Ang Tianxuan City ay ang capital ng Tianxuan Kingdom. Para mapabilang sa apat na makapangyarihang pamilya sa syudad, ang kapangyarihan ng pamilyang Wang ang isa sa pinaka malakas.
Kahit ang principal ng Hongtian Academy ay mahihiya kapag kaharap ang pamilyang ito. Sa dami ng mga guro, yung guro pa talaga na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination ang pinili ni Wang Ying na maging guro niya. Isa 'yong kalapastanganan!
Isang malaking kalapastanganan!
Kahit na hindi alam ng lahat ng tao ang mga kagimbal-gimbal na pangyayaring bumabalot sa pagkatao ni Zhang Xuan, bilang estudyante ng akademya, maraming narinig si Wang Tao tungkol sa kanya. Minsan na siyang nagkamali sa paggabay sa isang estudyante, dahilan para magwala ito, dahil dito nadungisan ang reputasyon ng mga guro!
Ang taong ito ay usap-usapan at tampulan ng tukso ng mga kasamahan niya tuwing kumakain sila o tuwing umiinom sila ng tsaa. Ngunit, kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan niya pipiliin ng kapatid niya si Zhang Xuan bilang guro nito!
Kapag nalaman ito ng ibang mga estudyante, hindi ba't magmumukha siyang katatawanan?
Lalo siyang nanggagalaiti sa tuwing maiisip ni Wang Tao ang tungkol dito. Naglakad siya palapit sa pintuan ng silid aralan at nakita niya si Yao Han, na nakabalot na parang isang mummy.
"Ikaw pala, young master Wang Tao!"
Bilang butler ng tahanan ng Baiyu City Lord, marami nang nakasalamuhang makapangyarihang tao si Yao Han. Dahil isang talentadong henyo si Wang Tao at siya ang anak ng pinuno ng pamilyang Wang, natural lang na makilala siya ni Yao Han.
"Ikaw si…" Tumaas ang mga kilay ni Wang Tao nang makita niya si Yao Han.
Pagkatapos siyang walang-awang mabugbog, halos hindi na makilala si Yao Han. Kahit si Zhao Ya ay hindi siya nakilala agad sa itsura niya ngayon, at syempre, ganun din si Wang Tao.
"Ako si Yao Han na mula sa Baiyu City!" Ang sabi ni Yao Han.
"Oh, ikaw pala si butler Yao. Bakit ka…" Bahagyang nagulat si Wang Tao.
"Aksidente kong natamaan ang sarili ko habang nagsasanay ako…" Nagpaliwanag si Yao Han bago niya iniba ang usapan, "Pwede ko bang malaman kung bakit ka nandito young master Wang Tao?"
"Pinili ng kapatid ko si Zhang Xuan bilang guro niya. Nandito ako para sunduin siya, at para na rin turuan ng leksyon ang mayabang na guro na yun!" Hindi itinago ni Wang Tao ang galit na nararamdaman niya.
"Ah? Ang kapatid mo? Si Wang Ying xiaojie [1] ba ang tinutukoy mo?"
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Yao Han sa silid aralan ay agad siyang pinalayas ni Zhang Xuan dito. Higit pa dito, nakatuon ang atensyon niya kay Zhang Xuan, kaya naman, hindi niya napansin na nandoon pala din si Wang Ying.
Tumango si Wang Tao.
"Ang alam ko ay halos magkasing galing daw kayo ni Wang Ying xiaojie. Bakit naman niya pipiliin si Zhang Xuan?" Naguluhan si Yao Han sa kanyang narinig.
"Bihirang lumabas ang kapatid ko at napaka inosente niya pa. Magaling magsalita ang taong yun at hindi ako sigurado kung anong sinabi niya, pero napaniwala niya ang kapatid ko sa mga pinagsasabi niya!" Nang maalala niya ang sinabi sa kanya ni Tatang Liu, nag-apoy sa galit si Wang Tao.
"Ang sama niya! Isa siyang salot, siya ang sumisira sa imahe ng mga guro sa akademya!" Nang maalala kung paanong naloko ni Zhang Xuan ang young mistress ng kanilang pamilya, nagngitngit sa galit si Yao Han, "Young master Wang Tao, kailangan mo siyang turuan ng leksyon!"
"Un!" Ang tugon ni Wang Tao. Kasabay nito, tumingin siya kay Yao Han, "Oo nga pala, butler Yao, bakit ka nga pala nandito?"
"Huwag na natin yan pag-usapan. Sa tuwing napag-uusapan ang bagay yun, lalo lang ako nagagalit. Napaniwala din ni Zhang Xuan sa mga salita niya ang aming young mistress at pinili siya ng young mistress na maging guro niya!" Ang sabi ni Yao Han.
