"Bilis, bilis, atake!" Mabilis na sigaw ni Blue River. Ang pinakamahirap na parte ng One Wave Rush ay ang paghila sa mga halimaw at sa kanilang pagkagulantang, nagawa ito ng taong hindi pa nga nagpapalit ng class. Pero para ubusin ang lahat ng halimaw ay hindi rin madali. Ang dalawang spells mula sa mga mages ay talagang hindi sakto para maubos silang lahat.
Hindi nangahas na bagalan nina Thundering Light at Returning Cloud ang kanilang mga galawan. Ang isa'y gumamit ng Raging Flames at ang isa'y gumamit ng Blizzard.
Ang dalawang spells ay galing sa iba't-ibang paths. Kahit na parehas sa level ang kanilang mga skills, ang kanilang mga epekto ay magkaiba. Ang speciality ng Fire magic ay burst power. Nung nagamit ang Raging Flames, isang alon ng apoy ang dumaan sa mga paa nang mga Goblins. Ang apoy ay umakyat sa langit, at umabot ng di kumulang tatlong metros.
Ang mga Goblins sa baba ay biglang lumipad sa ere. Ang Raging Flames ay sumiklab at ang mga Goblins ay nagsisisigaw. Pero ang skill na ito'y hindi kagaya sa mga paputok. Ang mga apoy na umakyat sa langit ay mabilis na nawala. Sa pagkawala nito, ang mga Goblins ay nahulog sa lupa. Pero sa mga oras na ito, ang Blizzard ni Returning Cloud ay tumama na sa itaas nila. Hailstones na may kasamang snowflakes, na kasing laki nang steamed bun, ay walang habas na tumama sa mga Goblins.
Ang Raging Flames ay natapos pero ang Blizzard ay tumatama kada segundo hanggang apat na segundo. Kung susumahin ang total damage, ang Blizzard ay mas mataas. Pero kung susumahin ang burst damage, ang Raging Flames ay mas mabagsik. Ito ang specialty ng mga nasa ice at fire path.
"Doll Shururu!" Sigaw ni Ye Xiu. Nakahanda ni si Lunar Grace at mabilis niyang ginamit ang "Doll Shururu" sa gitna nang nakatipong mga halimaw.
Ang "Doll Shururu" ay isang manika. Ang mga halimaw sa 2 metros radius sa paligid nito ay magkakaroon ng Taunt status, pipilitin ang mga halimaw na i-aggro ito. Syempre, meron itong mga pagkukulang. Una, ang level ni Doll Shururu ay hindi dapat mas mababa kaysa sa mga halimaw. Pangalawa, ang normal na Doll Shururu ay walang epekto sa Elites, BOSS, at mga Emperors. Kapag nakuha lang ang passive skill na "Doll Shururu Upgrade" ito gagana. Sa panahong ito, hindi pa ganoon ka laki ang level ni Lunar Grace para makuha ang "Doll Shururu Upgrade", pero ang kaniyang "Doll Shururu" ay naka auto-level, kaya ang level nito ay hindi problema. Nung ginamit niya ito, lahat ng Goblins ay mabilis na tumakbo papunta sa "Doll Shururu".
"Hindi magtatagal ang Taunt!" Mabilis na sigaw ni Lunar Grace pagkatapos itong gamitin. Ang epekto ni Doll Shururu ay hindi nagtatagal, mga 20 seconds, pero ang problema ay ang maliit na manikang ito ay walang masyadong HP. Ang mga halimaw na nabigyan ng Taunt ay hindi tatayo at manonood lang, aatake silang lahat. Sa dami nang mga halimaw, ang Doll Shururu ay hindi magtatagal. Ang Raging Flames ni Thundering Light at ang Blizzard ni Returning Cloud ay may cooldowns din, ang isa sa kanila ay kailangan ng 6 seconds, habang ang isa sa kanila ay kailangan ng 8 seconds. Ngayon, ang dalawa ay parang mga sira ulo sa pagtatapon ng kanilang mga single target skills sa pag-atake. Sa harap ng naguumpukang Goblins na ito, ang kanilang mga atake ay hindi ganoon ka epektibo.
"Tama na!" Habang sinabi to ni Ye Xiu, kinontrol niya si Lord Grim para sumugod. Kasama ang epekto ng Doll Shururu, ang mga Goblins ay mas nakakumpol. Ang mga melee Goblins ay pinapalibutan ang Doll Shururu, habang ang mga ranged Goblins ay nagsimula nang atakehin ang Doll Shururu. Hindi man lang nagtagal ang Doll Shururu at mabilis itong nawasak. Pero sa mga panahong ito, nagawang sumugod ni Lord Grim. Wala ang kaniyang battle lance, sa kaliwa at kanang kamay niya'y dalawang Tonfas. Sinunggaban niya ang isang Goblin at gumamit ng Back Throw.
"Blade Master, maghanda para gamitin ang Falling Light Blade! Gamitin niyo 'to pagkatayo nila." Sigaw ni Ye Xiu.
Blue River na hindi nakatanggap nang kahit na anong utos ay nagulat. Pero mabilis siyang rumesponde at binuhat ang kaniyang espada bago sumugod papunta sa kalaban.
