"Hindi rin namin alam? Anong ibig-sabihin nito?"
"Wala rin akong alam!"
"Sinasabi na ang mga kasagutan sa Wall of Dilemma ay sinusuri nang personal ng mga 4-star master teacher... para ang 'hindi rin namin alam' ang lumitaw, ibig-sabihin ba nito na... maging ang mga 4-star physician ay hindi matukoy kung ang sagot na ibinigay ni Liu laoshi ay tama?"
"Hindi... totoo yan diba? Kung ganon, ibig-sabihin ba nito na ang medikal na kasanayan ni Liu laoshi ay higit sa isang 4-satr physician?"
"Ito..."
…
Tumingin ang lahat sa pader nang nakatulala.
Ang apat na salitang 'hindi rin namin alam' ay halos nagpahimatay sa lahat.
Ang mga nasa kabila ng Wall of Dilemma ay mga 4-star physician. At maging sila ay hindi nagawang matukoy kung ang sagot niya ay tama o mali.
Ano to.
Liu laoshi, ano ba talagang sagot ang binigay mo? Na hindi ito basta itinanggi ng mga nasa kabila, ngunit inamin pa ang pagiging ignorante nito?