"Si Zhao Ya xiaojie?" Nabigla si Wang Tao sa kanyang narinig.
"Oo!" Tumango si Yao Han.
"Kung ganun… bakit di ka pumasok dun at ilantad mo ang mga panloloko ng ipokrito na yun? Bakit ka naghihintay sa labas?" Naguluhan si Wang Tao sa nangyayari.
"Gusto kong ilantad ang mga kalokohan ng taong yun, kaya lang naguluhan ang aming young mistress. Wala akong magagawa kundi maghintay na lang dito sa labas. Young master Wang Tao, tama lang ang dating mo. Kapag pumasok ka ngayon, turuan mo ng leksyon ang walang hiyang guro na yun at ilantad mo ang masasamang hangarin niya, siguradong makikita ng young mistress ang tunay na kulay niya!"
Ang sabi ni Yao Han.
"Huwag kang mag-alala, ilalantad ko ang mga panloloko niya. Sisiguraduhin kong ipapakita ng walang hiyang yun ang tunay niyang pagkatao!"
Nagngitngit ang mga ngipin ni Wang Tao at tumango siya. Pagkatapos ay, sinipa niya ang pinto at naglakad siya papasok ng silid aralan.
........
Sa kabilang banda, tapos na si Zhang Xuan na bigyan ng payo at gabay ang kanyang limang estudyante tungkol sa mga kanya kanya nilang sitwasyon.
Kakaunti lamang ang naging problema sa sibat ni Zheng Yang. Bahagyang ipinaliwanag ni Zhang Xuan ang mga ito, dahil dito muling tumaas ang lakas ni Zheng Yang at nagsaya siya sa kanyang pagsulong.
Sa kabilang banda naman, kahit minsan ay hindi pa nasubukan ni Yuan Tao na mag-cultivate ng isang cultivation technique o kaya ng isang battle technique. Inilabas ni Zhang Xuan ang basic na Hongtian Nine Dan Formula 1-dan formula ng akademya at bahagya itong inayos bago niya ito ibinigay kay Yuan Tao.
Hindi niya ito masyadong binago, kaya malaki pa rin ang pagkakaiba nito sa Heaven's Path Divine Art na kasalukuyan niyang kinu-cultivate. Ganun pa man, higit na mas epektibo pa rin ito kaysa sa orihinal na Hongtian Nine Dan Formula. Sa isang tingin lang, halos tumalon si Yuan Tao sa kasiyahang naramdaman niya, masayang masaya siya dahil isang mahusay na guro ang napili niya.
"Ngayon, tapos na nating pag-usapan yung mga problema niyo. Kailangan ninyong lahat na magpursigi sa inyong pagsasanay…"
Pagbalik niya sa silid aralan, tinipon ni Zhang Xuan ang lima niyang estudyante at ipinaliwanag ang sitwasyon sa kanila nang biglang, bumukas ang pinto. Kasunod nito, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa silid, "Zhang Xuan, tanggalin mo sa klase mo ang kapatid ko at si Zhao Ya xiaojie ngayon din. Kung hindi, parurusahan kita!"
Kasunod nito, biglang pumasok si Wang Tao at galit na galit na tumayo sa harap ni Zhang Xuan. Nagkulay pula ang mga mata, na parang papatay siya ng tao.
"Kuya…"
Nang makita niya ang itsura ng kuya niya, nagulat si Wang Ying at nagmadaling lumapit sa kuya niya.
"Huwag kang mangialam dito!" Itinulak niya ang kapatid niya papunta sa likuran niya at tumingin ng masama kay Zhang Xuan. Payabang na nagsalita si Wang Tao, "Zhang Xuan, malaking bagay na yung nanloloko ka ng ibang tao, pero para subukan mong lokohin ang kapatid ko gamit ng mga kasinungalingan mo. Hinahanap mo ata ang kamatayan mo! Bibigyan kita ng sampung segundo. Kung tatanggalin mo ang kapatid ko at si Zhao Ya xiaojie sa pagtuturo mo, palalampasin ko 'to. Kung hindi, kahit na guro ka pa, huwag mo kong sisisihin sa kung anu mang magagawa ko sayo!"
Boom!
Ginamit ni Wang Tao ang buong lakas niya, at lumabas ang isang napalakas na aura.
Naabot na niya ang lebel ng Fighter 4-dan Pigu realm!
Hindi nakapagtatakang naging disipulo siya ng isang elder. Siya ay higit na mas malakas kaysa sa isang karaniwang guro sa akademya.
"May klase pa kami, umalis ka na!" Kalmadong nakatingin sa kanya si Zhang Xuan.
