Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 2 - Area 3 Number 47

Chapter 2 - Area 3 Number 47

"Sino ka sa inaakala mo, Chie!"

"Para sa kaniyang kapakanan lang rin naman ang pagreretiro niya, ano pa ba ang masasabi niya?"

"Tama, tama, sa tingin ko naman ay magalang siya. Paniguradong hindi niya tayo sisisihin sa ginawa nating desisyon."

Umalis si Ye Qiu at Su Mucheng. Agad kumalma ang mga naiwan sa conference room at nanglait na naman sila. Ngunit halo-halo ang nararamdaman ni Sun Xiang. Hindi siya nakisama sa iba at sa halip ay lumapit sa Manager: "Hindi ko maintindihan. Paano niya nagawang tanggapin ang mga kondisyong iyon?"

"Wala siyang magagawa kung 'di tanggapin iyon." Sabi ng Manager.

"Bakit?"

"Dahil hindi niya kayang bayaran ang penalty fee." Sumagot naman ang Manager.

"Paano… Paano 'yun nangyari?" Nagulat si Sun Xiang. Masikap na nagtrabaho si Ye Qiu bilang isang propesyonal na manlalaro ng pitong taon at isa sa siya pinakamagaling. Kahit na tanggihan niya ang lahat ng inalok na tulong ng mga kumpanya ay, hindi naman siguro mababa ang kaniyang sweldo na hindi niya kayang mabayaran ang penalty fee.

"Wala ka sa panahong iyon, kaya hindi mo alam. Noong nagsisimula palang ang Alliance, ang mga pro player ng Alliance ay hindi ganoon kahusay katulad ngayon. Sa panahong 'yun, napakalala ng sitwasyon ng mga natatanggal na pro-players."

"Iginugol nila ang halos lahat ng oras nila sa paglalaro kaya wala silang nakamit na edukasyon o karanasan man lamang para magtrabaho. Dahil doon, pagkatapos nilang matanggal at mawalan ng trabaho ay kaagad silang naghirap."

"Si Ye Qiu ang itinanghal na henyo sa herenasyong iyon at sa kaniya kami umasa para makamit ang mga nakamit naming tagumpay noon. Pero sa kasamaang-palad, marami siyang kaibigan na naging ganoon, kagaya nung sinabi ko…"

"Ang sinasabi mo ay ibinigay niya ang halos lahat niyang pera sa mga kaibigan niya?" Nanlaki ang mga mata ni Sun Xiang sa gulat.

"Tama."

"Kung kinakailangan niya ng pera, bakit niya tinanggihan ang alok ng mga kumpanya?" Nagtanong si Sun Xiang.

"Walang nakakaalam kung bakit." Sumagot ang Manager

"Hindi niyo mahulaan kung bakit?" Tanong ni Sun Xiang.

"Maaaring may kinalaman sa pamilya niya." Sabi ng Manager.

"Eh?"

"Walang nakakaalam tungkol sa kaniyang pamilya. Hindi rin niya sila binabanggit, isang kakaibang pangyayari ang hindi mo banggitin ang iyong pamilya habang malayo ka sa kanila, kaya iyan ang hinihinalaan kong dahilan." Dagdag na sabi ng Manager.

"Siguro andami na ng naranasan ng taong ito..." Inangat ni Sun Xiang ang One Autumn Leaf card na binigay sa kanya ni Ye Qiu. Alam niyang ginawa ni Ye Qiu ang acccount na ito sa mga panahong hindi pa nabubuo ang Professional Alliance. Ginamit niya ito sa simula hanggang ngayon, at ang account card na ito ang isa ay sa mga pinakamatandang Glory Account.

"Sige, huwag na natin siyang pag-usapan pa. Masyadong busy ang Boss natin kaya hindi siya makakapunta rito, pero binigyan niya ako ng isang bote ng pinatandang bino bilang pagsalubong sa pagdating mo." Sabi ni Manager.

"Hahaha, maraming salamat! Dahil sakin, paniguradong muling sisikat ang Excellent Era!"

Umalis na si Ye Qiu.