Ang lahat ng mga Goblins ay papatayo na. Si Blue River ay nasa hangin na at tinigpo ang gitna. Ang dalawa niyang mga kamay ay tinapon ang kaniyang espada at mabilis na bumagsak.
Blade Master Skill: Falling Light Blade.
Para sa Falling Light Blade, kung mas mataas ang talon ng manlalaro, mas mataas din ang damage at mas malaki ang radius ng shock wave. Matatawag talaga na isa sa limang pinakamalakas na eksperto ng Blue Brook Guild si Blue River. Pagkatapos sinigaw ni Ye Xiu ang utos, mabilis niyang naintindihan ang gustong ipahiwatig ni Ye Xiu. Ang Falling Blade Light ay eksakto at tumpak na nagamit, pagkatapos kumalat ang shock wave, ang Goblins na kakatayo pa lang ay agad na natumba.
Ang mga AoE attacks na sunod-sunod dumating ay hindi ginamit para sa damage. Kung hindi para siguraduhing ang mga nakakumpol na mga halimaw ay hindi makakatayo at makaatake. Ngunit, ang Back Throw at Falling Light Blade ay may cooldowns. Ang dalawang skills na ito ay hindi sapat para ma-crowd control silang lahat. Ang cooldown ni Doll Shururu ay mas mataas, 30 seconds, at hindi pwedeng magamit nang mabilisan.
"Anong ibang AoE pa ang meron tong lalakeng to?" Napaisip si Blue River. Ang kaniyang isip ay inalala ang lahat nang skills na pwedeng sanayin bago mag change class na may kahawig na epekto ng Back Throw o Falling Light Blade. Sa huli'y, narinig niya ang susunod na utos: "Shadow Cloak."
"Tama!" Biglang naintindihan ni Blue River. Nakita niyang lumakad si Lunar Grace sa harap. Sa isang pitik ng kaniyang kamay, isang kulay lila't itim na balabal ang lumipad at bumalot sa mga nakatipong Goblins. Ang balabal ay sumikip at ang mga Goblins ay nagsisisigaw, bago sila nahulog.
"Sigurado akong ang mga skills ay off cooldown na." Kinwenta ni Blue River ang mga cooldowns ng skills na nagamit, pero habang ginagawa niya ito, narinig niya ang susunod na utos: "Raging Flames."
Syempre, ang Raging Flames ni Thundering Light ay maari nang magamit, pagkarinig niya sa utos, ginamit niya agad ito at ang spell ay umepekto habang papatayo ang mga Goblins.
Ang apoy ay umakyat papataas at ang mga Goblins ay umikot sa hangin, nung mahulog sila, dalawang segundo ang lumipas. Namalayan ni Blue River na ang spell na iyon ay isa rin palang Crowd Control skill.
Isang eksperto, totoong siya'y isang eksperto. Hindi inaasahang ginamit niya itong mga skills na hindi naman talaga pang Crowd Control bilang Crowd Control. Para makatapos ng isang dungeon gamit ang One Wave Rush sa parehas na level, sobrang galing, talagang napakagaling niya!
Naintindihan ni Blue River. Sa puntong ito, basta walang magkamali sa kanila, ang One Wave Rush na ito'y masasabing tapos na.
Naintindihan ni Blue River, panong hindi maiintindihan ng iba? Humanga, sinunod nila ang lahat ng utos ni Ye Xiu, gamit ang kanilang mga skills. Ang mga Goblins ay lumipad at lumagapak, palagiang naghihirap. Pagkatapos nahulog ang mga items at tinabunan ang lupa, doon lang bumalik sa sarili ang apat. Ang dalawang dosenang Goblin ay mabilis naubos.
"Bilisan niyo, magpatuloy tayo." Hindi man lang tumingin sa kanila ang kabilang panig na para bang ang pangyayari ay hindi isang milagro, mabilis siyang sumigaw para magpatuloy.
Mabilis na sumunod si Blue River at ang mga iba pa, pagkatapos tingnan ang mga nahulog na items, wala silang nakitang dapat pulutin, kaya sila'y umalis na lang. Kung gusto mong sirain ang clear record, bakit ka magsasayang ng oras para diyan?
Sa labas ng dungeon, si Flower Lantern ay nagpadala ng mensahe: "Ano? Wala kayong masabi?"
"Diyos, tang** siya'y isang totoong Diyos!!" Tugon ni Blue River.
"Anong pinagsasasabi mo?"
"One Wave Rush! One Wave Rush!"
"Pwet ko! Anong pinagsasasabi mo?" Hindi maintindihan ni Flower Lantern.
"Tinatapos namin 'to gamit ang One Wave Rush!" Sagot ni Blue River
"Nagbibiro ka ba?" Hindi naniwala si Flower Lantern.
"Maghintay ka nalang hanggang nasa TV na kami, ha ha ha!" Sa Glory, tinatawag ng mga manlalaro ang pagiging kasama sa system announcement ang pagiging "nasa TV".
Tulirong sinara ni Flower Lantern ang message box, habang si Bound Boat ay nagtanong: "Anong nangyayari?"
"Sila'y... Gumagamit sila nang One Wave Rush." Tugon ni Flower Lantern.
"One Wave Rush?" Naguluhan rin si Bound Boat.