Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 22 - Ang Dahilan sa Pagkakasakit ni Zhao Ya

Chapter 22 - Ang Dahilan sa Pagkakasakit ni Zhao Ya

Maari ngang minsan nang nagabayan ni Zhang Xuan si Liu Yang, ngunit hindi siya naniniwala sa kakayahan ni Zhang Xuan. Sa halip, inisip niyang swinerte lang si Zhang Xuan.

Kung sabagay, ang pagsasabi sa isang tao na gamitin niya ang kabilang kamay niya sa pagsasagawa ng isang punching routine ay hindi naman maituturing na isang skill.

Kaya naman, sa loob niya, mababa pa rin ang tingin niya sa guro na nasa harapan niya.

"Guro!"

Pagpasok niya sa kwarto, itinikom ang mga kamay niya at bahagyang yumuko kay Zhang Xuan, kahit na hindi magalang ang tono ng pananalita niya.

"Nakita ko na dati ang battle technique mo!"

Tila hindi niya napapansin ang kawalan ng respeto ni Liu Yang sa kanya, nagpatuloy si Zhang Xuan, "Para magawa mong sanayin ang Soaring Flower Fist sa rookie level at ang Dragon Inch Fist sa expert level, hindi na masama!"

"Ano? Ikaw… Paano mo nalaman na sinasanay ko ang… Dragon Inch Fist?"

Nang marinig niya ang mga salitang iyon, si Liu Yang na binabalewala lang si Zhang Xuan ay halos mahimatay sa sobrang pagka-gulat.

Kung iisiping mabuti, dahil mahina pa siya, mas makabubuti kung pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang cultivation technique. Kahit na kailangan niyang matuto ng isang battle technique, dapat isang normal na battle technique lang ang sanayin niya gaya ng Soaring Flower Fist sa halip na ang Dragon Inch Fist.

Ang Dragon Inch Fist, bilang isang mortal lower-tier battle technique, ay higit na malakas kaysa sa Soaring Flower Fist!

Para mas lumakas siya, itinago niya sa pamilya niya na sinasanay niya ang punching routine na ito!

Mula noong umabot sa rookie level ang Dragon Inch Fist niya, hindi pa niya ito ipinakita sa ibang tao. Noon, ang battle technique na ipinakita niya kay Zhang Xuan ay ang Soaring Flower Fist. Ngunit, nalaman agad ni Zhang Xuan na sinasanay niya ang Dragon Inch Fist at nasa expert level na ito…

Paano niya nalaman?

"Nakita ko ang Dragon Inch Fist sa Soaring Flower Fist mo!" Natural, hindi maaaring sabihin ni Zhang Xuan na nalaman niya ito dahil sa Library of Heaven's Path. Hindi man lang siya kumurap habang nagsisinungaling siya.

"Nalaman mo 'yon dahil lang doon…" Hindi makapaniwala si Liu Yang.

Halos wala namang pinagkapareho ang dalawang skill na iyon. Noong nakaraan, ipinakita din niya ang Soaring Flower Fist kay Cao Xiong laoshi, ngunit wala namang masyadong nabanggit si Cao Xiong tungkol dito. Ngunit, nakita agad ito ng pinaka walang-kwentang guro sa akademya sa isang tingin lang. Totoo ba 'to?

Habang hindi pa rin nawawala ang pagdududa sa puso niya, nagpatuloy naman sa pagsasalita ang guro na nakaupo sa harap niya.

"Dahil nasa lebel ka na ng isang expert, nagtataglay ng matinding lakas ang iyong Dragon Inch Fist. Pero, nakakaramdam ka ba ng pananakit sa may kilikili mo at ng pangangati sa iyong 'jianjin' [1] acupoint tuwing gagamitin mo 'to?"

"Paano, mong…"

Napaatras si Liu Yang, tila nakakita siya ng multo sa itsura niya, kitang kita ang takot sa mga mata niya.

Hindi lang basta tama ang mga sinabi ni Zhang Xuan, eksaktong-eksakto pa ito sa aktwal niyang nararamdaman!

