Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 55 - Napaliligiran (1)

Chapter 55 - Napaliligiran (1)

Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap, tinanong si Zhang Xuan kung saan niya nakuha ang Hongjin Pearl Fruit. Sinabi niya na nakuha niya ito sa market, kaya napasigaw sila Master Lu Chen dahil a kanyang swerte.

"Ikaw, Zhang Xuan, tiga-rito ka ba o..." ang tanong ni Lu Chen.

"Isa akong guro sa Hongtian Academy!" Sumagot si Zhang Xuan.

"Di nakapagtataka kung bakit taglay mo ang lakas at pag-unawa sa painting!" Nilingon niya sila Huang Yu at Bai Xun, na magkatabing nakaupo, at sinabing, "Ang painting ay may kakayahang humubog at sanayin ang pagkatao ng isang tao. Huwag mong hayaang pakikipaglaban at pagpatay ang manahan a isip mo nang matagal! Dahil si Zhng Xuan ay isang guro sa isang paaralan, pumunta kayo doon at bisitahin niyo siya upang matuto kayo sa kanya kapag may oras kayo. Ang taong matututo sa kanya ay bibigyan ko ng pahintulot at ibibigay ko sa kanya ang gusto niya!"

"Opo!"

Sumagot si Huang Yu na may mapait na mukha habang ang mga mata naman ni Bai Xun ay kumikislap sa galak.

Sa kanilang paglalaban, naunawaan niya na ang kasalukuyang kakayahan ni Zhang Xuan ay higit sa kanya. Ang pagkakataong matuto sa isang eksperto ay mas kawili-wili kaysa sa simpleng matuto ng nakakautang painting!

Mas naramdaman niyang mas nakakaaliw ang matuto mula sa kanya kaysa kay Master Lu Chen.

"Paumanhin sa biglang pagpunta ko ngayon. Maggagabi na, kaya master, aalis na ako. Bibisitahin kita sa ibang araw!"

Matapos makuha ang ipinunta niya dito, napag-isipan ni Zhang Xuan na umalis na at pinagsalikop niya ang kamay niya patungo kay Lu Chen.

"Sa pagkakataong ito, pumunta ka rito para maghanap ng mga Fighter 6-dan cultivation technique, pero nakalulungkot na kaunti lang ang meron ako dito. Kakausapin ko si Shen Zhui sa bagay na ito mga ilqng araw ang makalipas upang dalhin ka sa Book Collection Vault ng kaharian para makapagbasa ka doon! Nagkataon lang na siya ay nangangaso noong mga nakaraang araw, kaya wala siya a kapital ngayon!" Ang sabi ni Master Lu Chen.

"Malaki ang pasasalamat ko sa'yo, master!" Nqng marinig ang mga salitang iyon, kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.

Imposibleng makahanap ng maraming Fighter 6-dan cultivation technique sa mga pangkaraniwang lugar. Subalit, sa Book Collection Vault ng kaharian, ang lugar na kilala dahil sa kumpleto nitong koleksyon libro sa Tianxuan Kingdom, siguradong makakahanap siya ng marami!

Kung makakapasok siya sa vault at makakapagsaliksik ng mga Fighter 6-dan cultivation technique, maaari niyang mabuo ang Heaven's Path Divine Art at magagawa niyang tumaas ng lebel!

"Masyado kang magalang..."

Nakangiting niyuko ni Lu Chen ang kanyang ulo...

Nang makaalis sa lugar ng master, nagpatungo si Zhang Xuan sa paaralan.

Lumubog na ang araw nang siya ay naghahapunan kasama si Shen Bi Ru. Sa oras na ito, ang buwan ay nagpakita at naliliwanagan ang lapag ng malamig at kulay pilak na ilaw. Kung susundin niya ang orasan sa dati niyang buhay, mga alas dose na siguro!

Kahit sa ganong oras, hindi siya nakaramdam ng kahit anong pagod. Sa halip ay ang mga mata niya ay lumiliwanag sa tuwa.

Hindi sayang ang pagpunta niya sa lugar ng master!

