Panalo?
Napatunganga si Chen Guo nang saglit. Ang salitang lumabas sa screen, ang salitang Glory, ay ang simbolo ng pagkapanalo sa Arena na nangangahulugan rin na "K.O".
Kaso gaano palang siya katagal nawala? 40 na segundo? 50 segundo? Inangat ni Chen Guo ang kaniyang kamay at tumingin sa kaniyang relo. Siguradong wala pang isang minuto ang nakakalipas. Pero ang resulta? Ang kalaban ko na 52 na beses akong sunod-sunod na tinalo ay natalo niya sa loob lamang ng isang minuto?
Nakalimutan na ni Chen Guo na sumugod at bawiin ang kaniyang account. Gusto niya malaman kung maaring makipag-duel ulit ang taong ito para masuri niya nang maayos.
Ngunit sa huli, nakita niyang naglog-out na sa laro ang lalaki. Inunat niya ang kaniyang mga kamay na para bang hindi siya masyadong interesado sa kompyuter at lumingon sa kaliwa't kanan.
Habang lumilingon siya ay nakita niya si Chen Guo na nanlalaki ang mga mata at nakatitig sa kaniya, at dahil dito ay kaagad siyang nagpaliwanag, "Hindi ka nakapaglog-out at nang maupo ako, nagsimula ang laban. "Wag ka mag-alala, tinulungan ko na manalo ka!"
"Gaano mo katagal ginamit to?" Tanong ni Chen Guo.
"40 segundo!" Sabi ni Ye Qiu.
Napanganga si Chen Guo nang sabihin niya na may konting pagsisi: "Kung hindi lang sana nilalamig ang mga kamay ko baka 30 segundo lang sapat na."
30 segundo… 30 segundo para talunin ang kalaban ko na tinalo ako ng 52 na beses? Sino ang taong ito?
Hindi kaya isa siyang propesyonal na manalalaro sa Team Excellent Era? Biglang naisip ni Chen Guo. Alam niyang hindi malayo mula sa Internet Cafe ang Club Excellent Era. Pero nag-isip siyang muli. Mamumukhaan ko sana siya kung galing siya sa Team Excellent Era, pwera nalang kung siya si Ye Qiu, ang ekspertong kailanman ay hindi ipinapakita ang kaniyang mukha.
Ye Qiu! Agad nasabik si Chen Guo nang maisip niya palang ang pangalan na ito, pero nang maisip niya kung gaano kasekreto ang mga pagkakakilanlan ng mga manlalarong kagaya niya ay malamang na hindi siya aamin kung deretsahan siyang magtanong.
Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-aalinlangan ay kaagad siyang tumakbo sa reception desk para magtanong.
"Sino ang guest na nag-register sa Area 3 Number 47?" Tinanong ni Chen Guo ang babaeng nasa likuran ng counter.
"Sabi rito ay si Ye Xiu raw…" Sumagot naman ang babae.
"Ye Xiu… Ye Qiu? Siya nga talaga!" Sabik na naisip ni Chen Guo. Tila parang natuklasan niya yata ang tinatagong pagkakakilanlan ni Ye Qiu!
"Heh heh heh…" Katakot-takot lang ang maaring itawag sa tawang lumabas sa bibig ni Chen Guo, nakahanda na siyang gamitin ang lahat niyang makakaya para makuha ang kaniyang pirma…
Aaah… Pirma ni Ye Qiu…
Bukod sa kaniya ay walang kahit na sinong tao ang mayroong pirma niya!
Habang iniisip niya ang mga susunod niyang hakbang ay biglang nagsalita ang babaeng receptionist: "Nakalimutan pa nga niya ang ID Card niya…"
"ID card?" napatunganga si Chen Guo nang marinig ito. Saka lang niya napagtanto na nagmukha siyang t*nga dahil sa kasabikan. Ang Internet Cafe ay may sistema na kung saan kinakailangang mag-sumite ng ID Card ang mga kustomer para maihayag ang kanilang pagkakakilanlan.
"Nasaan? Patingin nga ako." Tinignan ni Chen Guo ang ID card na nasa kamay ng babae, at gaya ng inaasahan niya ay Ye Xiu ang nakalagay sa pangalan. Kaagad siyang nabalot ng pagkabigo, kung Qiu lang sana ang Xiu sa hulihang bahagi ng pangalan niya!
Nung matuklasan niya na si Ye Xiu ay isang pangkaraniwang manlalaro lamang ay nawala na ang kaniyang interes tungkol sa kaniya. Pagalit na bumalik si Chen Guo sa Area 3 Number 47 at inihatid ang ID card bago sinabing.