Nakatayo si Su Mucheng sa lagusan ng Club Studio. Nakatayo lang siya nang ganito hanggang sa maglaho si Ye Qiu. Si Ye Qiu ay paulit-ulit na lumilingon para iwagayway ang kaniyang kamay bilang tanda ng pamamaalam, dahil dito ay nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Su Mucheng.

Tanging walong salita lamang ang iniwan ni Ye Qiu sa pag-alis niya: "Magpapahinga ako ng isang taon at babalik ako."

Hindi na nagsalita pa si Su Mucheng. Paulit-ulit niya lang tinatango ang kaniyang ulo. Hindi niya siya ang inosenteng batang babae sa nakaraan at marami na siyang nalikom na karanasan.

May mga niyebeng lumulutang sa hangin. Malamig ang paligid dahil sa tag-lamig.

May niyebe?

Nung umalis si Ye Qiu sa club, hindi niya napag-isipan kung ano ang kaniyang susunod na gagawing hakbang. Dahil maraming taon na rin siyang nasanay sa ganitong klase ng pamumuhay ay hindi pa niya naiaakma ang sarili sa biglaang pagbabago. Plano niyang maglakad-lakad muna hanggang sa malinawan ang kaniyang isipan.

Sinong nag-akala na pati ba naman ang paglakad-lakad lang sa paligid ay hindi pa ibibigay ng poong maykapal? Sa mga sandaling lumakad na siya ay biglang nahulog ang niyebe sa kalangitan, mabilis na bumaba ang temperatura at ang kaniyang katawan ay nabalutan ng lamig na nanuot hanggang sa kaniyang mga kasu-kasuan.

Malinaw na kapag hindi siya naghanap ng masisilungan ay paniguradong mamamatay siya sa lamig.

Tumingin sa kaliwa't kanan si Ye Qui at nakakita siya ng isang Internet Cafe sa tabi ng daan. Maliwanag pang nakabukas ang mga ilaw kahit gabi na at agad siyang tumakbo patungo dito.

Maayos at mainit-init sa loob ng Internet Cafe. Pumasok si Ye Qui at pinagpag ang mga snowflakes sa kaniyang katawan at pumunta sa reception desk.

"Area 3 Number 47." Ipinaalam ng binibining nasa reception desk na may kompyuter na maari niyang magamit, dahil dito ay nag-abot siya ng ID Card na maaring magamit ng kustomer para mabuksan ang kompyuter. Pero matapos makitang nawala na sa harapan niya ang lalakeng kakapasok lamang ay umiling nalamang siya at naghintay na bumalik ng lalake para kunin ang kaniyang ID Card.

Area 3 Number 47, sinundan ni Ye Qui ang mga senyas habang naghahanap. Hindi maliit ang Internet Cafe na ito. Meron itong maraming kompyuter at meron din itong pangalawang palapag. Area 3… Nakita ni Ye Qiu ang Area Number na nakalagay sa kisame. Mukhang hindi niya kinailangan umakyat sa ikalawang palapag.

Pagkatapos niya magbilang hanggang sa Number 47, nagulat si Ye Qiu. Ang istasyon na ito ay kasalukuyang ginagamit ng isang babae. Idagdag pa na naglalaro siya ng Glory. Siya ay kasalukuyang nasa Arena at nakikipagtagisan ng galing.

Habang tinitingnan niya ang babae ay biglang natulala si Ye Qiu matapos makita na isang Launcher ang karakter na gamit-gamit ng babae. Para bang may nagbago sa isipan niya at naisip niyang si Su Mucheng ang nakaupo sa upuang ito.

Ngunit agad din niyang napagtanto na hindi siya si Mucheng. Laging banayad at tahimik si Su Mucheng. Kahit na sa isang napakatinding komprontasyon, lagi parin siyang nakangiti.

Minsan pinapanuod ni Ye Qiu si Su Mucheng na ngumingiti habang pinagpipiraso ang kaniyang mga kalaban, at sa mga sandaling humihingi siya ng paumanhi ay bahagya siyang nanginginig sa takot na mapagalitan.