Ang pagbuo ng Heaven's Path Golden Body ay nagpbilis ng paglakas ng kanyang pangangatawan, nagdulot ng pagtaas ng kanyang kakayahan. Sa kasalukuyan niyang cultivation, kahit na makakita pa siya ng isang Pixue realm pinnacle expert, madali lang niya itong mapapatumba!

Bukod pa rito, nakahanap din siya ng mga dosenang libro o higit pa na tungkol sa Fighter 6-dan cultivation technique. Kahit na hindi pa ito sapat para mabuo niya ang kumpletong bersyon ng Heaven's Path Divine Art, malaking tulong pa rin ito sa kanyang pagsasanay.

"Ang aming katawan ay umabot na sa 90 ding na lakas. Kung makakahanap ako ng mas mataas na antas ng pagpapalakas ng katawan, mas lalakas pa kaya ako?"

Maaaring maraming iba't-ibang mga secret manual sa pagsasanay ng katawan sa lugar ni Master Lu Chen, ngunit iyon ang mga pinakasimple at payak na mga cultivation method. Kung ang mga librong iyon ay nagtataglay ng ganoong epekto kapag nabuo ng Library of Heaven's Path, ibig-sabihin ba nito na kapag napagsama-sama niya ang mha mas magagandang cultivation manual ng katawan, mas maganda ang librong kalalabasan?

Kung totoo ito, malaki ang gampanin ng kanyang katawan sa kanyang galing sa pakikipaglaban sa hinaharap!

Nang siya ay dalang-dala sa tuwa, nanginig ang kanyang mga taenga.

Ang paglago ng lakas ng kanyang katawan ay nagdulot din ng pagtalas ng kanyang paningin at pandinig. Bigla niyang nalaman na may bumubuntot sa kanya!

Naglakad siya at siya ay huminto. "Ang mga taong bumubuntot sa likod ko, lumabas kayo dyan!"

"Hehe, hindi ko inasahang ganyan ka kaalerto!"

"Anong magagawa ng pagiging alerto mo! Bata, dahil sa'yo kaya nawalan kami ng pera, kaya 'wag kang umasang makakatakas ka pa sa amin ngayon..."

Hualala!

Nang malayo na ang kanyang boses, ilang mga anino ang lumabas mula sa dilim at pinaligiran siya. Lahat ay tumingin nang masama kay Zhang Xuan, tila nakatingin sa isang bangkay.

"Kayo?"

Nakilala sila ni Zhang Xuan.

Nmukhaan niya na ang dalawa sa grupong iyon ay si Master Mo Yang, na nabuking niya sa market kanina, at ang tindero ng artifact na kasama niya.

Ang natitirang iba siguro ang mga 'suportan' na nakatago doon sa madla.

Sa oras na ito, ang mukha ni Master Mo Yang ay namamaga at namumula at ang balat sa paligid ng kanyang mata ay nangingitim. Punit-punit na ang ibang bahagi ng kanyang damit at wala na ang maaliwalas niyang itsura noon. Sa totoo lang, kung sasabihin niya na siya ay isang pulubi, maniniwala sa kanya ang mga tao.

Mukhang matapos siyang mabuking, hindi siya basta lang pinalampas ng mga nabiktima niya.

Ngunit hindi na ito nakapagtataka. Kung sabagay, alin sa mga lumahok sa treasure specultion ang mga hindi nanggaling sa mayayamang pamilya?

Matapos malaman na niloko sila, masasabing ang bait nila na hindi nila siya pinatay.

Ang tindero ng artifact ay hindi din mabuti ang kalagayan katulad niya. Ang dalawang mata niya ay may pasa at dalawang bukol ang nakalawlaw sa kanyang bibig, kaya ang kanyang pagsasalita ay kakaiba.

Nakatitig sila nang masama kay Zhang Xuan, makikita sa kanilang mga titig ang galit at pagkamuhi.

Isa itong pakana na pinagkagastusan nila ng malaki para maisagawa, at para masira lang ito ng lalaking ito. Bukod pa sa kinailangan nilang isuka lahat ng kanilang kinain, muntik din silang mamatay sa bugbog. Kung kaya't maiintindihan kung makaramdam sila ng matinding poot sa kanya.