Parang lumalabas na nakita na siya ni Zhang Xuan na nagsasanay.

"Ikaw… Paano mo nalaman yun? Hindi napigilan ni Liu Yang na magtanong.

"Simple lang, nagsasanay ka ng isang battle technique na hindi akma para sayo! Kung ipagpapatuloy mo 'to, sigurado akong masisira ang mga muscle sa braso mo sa loob lang ng tatlong taon. Kahit ang mga imortal ay mahihirapang iligtas ka! Sa katunayan, lumalabas na ang mga epekto nito sayo ngayon. Nakakaramdam ka ba ng pamamanhid ng iyong katawan tuwing natutulog ka sa gabi at kung minsan pa ay namumulikat ka din?"

Ang tanong ni Zhang Xuan

"Ah…"

Nanginig si Liu Yang.

Totoo, mayroon nga siyang ganoong kondisyon. Yun nga lang, inisip niyang dahil lang ito sa sobrang pagod niya sa kanyang puspusang pagsasanay, kaya hindi niya ito pinapansin. Kahit minsan ay hindi niya naisip na dahil ito sa pagsasanay niya ng Dragon Inch Fist!

"Ang Dragon Inch Fist, ito ay isang skill na itinuturing na parang isang dragon ang katawan ng isang tao at binibigyang diin ang konsepto ng lakas sa bawat parte ng iyong katawan. Kung nasa Fighter 4-dan Pigu realm ka na sana at pinalakas ng zhenqi ang iyong mga muscle, wala ka sanang mararanasang side effects sa pag-cultivate ng battle technique na ito. Subalit, nasa Juxi realm ka pa lang at napakahina pa ng katawan mo! Ang sapilitang pag-cultivate ng battle technique na ito ay magdudulot lamang ng pinsala sa katawan niya. Habang tumatagal, lalo lang lumalala ang pinsala sa katawan niya! Ito rin ang dahilan kung bakit kahit na hindi ka kaliwete, naging mas malakas ang kaliwang kamay mo kaysa sa kanan mo! Dahil sinasanay mo ang Dragom Inch Fist gamit ang kanang kamay mo, nagtatamo ito ng malaking pinsala. Kung hindi ka titigil, maaari kang maging baldado!"

Ang babala ni Zhang Xuan.

"Guro, iligtas mo 'ko…"

Sa mga oras na ito, nawala ang kayabangang taglay ni Liu Yang mula noong una siyang pumasok sa klase. Nanghina ang mga tuhod niya at napaluhod siya sa sahig.

Sa mga oras na ito, naintindihan niya na ang guro na kaharap niya ay isang tunay na eksperto, isang master sa hanay ng mga eksperto!

Ito ay dahil ang lahat ng mga sinabi ni Zhang Xuan ay tumutugma sa nangyayari sa kanya ngayon. Kung hindi ito sinabi ni Zhang Xuan, malamang ay hindi ito papansinin ni Liu Yang. Pero, ngayong ipinaliwanag itong mabuti ni Zhang Xuan, agad na naintindihan ni Liu Yang na totoo ang lahat ng sinabi niya.

Sa harap ng isang ekspertong gaya niya, anong karapatan niya para magmalaki pa siya?

Nakakatawa na inisip niyang nilapastangan siya nang tanggapin niya bilang guro si Zhang Xuan…

Ngayon lang niya napagtanto na napakaswerte niya!

Bago niya pinili si Cao Xiong, marami din siyang nakilala na iba pang magagaling na guro sa akademya at ipinakita niya ang battle technique niya sa kanila. Subalit, walang kahit sino sa kanila ang nakapag sabi na nagsasanay siya sa Dragon Inch Fist, bukod pa dito, hindi nila nahalata na may pinsala ang kanang braso niya!

"Unang-una, tumigil ka sa pagsasanay mo ng Dragon Inch Fist at magpursigi ka na mapataas ang cultivation mo. At para naman sa pinsalang natamo mo, mag-iisip ako ng paraan para ayusin yun!" Ang sabi ni Zhang Xuan. "Sige na, tawagin mo si Zhao Ya!"