"Nakalimutan mong kunin ang ID Card mo…"
"Oh, salamat…" Kaagad namang sumagot si Ye Xiu, "Nagtratrabaho ka ba rito sa Internet Cafe?"
"Oo, ako kaya ang may-ari…"
"Oh? Ikaw ang may-ari? Sige, sige. May nakita kasi akong nakalagay sa rito, talaga bang naghahanap ba kayo ng empleado?" Nagtanong si Ye Xiu.
"Ah… Oo, naghahanap kami…" Hindi inaakalang magtatanong ang lalaking ito kung may bakanteng trabaho. Dahil sa tanong niya ay nagkaroon ng ideya si Chen Guo para masubukan ang tunay na lakas ng lalaking nasa harapan niya.
"Sa tingin ko naman ay tumutugma ako sa lahat ng kwalipikasyong hinahanap niyo. Hindi problema sa akin ang kahit na anong trabaho. Ano sa tingin mo, Boss?" Sumagot si Ye Xiu.
"Oh, kailangan mo muna talunin ako sa isang duel sa Glory." Sabi ni Chen Guo.
"Hmmm? May ganiyang kondisyon?" Tiningnan muli ni Ye Xiu ang nakita niya para matingnan kung totoo ba talagang mayroon ganoong klase ng kondisyon.
"Talagang hindi mo mahahanap ang kondisyong iyon, kakadagdag ko pa lang kasi niyan, ngayon." Nagsalita si Chen Guo.
Napatunganga si Ye Xiu. Ngayon lang niya napagtanto na masyadong mabilis ang naging pagkapanalo niya kanina. Naakit sa kaniyang lakas ang magandang boss, ngunit… Napatawa at napailing nalang si Ye Xiu: "Hindi kita kayang talunin."
"Bakit?" Gulat ni Chen Guo.
"Dahil wala akong account na maaring makatalo sa account mo." Sabi ni Ye Xiu.
"Account… Anong level at ano ba ang mga gamit?" Tanong ni Chen Guo.
"Walang level, at walang ring gamit." Sumagot si Ye Xiu.
"Paano nangyari yun?" Hindi ito pinaniwalaan ni Chen Guo. Tinalo niya sa loob ng 40 segundo ang kalaban na hindi niya matalo-talo. Kung ang ganitong klase ng tao ay walang sarili niyang account, paano niya nalinang ang abilidad niya sa paglalaro?
"Binigay ko ang orihinal na account ko." Ito lang ang nagawang masabi ni Ye Xiu.
"Ah, kaya pala… Sobrang bait mo pala." Malungkot na sabi ni Chen Guo.
Sa lakas ng taong ito ay paniguradong hindi mahina ang orihinal niyang account, ang dahilang kung bakit sinabi ni Chen Guo na sobrang mabait siya ay lubhang mahahalaga ang mga malalakas na account, kaya para gawin niya iyon ay mabait nga siya.
"Oo, sobrang mabait." Pinilit ngumiti ni Ye Xiu. Ang account na ipinamigay niya ay ang Battle God One Autumn Leaf. Para gamitin lang ang salitang "mabait" para ilarawan ang pag-uugali niya ay masyadong kulang.
"Dahil ba sa naghahanda kang sumabak sa bagong server?" Nagtanong si Chen Guo.
"Bagong server?" Napatunganga si Ye Xiu at biglang tinignan ang kalendaryo
Sa susunod na araw ang ika-10 anibersaryo ng Glory. Simula sa pangalawang anibersaryo, ang Glory ay nagbubukas ng bagong server kada-anibersaryo nito. Tatlong buwan na ang nakakalipas nung nagsimula ang pagrerehistro para sa bagong server.
Ang mga nakakatandang manlalaro na hindi na kuntento sa mga nakakatandang server ay maaring sumabak muli sa mundo ng Glory sa pagbubukas ng bagong server.
Isa si Ye Xiu sa mga ekspertong nakakuha sa kwalipikasyong makapasok sa lahat ng server gamit ang iisang account card. Kaya nung marinig niya ang balita tungkol sa bagong server ay hindi napakali ang isipan ni Ye Xiu.
Ang mga alaala ng nakaraan ay nanumbalik sa isipan niya.
"Bagong server?" Bulong ni Ye Xiu.
"Naaalala ko na sa simula ng bagong server, maari kang lumipat dun diba?" Biglang tanong ni Ye Xiu kay Chen Guo.
"Tanging mga Level 1 na account lang ang pwede." Sumagot naman si Chen Guo.