"Ikaw na gago ka, ang bilis mo talagang nakatakbo noon. Tingnan natin kung sqan ka makakatakbo ngayon!"

Kumislap ang mga mata ng tindero ng artifact na parang isang baliw.

"Balak niyo akong patayin lahat?"

Nang mapansin na lumalamig ang aura ng paligid, sumimangot si Zhang Xuan.

"Kung may sisisihin ka, sisihin mo ang malaki mong bunganga sa pagsabi ng mga bagay na 'di dapat sabihin. Sa susunod mong buhay, bantay-bantayan mo 'yang bibig mo!"

Galit na suminghal si Master Mo Yang nqng itikom niya ang kanyang mga kamao, lumagatok ang kanyang kamao at umalingawngaw ang tunog nito.

Ang dahilan kung bakit pumalpak ang kanilang kalokohan dahil sa taong ito. Medyo natagalan sila bago nila mahanap ang taong ito, kaya natural lang na hindi nila ito hahayaang makawala!

"Pasensya na, pero hindi ko gustong mamatay sa ngayon, at hindi ko din gustong itikom ang aking bibig!" Ang sabi ni Zhang Xuan.

"Ayaw mong mamatay?" Makikita sa kanyang mata na walang pakundangan si Master Mo Yang. "Wala sa'yo ang desisyon. Mga kapatid, patayin siya, pira-pirasuhin niyo siya at ipakain sa mga aso!"

"Masusunod!"

Nang may kasamang galit na pagsinghal, isa sa mga 'suporta' ay naglakad paharap, itinaas ang mga braso, at ginamit ang kanyqng palad papunta kay Zhang Xuan.

Sa oras na siya ay gumalaw, nakita ang kanyang cultivation realm. Isang Fighter 5-dan pinnacle!

Hindi nakapagtatakang nakatakas pa siya papuntang Kaharian ng Tianxuan upang manloko kahit na mapalayas sa Kaharian ng Liuzhu. Mayroon talaga siyang taglay na kakayahan.

Kung kagabi pa ito, kahit na kayang manalo ni Zhang Xuan a mga ito, kakailanganin pa rin niyang gamitin ang lakas ng Library of Heaven's Path para samantalahin ang kanyang kahinaan. Subalit, dahil sa malaking paglago ng kanyang katawan, pagtaglay ng halos isang daang ding, balewala na lamang ang Dingli pinnacle ngayon.

Tumawa nang bahagya, sinampal niya ang kalaban.

"Naghahabol ka lang ng kamatayan!"

"Ang palayaw ni Number Four ay Metal Palms. Ang kanyang mga kamay ay may kakayahang humiwa ng bato. Noon, sa Kaharian ng Liuzhu, isang Pixue realm primary stage ay namatay dahil sa isang palad niya lang. Ngunit, ang lalaking ito ay nangangahas na lumaban sa kanya nang walang paghahanda? Ang mga ignorante talaga ay walang takot!"

"Ang isipin na natalo tayo ng isang taong ganito, grabeng kamalasan!"

...

Nang makita ang lalaking ito na lumapit kay Number Four nang hindi man lang umiiwas, suminghal si Master Mo Yang at ang iba.

[Ang 'suporta' na ito ay hindi man mukhang kakaiba, pero hindi lang pasikat ang kanyang lakas. Ang kanyang palad ay may kakayahang manira ng bakal, ano namang laban ng isang binatang wala pa sa dalawampu sa ganyan? Ang harapin ito nang harap-harapan, ano oa ba ang kanyang ginagawa kundi maghabol ng kamatayan?]

Kung kailan na iniisip nila na malulumpo si Zhang Xuan sa atakeng iyon, nakita nila ang tinatawag nilang Number Four Metal Palms na kasing hina ng isang bloke ng tokwa. Hindi niya kinaya ang atake ni Zhang Xuan, nabasag ang kanyang mga buto at lumubog ang kanyang dibdib nqng siya ay tumalsik dahil sa lakas nito. Naunang tumama ang kanyang ulo sa lapag, kaya nagmukha siyang isang sibuyas.