Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 35 - One Wave Rush (1)

Chapter 35 - One Wave Rush (1)

Makikitang si Bound Boat ay hindi ganoong mapusok kagaya ni Flower Lantern. Hindi siya umalis sa party at hindi gumalaw. Nagpadala siya nang mensahe kay Blue River: "Anong dapat kong gawin?"

"Ano sa tingin mo?" Sagot ni Blue River.

"Naiintriga ako. May mga agam-agam lang ako kasi nasipa ako, kaya hindi ko makikita yung pangyayari gamit ng dalawa kong mga mata." Sabi ni Bound Boat.

"Hindi ba parang nagmamayabang lang siya?" Tugon ni Blue River.

"Hindi naman siguro, baka sa kadahilanang hindi pa siya nagchachange class, kaya ayaw niyang magdala nang Cleric. Kung kinakailangan, pwede naman siyang mag heal." Sabi ni Bound Boat.

"Yeah, hindi ko rin iniisip na nandito lang siya para aksayahin ang oras nating lahat. Testingan natin!" Sagot ni Blue River.

"Sige, kung ganon aalis na ako." Umalis si Bound Boat sa party.

"Returning Cloud, pumunta ka dito. Halos lahat nang mga kahanay nati'y naabot na ang dungeon limit." Sabi ni Flower Lantern. Si Returning Cloud ay isa sa mga dalubhasa ng kanilang party. Pero dahil pumasok si Lord Grim, siya'y umalis. Ngayon, babalik siya ulit sa party. Halos lahat nang mga miyembrong nasa elite group ay gustong makapasok sa dungeon kaya medyo mahirap maghanap nang slot para sa kaniya. Maliban nalang kay Blue River at sa mga iba, na nag-abang, yung mga hindi pa naabot ang dungeon limit ay pumasok para sa kanilang huling run.

Sa huli, ang mga dalubhasang nakita ang tawag ni Flower Lantern ay mausisang nag-usap. Alam nilang nasa party ni Flower Lantern ang tatlong pinakamataas na DSP ng guild. Kung silang lahat ay online, ano pang tinatawag-tawag niya?

"May mga manlalaro pa bang makakatakbo nang Frost Forest? Mas malaki ang damage mas maganda. Bilisan nyo't tulungan niyo kaming sirain ang clear record!" Hindi nag paliwanag si Flower Lantern tungkol sa kaniyang sinabi at inilagay ito sa channel ng guild.

"Pupunta ako!" Sa wakas, may isang tumugon sa tawag. Nakita ni Flower Lantern na siya'y si Lunar Grace. Siya'y isang babae. Sa grupo ng mga dalubhasa, hindi ganoon kadami ang mga babaeng manlalaro, kaya ang ganitong mga babaeng eksperto ay tinuturing na kayamanan. Ang mga party ay nag-aagawan para sa kanila, at dinadala ang mga babae sa dungeon na para bang kanilang caretaker. Ang resulta'y ang mga babaeng eksperto ay walang permanenteng party.

Sina Returning Cloud at Lunar Grace ay mabilis na dumating at sumali sa party ni Blue River. Si Returning Cloud ang orihinal na miyembro ng party na ito, kaya alam niya nag sitwasyon. Pero si Lunar Grace na walang alam, ay parang natulala. Ang party na ito'y walang MT at healer, at mayroong hindi kilalang tao pa. Class...Wala siyang class?

"Oh, dakilang diyos... Pwede na ba tong dalawa na to?" Mapanuyang sabi ni Flower Lantern kay Lord Grim.

Datapwat maiging tinignan ni Ye Xiu silang dalawa: "Yup, mainam sila."

Si Returning Cloud ay isa ring Elementalis. Ang kaniyang armas ay isang Purple Level 20 Vivid Staff. Bilang mga Level 20 Staffs, ang attributes ng Vivid Staff at Copper Staff ay halos magkaparehas. Ang pinagkaiba lang nila ay ang kani-kanilang additional properties. Isa na dun ay ang dagdag na Level 1 sa Flame Explosion, habang ang isa'y may dagdag na Level 1 sa Frost Ball. Sa mga staffs na ito'y makikita ang iba't-ibang daan na tinatahak nang dalawang Elementalist.

Si Lunar Grace ay isang Witch. Ito'y mapipilian rin kasama ng ibang mga magic classes. Kilala sila bilang mga siyentipiko sa hanay ng mga mages. Gumagamit sila ng madadaming mga magic items para lumaban at medyo malakas sa harapang labanan.

Gamit ni Lunar Grace ang isang Purple Level 20 Crystal Wand, na hindi isang Walis, ang weapon na dapat para sa mga Witches. Ang resulta, hindi masabi ni Ye Xiu kung anong skill path ang kaniyang tinatahak, kaya siya'y nagtanong: "Anong skill path?"

"Dark Style Path." Sagot ni Lunar Grace.

"Dumagdag ka ba ng points sa Doll Shururu?" Tanong ni Ye Xiu. Ang Doll Shururu ay isang Witch skill na tumutuya sa mga halimaw.

"Auto Level Up." Tugon ni Lunar Grace. Ibig sabihin nag kapag pwedeng palakasin ang skill, may isang skill point ang agad namalalagay para palakasin ito.

"Oh, maganda yan." Sabi ni Ye Xiu.

"Kunteto ka na ba, diyos?" Tanong ni Flower Lantern.

