"Senior?"
Kumibot ang bibig nga tatlong mga master teacher at gumewang ang kanilang mga katawan.
Masyadong biglaan ang pangyayaring ito.
Binabalak nila na kunin si Zhang Xuan bilang apprentice nila nang biglang, naging senior nila siya.
Para tawagin nilang senior ang isang taong wala pang dalawampung taong gulang?
Nakaramdam ng pagkahilo ang tatlong mga master teacher. Naisip nila na kakaiba ang relasyon na ito.
Subalit, biglang nawala ang kakaibang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Pananabik at tuwa ang nangibabaw sa kanilang ekspresyon.
"Ibig sabihin ba ni Yang shi na… tinatanggap mo na kami?"
Biglang may napagtanto si Liu Ling. Nanginig siya sa sobrang pananabik, kumunot ng husto ang kanyang mukha na para bang mapipiga nito ang isang lamok.
Dahil sinabi ni Yang shi na tawagin nila si Zhang Xuan na senior nila, hindi ba't ibig sabihin lang nun ay handa siyang tanggapin sila bilang mga estudyante niya?