"Opo!" nagmamadaling tumango si Liu Yang. Hindi na siya nagsalita pa, at agad na lumabas ng silid.

Sa oras na lumabas siya, nakita niyang nakatingin sa kanya sila Zheng Yang, Zhao Ya at Yuan Tao.

"Umalis ka na ba sa pagtuturo ni Zhang Xuan laoshi?" Nababahalang nagtanong si Yuan Tao.

"Umalis? Bakit naman ako aalis?" Ihinawi ni Liu Yang ang kamay niya at taas noong nagsalita, hindi man lang namula ang mukha niya kahit kaunti. "Kung sino ang nagtuturo sakin ay ituturing kong ama ko. Ako, si Liu Yang, ay hindi aalis sa klase ni Zhang Xuan laoshi. Anong klaseng tao ba ang tingin niyo sakin? Mukha ba akong iresponsable? Hindi ko alam kung anong iniisip niyo, para isipin niyong umalis buong araw. Hindi ba kayo nahihiya?"

"..." Si Zheng Yang, Zhao Ya at Yuan Tao.

[Walang-hiya. Wala talaga siyang hiya!

Kanina lang, daldal pa siya ng daldal tungkol sa kung gaano siya ka determinado na umalis sa klase ni Zhang Xuan. Pero, sa isang iglap lang, iba na ang sinasabi niya. Gaano ba talaga kakapal ang mukha niya?!]

"Mukhang tunay ngang… magaling ang guro na yun!" Nang makita niya ang pinagbago sa inaasal ng dalawa mula noong pumasok sila sa silid at paglabas nila, naisip niya ito habang binubuksan niya ang pinto papasok ng silid.

Yung totoo, pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Uncle Yao Han niya, hindi naman sa hindi siya nag-alinlangan sa desisyon niya. Yun nga lang, hindi na maiaalis ang katotohanang nalaman at naituro ni Zhang Xuan ng eksakto ang 'sakit' niya, dahilan para magkaroon siya ng pag-asa na gagaling pa siya.

Kung sabagay, masyado siyang nahihiya para ipagsabi sa iba ang tungkol sa sakit niya, kaya imposibleng ipaalam niya ito sa maraming tao.

"Umupo ka!"

Pagpasok niya sa silid, nakita niya si Zhang laoshi at umupo.

"Guro, sabi mo… kaya mong pagalingin ang sakit ko…" Namula si Zhao Ya.

"Un!" Tumango si Zhang Xuan. "Hindi malaking problema ang sakit mo…"

Yung totoo, hindi naman mahirap solusyunan ang problema ni Zhao Ya. Wala naman talaga siyang sakit at sa halip, nagtataglay siya ng Pure Yin Body, ito ay ang pangangatawan na ninanais ng mga kababaihan. Ang yin energy sa katawan ay umaapaw at kapag nagamit ito ng tama, mabilis na tataas ang kanyang cultivation!

Subalit, nakapanghihinayang na walang sino man sa Baiyu City ang nakapansin nito at bukod pa dito, pinili nila ang isang yin-nature cultivation technique para sa kanya!

Para sa ibang kababaihan, ito ay isang magandang manual para i-cultivate. Ngunit, para kay Zhao Ya, na nagtataglay ng isang Pure Yin Body, para i-cultivate niya ang ganitong klaseng cultivation technique, pinapalala lang nito ang sitwasyon para sa kanya.

Ang yin energy sa kanyang katawan ay unti-unting naipon sa paglipas ng panahon. Noong bata pa siya, hindi pa ito kapansin-pansin. Subalit, habang lumalaki siya, ang mga katangian ng isang babae ay lumilitaw na at naging mahirap para sa kanya ang pigilan ang mga nararamdaman niya. Kapag hindi siya nagamot agad at nagpatuloy ito, maaari siyang makontrol ng kanyang pagnanasa at kahit anong gawin niya ay hindi siya makokontento.

Ito ang tunay na dahilan kung bakit niya nararanasan ang kakaibang kondisyon na 'yon.

"Totoo ba 'to…" Nabigla si Zhao Ya sa kanyang narinig.