"Masubukan ko nga." Naglabas si Ye Xiu ng isang account card mula sa kaniyang bulsa at kaagad na sumali para sa isang server transfer sa homepage ng Glory. Nagulat si Chen Guo ng makita niya ang account card: "Hindi ba isang first-edition card iyan?"
"Oo." Sabay ngiti ni Ye Xiu. Kada taon ay may bagong edisyon ang Glory, at ang first-edition card niya ay magsasampung-taon na ang edad.
Natulalang tinitigan ni Chen Guo si Ye Xiu: "Gaano ka na katagal naglalaro ng Glory?"
"Halos sampung taon." Sagot ni Ye Xiu at kinumpirma na iisa siya at ang card.
Inakala ni Chen Guo na sa limang taon niyang paglalaro, maituturing na siyang isang beterano. Hindi niya naisip na ang taong nasa harapan niya ay doble pala ang karanasan kung ikukumpara sa kaniya.
Habang iniisip niya ang lahat ng ito ay may kumurap ang screen at makikita ang isang mensahe na nagsasabing : 'Server Transfer Succesful'.
"Tapos na." Hinatak ni Ye Xiu ang account card. Muli niyang inalala ang mga maliliit na detalye na nakalagay sa first-edition card na ito.
"Sinasabi mo ba na gusto mo maging isang manager?" Biglang tanong ni Chen Guo tungkol sa bagay na ito.
"Oo."
"Sa anong oras ba ang gusto mo?" Nagtanong ulit si Chen Guo.
"Yung panggabi." Sabi ni Ye Xiu.
"Oh, okay lang sayo 'yun?" Gulat ni Chen Guo. Ang panggabing trabaho ay nagsisimula sa alas onse ng gabi hanggang sa alas siyete ng umaga.
Mas malaki ang buwanang kita ng mga empleado sa panggabing trabaho, pero madalang lang ang mga taong gustong kunin ang posisyong iyon.
Kahit ano pa ang sabihin ay mas pinipili ng mga tao na nasa umaga ang oras ng kanilang pagtratrabaho. Dahil dito ay kinailangan nilang magpalit-palit, para may maging bantay sa pagsapit ng gabi at remedyuhan ang problemang iyon.
Kung talagang mayroong taong kukuha ng espesyal na trabaho sa gabi ay paniguradong makakahinga ng maluwag silang lahat.
"Walang problema, walang problema. Gusto kong matrabaho sa gabi," Sumagot naman si Ye Xiu. Maingat na tinantya ni Chen Guo ang taong nasa harapan niya. Ang buhok niya ay mukhang napabayaan, at ang kaniyang mukha ay hindi malusog kulay na para bang siya ay may sakit.
Pero wala naman talagang pakialam si Chen Guo tungkol rito, basta't gusto lang niyang maging trabahador sa gabi a, tatanggapin siya ni Chen Guo.
Bukod na rito ay interesado rin si Chen Guo sa tunay na lakas ng isang tao na nasa halos sampung taon ang karanasan sa paglalaro.
"Sige, tanggap ka na.
"Maraming salamat boss."
"Tignan mo nang mabuti ang mga patakaran. Dapat mong sundin ang mga iyon…" Nagbigay ng patnubay si Chen Guo.
"Walang problema, boxx."
"Kung ganoon, samahan mo ako!"
Maayos ang pamamahala ni Chen Guo sa kaniyang Internet Cafe. Matapos tanggapin si Ye Xiu bilang empleado ay kaagad niyang inutusan siya na ligpitin ang mga nagkalat na keyboards at ilagay ang mga iyon sa imbakan na nasa pangalawang palapag.
Ang pangalan ng Internet Cafe ni Chen Guo ay 'Happy Internet Club', ang kaniyang Internet Cafe ay maituturing bilang isa sa mga pinakamagarang Internet Cafe sa buong siyudad. May dalawang palapag ang gusali ng Internet Cafe na kung susumahin ay umaabot sa tumataginting na isang libong kompyuter ang nasa dalawang palapag.
Ang pangalawang palapag ay bahagyang maliit, pero malinaw na mas magara ito kaysa sa ibabang palapag, maayos na binuhat ni Ye Xiu ang mga keyboards at nakita niyang kasama pala sa gantimpala niya sa pagtratrabaho ang pagkain at lugar na matutulugan.
Dahil sa mga gantimpalang ito ay magkakaroon siya ng sapat na oras para mapagisip-isip kung ano ang susunod niyang hakbang sa kaniyang buhay. Tanging ito lang ang dahilan kung bakit dito siya nagpasiyang magtrabaho.