"May klase pa kayo? Sa lebel ng kakayahan mo, ano naman ang maituturo mo sa kanila!" Inalipusta siya ni Wang Tao. "Umalis? Gusto mo 'kong umalis? Sino ka ba sa tingin mo? Kaya lang naman kita tinatawag na guro ay dahil sa paggalang ko sayo bilang isang guro. Tingnan mo nga sarili mo, hindi mo ba napapansin? Isa ka lang mababang guro na nasa zhenqi realm pa lang, huwag kang umasta na parang ang galing galing mo sa harapan ko. Kahit na bugbugin pa kita ngayon, malamang pagsasabihan lang ako ng mga elder. Ano namang kaya mong gawin sakin?"
Hindi siya nagkakamali. Mayroong mga disipulo ng mga elder na higit na mas malakas kaysa sa mga guro at may mataas na katungkulan sa akademya. Kahit na may mangyaring gulo sa pagitan nila at ng mga guro, ang tanging magagawa nila ay pagsabihan lamang sila, hindi sila mabibigyan ng kahit anong mabigat na parusa.
"Kuya…" Namutla ang mukha ni Wang Ying.
Alam ni Wang Ying ang katotohanan tungkol sa kakayahan ni Zhang Xuan. Wala man lang nagawa ang mga eksperto sa buong Tianxuan Kingdom sa kondisyon niya, ngunit madali itong ginamot ng kanyang guro. Paano naman masasabing wala talaga siyang kakayahan?
Bago pa man mapigilan ni Wang Ying ang kuya niya, biglang nagbago ang itsura ng kanyang guro at tumingin ng matalim kay Wang Tao.
"Alis na!"
"Para palayasin mo 'ko ng ganyan…" Hindi niya inasahan na palalayasin siya ng naturingang basurang guro sa akademya. Bago pa man niya matapos ang mga sasabihin niya, napansin niya ang masamang tingin sa kanya ni Zhang Xuan.
Nang tumingin siya sa kanyang mga mata, hindi makontrol ni Wang Tao ang panginginig niya, para siyang isang kuneho na takot na takot sa isang tigre. Dahil sa tindi ng aura ni Zhang Xuan, napaatras si Wang Tao at nanginig ang kanyang mga tuhod.
Sa master lang niya siya nakaramdam ng ganitong katinding aura. Paano nagkaroon ng ganitong klaseng aura ang pinaka walang kwentang guro sa akademya, isang tao na nasa Fighter 3-dan Zhenqi realm pa lamang?
Hindi nagtagal at nahimasmasan si Wang Tao. Sa isang iglap lang, nagdilim ang mukha ni Wang Tao at naging pula ang kanyang mga mata.
Sa paningin niya, kahit na guro pa si Zhang Xuan, isa lamang siyang basura. Pero, sinigawan siya ng basurang ito at dahil dito ay napaatras siya sa takot. Kapag kumalat ang tungkol dito… Paano pa siya haharap sa ibang tao? Paano niya mapapanatili ang magandang reputasyon niya?
"Mamatay ka na!"
Dahil napahiya siya, sumigaw si Wang Tao at sa pagkumpas ng kamay niya, mabilis niyang binunot ang espada sa kanyang baywang.
Hu!
Mabilis niyang itinarak ang kanyang espada.
Pah pah pah!
Sa Fighter 4-dan Pigu realm, magkakaroon ng lakas na hihigit sa 500kg ang isang tao. Bago pa man umabot sa kanya ang espada, nagdulot ng mabigat na pakiramdam ang matinding tunog na nagmula sa pagkaskas ng espada niya sa hangin, tila imposibleng makontra ang pag-atake niya.
"Zhang laoshi…"
Nang makita niyang mabilis na sumugod ang kuya niya, biglang namutla ang pagmumukha ni Wang Ying.
Kahit na namangha siya sa kakayahan ni Zhang laoshi, alam niya pa rin ang katotohanan na ang guro sa harap niya ay nasa Fighter 3-dan pa lamang. Wala siyang laban sa kanyang kuya!
Imposibleng maiwasan niya ang pag-atakeng iyon, siguradong tatamaan siya nito!
Dahil sa sobrang takot, napasigaw si Wang Ying at napapikit.
"Paanong… Paano nangyari 'to?"
Nang maisip niyang masasaktan ang Zhang laoshi na nakapagpagaling sa kondisyon niya, narinig niya ang mga sinabi nila Zhao Ya at ng iba pa. Agad niyang minulat ang mga mata niya para tingnan ang nangyari at halos lumuwa ang mga mata niya sa kanyang nakita. Napako siya sa kanyang kinatatayuan.
.
Nakita niyang napigilan ni Zhang Xuan laoshi ang pag-atake ng kuya niya gamit lang ang dalawang daliri niya.
Para mapigilan niya ang ganoong kalakas na pag-atake gamit lang ang… dalawang daliri niya!
[1] Xiaojie -> Binibini