"Yup, maganda 'to. Tara, maghanda na tayo para sumugod!" Sabi ni Ye Xiu.

Hindi pa rin naiintindihan ni Lunar Grace ang sitwasyon. Sa huli'y narinig niyang nagdeklara si Blue River: "Lahat, makinig. Para sa dungone na ito, si Lord Grim ang mangunguna."

"Ikaw ang mangunguna?" Sobrang nagulantang si Lunar Grace.

"Yup." Sagot ni Ye Xiu.

"Bakit?" Hindi maintindihan ni Lunar Grace.

"Para sa clear record..." Sabi ni Ye Xiu habang siya'y papunta na sa dungeon.

"Hey hey..." Sumigaw si Blue River para kay Ye Xiu, pero nawala na siya. Makikitang pumasok na siya sa dungeon. Nalungkot si Blue River! Kinakailangan nilang pag-usapan ang kanilang plano sa labas ng dungeon. Pagkatapos nilang pumasok sa dungeon, ang timer ay magsisimula. Sa mga panahong iyon, ang paguusap ay nagsasayang lang ng oras!

"Pumasok na ang Diyos. Ano pang hinihintay niyo diyan, bilisan niyo't manginig kayo sa kaniyang galing, mga taga-lupa!" Malakas na tumawa si Flower Lantern.

"Pagnakalabas ako, hahanapin kita." Napamura si Blue River at agad na pumasok kasama ang kaniyang mga kahanay.

Ang mga halimaw sa Frost Forest ay may berdeng katawan at asul na ilong. May mga long-ranged, melee at pati mga magic type na halimaw. Makikitang, hindi sila mag nakakabagot kaya nung mga sumusunod sa pattern na halimaw sa beginner village. Idagdag pa, ang mga Goblin na ito'y pare-parehas ang mga hitsura, kaya hanggang sila'y umatake, walang makakasabi kung anong klase sila.

Pagkatapos pumasok nila Blue River sa dungeon. Nagsimula na ang dungeon timer. Walang kahit na sino sa kanila ang tumayo lang at dumeretso sila sa harap. Sumugod sila habang naririnig si Ye Xiu na nagsalita: "Magiging mas madali ang lahat dahil may kasama tayong Witch. Gagamit tayo nang One Wave Rush."

Muntik na mapatalon si Blue River sa pagkasindak: "Pano natin gagamitin ang One Wave Rush?"

"Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng One Wave Rush?" Mas nasorpresa pa si Ye Xiu kaysa kay Blue River.

Syempre alam ni Blue River. Sa Glory, ang One Wave Rush ay ang paghila nang mga halimaw para sabay-sabay silang patayin. Pero ang paraan na ito'y maaring magamit lamang kapag ang party level ay mas mataas sa dungeon. Kinakailangan din nila nang malakas at matigas na MT. Wala pa silang naririnig na One Wave Rush na ginagamit nang isang party parehas ang level sa dungeon.

"Ang One Wave Rush ay..."

"Alam ko, alam ko, hindi ko lang maintindihan kung paano mo gagamitin ang One Wave Rush." Sagot ni Blue River.

"Hihilain ko ang mga halimaw. Tapos, tatambakin sila gamit ang Doll Shururu. Raging Flames tapos Blizzard sa pagatake. Tapos...."

"Mas mabuti pang hindi ka nalang magsalita. Okay na, tara ikaw ang magsimula! Gagamit tayo nang One Wave Rush!" Mga luha'y tumulo sa mukha ni Blue River. Alam niya ang gagawin pero ang pinakaimportanteng punto ay nakadepende sa player na naghihila nang mga halimaw. Kung hindi siya makahila nang mga halimaw habang hindi namamatay, ito'y magiging problema. Sa huli'y ang taong ito'y inilagay ang anim na katagang, "Ako ang hihila sa mga halimaw." At hindi na nagsalita tungkol sa pinakaimportanteng punto. Alam ni Blue River na nagsasayang lang siya nang oras pagnagsalita pa siya.

Ang ibang tatlo'y tumingin kay Blue River at parehas ang iniisip. Natanggap na nilang tatlo ang kanilang kapalaran at lumagakpak ang pawis sa kanilang mukha. Sa huli'y ngumiti si Ye Xiu at sumigaw: "Pupunta na ako."

Tumakbo si Lord Grim. Sina Blue River at ang mga iba pa'y tiningnan ang kaniyang likod na para bang isa siyang bayaning hindi na magbabalik pa.

"Masasabi kong, para talaga siyang bayani, hinahangaan ko talaga siya," Panghamak na sinabi ni Thundering Light.

"Kayong lahat sumabay kayo." May sigaw mula sa kanilang harapan. Ang apat na halos maiyak na ay sumabay sa kaniya. At nakita nilang si Lord Grim ay papunta na sa dalawang Goblins. Ang isa sa kanila'y nagtatapon na nang bato, habang ang isa'y nagsisimula nang gumamit ng Ice Arrow. Ang apat ay napasabi: "Anong trahedya ito, kakasimula palang nati'y may dalawang long-ranged na."

Ang bato at ang Ice Arrow ay lumipad pero si Lord Grim ay bahagyang yumugyog lamang at ang bato at ang Ice Arrow ay lumagpas sa kaniya.

"P*ta, ito kaya ang Z Shake!" Napasigaw si Blue River.