao ang sinisimbolo nilang tatlo. Sila'y leader ng buong grupo, kaya ang isa sa kanilang sinisimbolo ang kabuuan ng kani-kanilang guilds sa field.
Kapag nilalabanan nila ang Blood Gunner, bago ito maging Red Blood, ang leader ay talagang unang aalis sa aggro range ng Blood Gunner. Sa mga nagdaang taon, gamit ang setup na ito, ang Three Great Guilds ay hindi na naaalala kung ilang beses nilang kinalaban ang halimaw na ito. Sila'y masyadong pamilyar sa summoning ng Blood Gunner.
"Ha ha ha ha ha..."
Nagpatuloy ang tawag ng Blood Gunner. Isang malaking pagtitipon ng mga zombies at skeletons ang nagsimulang lumabas mula sa lupa, sa mga lapida, at sa mga ataul.
Silang lahat ay nasa mga isang daan!
"Wag umalis sa formation! Protektahan ang mga healers at magaes!!" Ang mga utos ng Three Great Guild's ay parehas lang din.
Ang bagong summoned na Undead Legion ay hindi parehas ng aggro sa Blood Gunner. Ang kanilang aggro ay na-reset at umaatake pagnakakakita sila ng isang manlalaro. Kanilang aatakihin ang pinakamalapit sa kanila. Sa isang iglap, isang malaking paglalabanan ang naganap sa Boneyard.
Ang mga skeletons at zombies na sinummon ng Blood Gunner ay hindi mas malakas kaysa sa mga ordinaryong halimaw sa Boneyard. Pero ang problema ay ang kanilang mga levels ay mataas. Parehas sila ng level sa Blood Gunner, Level 26, ang pinakamataas na level sa Boneyard. Kanilang ni-Level Suppress ang bawat player sa field, at naging isang sakit sa ulo para talunin.
Idagdag pa ang kanilang biglaang pagdating, ang lahat ay nagulantang. Sa mga unang sandali, may mga manlalarong napaligiran at agad-agad na napatay.
Ang mukha ng tatlong guild leaders ay kumurot. Alam nilang ang 200 combo na ito'y sinadya ni Lord Grim.
Hindi binilang ng combo counter kung ilang beses umatake ang Blood Gunner. Binilang nito kung ilang beses siyang inatake. Pero sa ilalim ng malalakas na atake sa kahit saang direksyon, napakadaling lumagpas sa 200 ang Combo. Ang resulta, ito'y pumipigil sa mga manlalaro na atakihin ito ng sobra.
Karaniwang binibigyan nila ng pansin ang combo! Ang pagsira sa combo ay mas madali kaysa tuluyin ang combo.
Pero inutusan ni Lord Grim ang isang party na gumawa ng 200 Combos. Bukod dito, ginawa niya ito nung ang Three Great Guilds ay nasa loob ng aggro range. Makikitang sinadya niya gawin ito para maging Enraged ang BOSS at pigilan ang Three Great Guilds.
Halatang ang kaniyang pakay ay ang Blood Gunner.
Pero ano ang pakay ng Blood Gunner ngayon?
Ang aggro ng Blood Gunner ay hindi magbabago dahil ito'y naging Enraged. Ang aggro nito'y nandoon pa rin kay Lord Grim. Pagkatapos naging Enraged. Agad-agad nitong tinamaan si Lord Grim na sumabog sa isang puting ulap ng usok.
Ang mga manlalaro mula sa tatlong guilds ay nakita ito, ngunit sila'y hindi masaya. Ang natamaan lamang ay ang shadow clone ni Lord Grim.
Nasaan ang totoong katawan ni Lord Grim? Pagkatapos naglaho ang shadow clone, isang Aerial Fire nanaman ng Gunner ang sumabog at siya'y tumilapon papaatras.
Mabilis na hinabol siya ng Blood gunner. Ang mga manlalaro mula sa Three Great Guilds ay kinakalaban ang Undead Legion at walang oras para manood. Sila'y tumutok na lamang sa pagpapatigil sa paglapit ng mga undead.
