"Nakiusap ako sayo na alamin ang mga pagkakamali sa paraan ko ng paggawa ng Meridian Expansion Pill, pero ininsulto mo ang concubine ko, at sinasabi mong hindi siya tao. Anong ibig mong sabihin dun?"
Kahit na mabait si Lin Mu, sumama pa rin ang loob niya sa mga sinabi ni Zhang Xuan.
Hindi lang nagdilim ang mukha niya, kakaiba din ang ekspresyon sa mga mukha ng ibang mga apothecary.
"Anong nangyayari?"
"Bakit bigla siyang nang-insulto ng ibang tao?"
"Apothecary Lin, pakiusap huminahon ka!"
Tila nahulaan na ni Zhang Xuan na ganito ang magiging reaksyon ni Lin Mu at tumingin siya sa kanya. "Araw-araw ka bang nagtatrabaho, at hindi man lang nagpapahinga tuwing umaga?"
"Er…"
Nang itanong sa kanya ang katanungang iyon, namula ang mukha ni Lin Mu at nahiya siya. "Kakakasal ko lang sa concubine ko, kaya medyo… medyo… napasobra ang pagtatrabaho ko!"