Ang babae naman na ito, maganda at banayad rin naman ang kaniyang itsura. Kaso puno siya ng galit at halos wasakin na niya ang kaniyang keyboard. Dahil dito ay naisip ni Ye Qiu na para bang ang kaniyang ganda ay isang patibong lamang para sa mga lalakeng mangangahas na akitin siya.

"Masyadong nakakatakot siya kung maglaro..." Malinaw na nakikita ni Ye Qiu ang nangyayari sa screen. Alam rin niya na paniguradong mahuhulog sa isang patibong ang babae, at gaya ng kaniyang inaasahan ay sinamantala ng kaniyang kalaban ang pagkakamaling nagawa niya at sa dalawang hampas lamang ay kaagad na naubos ang kaniyang Health.

"Put*ngina!" Narinig ni Ye Qiu na sumigaw ang babae dahil sa galit. Binalibag niya ang keyboard at kaagad na sumara ang laro.

Nagdalawang-isip si Ye Qiu kung kukunin pa rin ba niya ang istasyong ito o hindi. Nakatingin na rin ang babae sa nag-aatubiling Ye Qiu. Habang galit na tumayo ay nagtanong siya:

"Kompyuter?"

Tumango si Ye Qiu.

"Edi maupo ka!" Agad din umalis ang babae.

Napailing si Ye Qiu sa pagkamainipin ng mga pangkaraniwang manlalaro bago umupo.

Nalulungkot si Chen Guo, nalulumbay. Nag-duel siya ng 52 na beses sa Arena ngunit kahit isang beses hindi siya nanalo. Hindi siya makapaniwalang totoo ito.

Hinaplos ni Chen Guo ang 'Chasing Haze' na nasa kaniyang bulsa. Hindi naman mahina ang kaniyang account. Kung ikukumpara sa mga pangkaraniwang manlalaro, maaaring maituring na malakas ang kaniyang account at hindi din mababa ang kaniyang kakayahan. Pero kahit na hindi kasing lakas ng account niya ang account ng kaniyang kalaban, hindi pa rin niya nagawang manalo kahit 52 na beses na siyang sumubok.

"Isa siyang malakas na eksperto." Patapos na inisip ni Chen Guo.

"Boss, hindi ka pa naglolog-out. Bakit naglalaro ang taong 'yun?" Nag-iisip si Chen Guo habang naglalakad, ng biglang may sumingit na boses. Ibinaling ni Chen Guo ang kaniyang ulo at tumingin. Sa katabing kompyuter, isang madalas na kustomer sa Internet Cafe ang nakatingin sa kompyuter na pinaggalingan niya.

Naku po! Napatigil ang tibok ng puso ni Chen Guo at dali-dali siyang tumakbo para makabalik. Dahil sa kasikatan ng Glory, naging karaniwang computer accesory ang Glory log-in devices na kailangang-kailangan sa mga Internet Cafe.

Kinakailangan lang ipasok ang mga account cards sa device para makapasok sa laro, kaya sa isang pampublikong lugar na katulad nito, agad na tinatabi ng mga tao ang kanilang mga card pagkatapos nilang gamitin iyon..

Ang bawat card ay mayroon lang isang account. Maaaring iulat ang mga nawawalang card, kaya walang nangyayaring nakawan. Pero sa ganitong klase ng pampublikong lugar, madalas na nakakalimutan ng mga tao na mag log-out at pagkatapos ay maaring mananakaw ang kanilang pera at kagamitan.

Marami-rami ang nalikom na inis ni Chen Guo pagkatapos ang sunod-sunod niyang pagkatalo, kaya hindi niya ito napansin.

Agad na tumakbo si Chen Guo patungo sa kompyuter at katulad ng inaasahan, naglalaro nga sa kaniyang account ang lalaking iyon. Kaso mukhang hindi niya ninanakaw ang mga gamit, tila mukhang sabik siyang nakikipag-duel sa Arena.

Hindi na nakasigaw pa sa galit si Chen Guo dahil sa mga katagang lumitaw sa screen...