Ang noob Brawler at ang mga iba pa'y nagulat. Sila'y masayang bumalik, nakahandang sumali sa grupo at kunin ang mga gantimpala. Pero sinong nakaisip na may mangyayaring ganito. Ang tatlo'y walang magawa kung hindi manood habang ang dalawa nilang mga kasapi ay agad-agad napunit sa malalaking tipak ng karne dahil sa Undead Legion.
Ang tatlo'y agad-agad na ihininto ang kanilang mga galaw. Ngayon ay talagang naintindihan na nila kung ano ang panganib na sinasabi ni Lord Grim.
Pagkatapos, nakita nilang lumipad si Lord Grim. Sa likod niya'y ang napakabilis na Blood Gunner.
Ang tatlo'y hindi alam ang gagawin. Hindi nila alam kung tumatakbo si Lord Grim o may iba pang ginagawa hanggang nakita nila ang utos ni Lord Grim: "Takbo!"
"Takbo asan?" Ang tatlong manlalaro ay nagtanong.
"Tumakbo kayo rito at patayin ang BOSS." Sagot ni Ye Xiu.
Habang nalilito, ang tatlong manlalaro'y tumalikod at tumakbo.
"Nandito!" Binigyan ni Ye Xiu ng karagdagang utos ang tatlong manlalaro.
Malinaw na nakita ito ng Three Great Guilds. Wala silang natitirang mga tao para ipadala, kaya idinabog nalang nila ang kanilang mga paa sa galit.
"Ang taong yun ay inilalayo ang Blood Gunner!!" Ang lahat ay nagsisigawan.
Muntik nang mamatay si Blue River sa galit at nagpadala ng mensahe kay Lord Grim: "Kaibigan, hindi maganda yan!"
Sa sandaling ito, tumatakbo lang si Lord Grim. Kadalasan siyang humihinto para ihagis ang humahabol na Blood Gunner. Mayroong oras siya para sumagot kay Blue River.
"Anong problema?" Sumagot si Ye Xiu.
Anong ibig mong sabihing anong problema!! Nakita ni Blue River ang mensaheng ito at mas lalo pang nagalit. Habang papadala siya ng isa pang mensahe, bigla niyang nadiskubrehang wala siyang masasabi.
Tama, anong mali? May ginawa bang mali ang taong iyon? Siya'y nagplanong nakawin ang Blood Gunner. Pero ang sabihing iyon ay hindi maganda? Walang ganoong salita sa Glory! Ang mga Wild BOSSes ay matagal nang nariyan para manakaw. Pero kadalasan, ito'y palagiang nananakaw ng Three Great Guilds. Kapag may ibang nagnakaw nito, bakit biglang matatawag iyon na hindi maganda?
Walang masabi si Blue River.
"Ikaw ay napakabangis!!"
"Ha ha." Sumagot si Ye Xiu.
"Pero wag ka munang magdiwang. Sa liit ng mga kasama mo, iniisip mo bang matatalo mo ang Blood Gunner bago namin mapatay 'tong mga basurang 'to? Iniisip mo bang hindi ka namin mahahanap?" Tugon ni Endless Night.
"Kung ganoon dapat bilisan niyo." Napatawa si Ye Xiu.
"Saan tayo tatakbo?" Ang noob Brawler sa tabi ni Lord Grim ay nagtanong.
Hindi pa nakakasagot si Ye Xiu nang biglang may sumigaw na manlalaro: "Uh oh! May mga taong papunta sa atin."
"Kalma lang. Ibigay niyo ang party leader position sa akin." Sagot ni Ye Xiu.
Ang noob Brawler, nang hindi nag-iisip, ay ibinigay ang party leader position kay Lord Grim.
Player Drifting Water has joined your party.
Player Sunset Clouds has joined your party.
Player Sleeping Moon has joined your party.
Player Immersed Jade has joined your party.
"KILL!" Malakas na sigaw ni Ye Xiu. Ang noob Brawler at ang mga kasamahan niya'y nanood, at nagulantang, habang isang grupo ng mga tao ang sumugod. Ang ilan ay tinatawag siyang "Diyos", ang ilan ay "kuyang mahusay", at ang mga iba pa'y hindi nagsalita. Silang lahat ay pumunta sa Blood Gunner para umatake.