Sa wakas ay dumating na rin ang ika-sampung araw ng Enero. Walang inilipat na manlalaro ang Wind Howl, at Misty Rain papalayo, at papasok sa kanilang mga Team. Isang araw bago magsimula ang mga labanan ay dumating na sa City H ang Team Wind Howl.
Ginawa nila ito para masanay nila ang kanilang sarili sa panahon ng City H. Naging marami ang mga taong bumati sa Vice-Captain ng Wind Howl na si Liu Hao sa pagdating niya sa City H. Masasabi mo na sinusuportahan pa rin ng mga tagahanga ng Excellent Era noon si Liu Hao.
Sa panayam na naganap bago nagsimula ang labanan ay ipinaalam ni Liu Hao sa lahat ang kaniyang panghihinayang sa naging kinahinatnan ng Excellent Era. Pagkatapos nito ay binasbasan niya ang kinabukasan ng New Excellent Era.
Syempre, naging marami rin ang mga binitawan niyang salita tungkol sa sitwasyon ng New Excellent Era sa Challenger League na naging dahilan kung bakit naantig ang puso ng karamihan sa mga tagahanga ng Excellent Era.