Hindi niya alam na mayroon siyang Pure Yin Body. Sa katunayan, kahit ang tatay niya ay walang alam tungkol dito.

Ngunit, ang tungkol sa pagku-cultivate niya ng pure yin cultivation technique ay totoo!

Ito ba talaga ang dahilan?

"Ang White Jade Pure Maiden Skill, ay isang nakakamanghang skill, pero hindi 'to nababagay sayo. Kung gusto mong masolusyonan ang puno't dulo ng problemang 'to, kailangan mo ng panibagong cultivation technique!" Ang sabi ni Zhang Xuan, pagkatapos niyang ipaliwanag ang sitwasyon.

"Paano mo… Paano mo nalaman na ang White Jade Pure Maiden Skill ang gamit kong cultivation technique?" Nagulat si Zhao Ya.

Ang cultivation technique na ito ay pinagpasapasahan na sa Baiyu City. Maliban sa Bai family, kaunti lamang ang nakakaalam nito. Kahit ang butler na si Yao Han, na nasa tapat ng silid aralan ngayon, ay wala ring masyadong alam tungkol dito. Ngunit, ang guro sa harapan niya ay agad itong nalaman, kaya hindi makapaniwala si Zhao Ya sa mga narinig niya.

"Kung kaya kong makita agad ang sakit mo, natural, kaya ko ring makita kung ano ang cultivation technique mo!" Bahagyang tinagilid ni Zhang Xuan ang kanyang ulo at tila isa siyang misteryosong eksperto.

"Ang pag-cultivate ng bagong cultivation technique ang solusyon sa problema ko? Kung ganun… Anong klaseng cultivation technique naman ang iku-cultivate ko?" Pinilit niyang pigilan ang pagkagulat niya, at nagtanong si Zhao Ya.

"Kailangan mo ng isang cultivation technique na kayang palabasin ang potensyal ng katawan mo, at hindi yung nag-iipon ng yin energy! Ganito na lang, pupunta ako sa Compendium Pavilion ng akademya at titignan ko kung may makita akong nababagay sayo!"

Ang sabi ni Zhang Xuan.

"Salamat, guro!" Nagmamadaling tumango si Zhao Ya.

Hindi pa naayos ang problema niya, pero kahit paano, alam niya kung ano ba talaga ang dahilan ng kondisyon niya. Nakaramdam ng matinding tuwa si Zhao Ya.

"Un!" Ihinawi ni Zhang Xuan ang kamay niya para ipakitang maliit na bagay lang ang ginawa niya. "Papasukin mo na si Zheng Yang!"

Habang nagbibigay ng payo si Zhang Xuan sa mga estudyante niya sa loob ng kanyang silid, sa labas ng silid aralan, isang matangkad na lalaki ang naglakad papalapit dito.

"Elder Liu, totoo ba ang sinabi mo?"

Habang naglalakad ang lalaki, tinanong niya ang matandang nakasunod sa kanya.

"Young master, yun po ang totoo. Pinili po ng young mistress na maging teacher si Zhang Xuan!"

Agad na tumango si Tatang Liu.

Kung nakikita lang sana ito ni Zhang Xuan, siguradong makikilala niya na ang Tatang Liu na kausap ng lalaki ay ang taong sinubukang ialis sa klase niya si Wang Ying kahapon.

Ang taong tinawag niyang young master ay ang kuya ni Wang Ying, ang henyo ng Hongtian Academy, ang disipulo ng isang elder, si Wang Tao!

"Si Zhang Xuan? Yung guro na nakakuha ng Teacher Qualification Examination? Anong karapatan niya para turuan ang kapatid ko? Bwisit! Kung hindi ko siya tuturuan ng leksyon ngayon para malaman niya ang kabayaran sa panloloko niya sa kapatid ko, hindi ko matatawag ang sarili ko na Wang Tao!"

Galit na galit si Wang Tao habang papalapit siya sa silid aralan.

[1] Jianjin -> Ang acupoint sa balikat, makikita ito malapit sa leeg sa may bandang balikat.