Lumakad si Ye Xiu at narating ang imbakan na sinasabi ni Chen Guo. Sa unang tingin ay paniguradong ang maliit na kwartong nasa tabi ng imbakan ang sinasabing matutulugan na nakita niya kanina.
Pero kahit na simple lang ang mga dekorasyon, ito ay malinis at walang kahit na anong gusot. Dahil dito ay lubos na nasiyahan si Ye Xiu sa kaniyang nakita at hindi siya nagsisi sa ginawa niyang desisyon.
"Pwede na iyan, at oo nga pala… Doon ka nga pala matutulog." Pagkatapos makita na natapos ng mabilis ni Ye Xiu ang kaniyang trabaho ay itinuro ni Chen Guo ang isang maliit na kama sa loob ng imbakan na pinaglagyan niya ng mga keyboard.
"Ano?" Napatunganga si Ye Xiu. Inisip niya kanina na doon siya matutulog sa maliwanag at malinis na kwarto. Kahit na sa sofa siya matulog ay pwede na. Pero dito…
Tumingala si Ye Xiu para makita na sa kaliwang pader ng bodega ay may isang maliit na bintanang nakaharap sa mga poste ng kalye. Kapag sinara ang mga ilaw sa bodega, agad pumapasok sa maliit na bintana ang mahinang ilaw na para bang minumulto ang kwarto.
"Eh, medyo kulang nga siya. Pero pagtiisan mo muna sa ngayon… Sa totoo lang ay hindi naman talaga nagkukulang ng empleado ang Internet Cafe. Matagal-tagal na ring nakapaskil ang nakita mo kanina…" Nahihiyang nagpaliwanag si Chen Guo.
"Ah, ganon pala! Walang problema, walang problema. Maayos na nga ito eh." Kaagad namang sumagot si Ye Xiu. Nakaramdam ng hiya si Chen Guo dahil sa ipinakitang ugali ni Ye Xiu. Tunay na hindi nga karapat-dapat na tulugan ang maliit na imbakang iyon.
"Kapag wala kang ginagawa, maari kang maglaro sa mga kompyuter. Hindi 'yon problema, hindi rin kailangang magbayad ng mga empleado." Dagdag na sabi ni Chen Guo.
"Napakabait mo rin pala, Boss!"
"Hmmph, para namang may pakialam ako tungkol sa isang kompyuter sa dami nilang lahat!" Sabi ni Chen Guo.
"Gaano karami ang kadalasang mga kustomer?" Tanong ni Ye Xiu.
"Hindi na masama, sapat na para makuntento ako." Sabi ni Chen Guo. "Pero syempre, hindi naman marami ang naglalaro sa gabi, pero tingnan mo nalang pag nagsimula ka na."
"Sige."
"Para maiakma mo ang sarili mo rito, kung magsimula ka kaya ngayong gabi? Gusto ko ring makita kung kaya mo ba talagang magtrabaho ng buong magdamag." Panukala ni Chen Guo.
"Walang problema. Buong-buo pa lakas ko." Nagpakita si Ye Xiu ng dalawang thumbs-up sa kaniya na ipinapakita na katangian niya ang pagtratrabaho sa gabi.
"Sige pala. Bumaba muna tayo. Ililibre kita ng midnight snack." Sabi ni Chen Guo.
"Oh? Anong kakainin natin?"
"Walang masyadong pagpipilian sa ganitong oras, pero mayroong malapit na bukas pang restaurant na maari nating kainan." Sumagot naman si Chen Guo habang kumuha ng dalawang-daang dolyar mula sa kaniyang bulsa at itinulak ang pera sa kaniya.
"Tandaan mo, hindi ako kumakain ng Celery…" Dagdag na sabi pa ni Chen Guo.
"Pero umuulan pa ng niyebe…" Marahang sabi ni Ye Xiu.
"Nasa tapat lang 'yon, tatawid ka lang! Parang mababalutan ka naman kaagad ng niyebe pag saglit kang naglakad sa labas." Tugon ni Chen Guo.
Walang ibang magagawa si Ye Xiu. Tumawid siya at bumili ng ilang mga pagkain, at kahit na kakatanggap palang sa kaniya ay ilang beses na siyang nautusan.
Pero nung magkausap sila ng saglit ay namalayan ni Ye Xiu na may palakaibigang katangian pala si Chen Guo. At nung matapos na sila sa pagkain at sa mga sandaling umalis na si Chen Guo ay biglang namalayan ni Ye Xiu na…
Na hindi niya pala natanong ang pangalan ng amo niya…