Sa ilalim ng gazebo, nakaupo sina Wang Chong at Ouyang Chong na magkatapat sa isa't-isa, habang umiinom.
"Sinasabi mong ang Apothecary Zhang na ito… ay nakapasa sa Pill Debate Examination?"
Hanggang ngayon, hirap pa rin si Wang Chong na paniwalaan ito.
Ang Pill Debate ay isang espesyal na pribilehiyo para sa mga master teachers, isang bagay na para lamang sa mga pinakamagaling. Subalit, ang isang binata na wala pang bente anyos ay nagawang pumasa sa pagsusulit na ito. Kahit na narinig niya ito mismo mula sa isang mapagkakatiwalaang sanggunian, hindi niya magawang paniwalaan na ito ay posible.
"Totoo nga, ang kaalaman ni Apothecary Zhang sa mga halamang gamot at mga pill ay nakahihigit kahit sa akin. Siya ay tiyak na mataas ang marrating!" hindi mapigilang humanga ni Ouyang Cheng tuwing naaalala niya ang mga ginawa ni Zhang Xuan.