Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 321 - Ang Inaakalang Maamong Tupa (5)

Chapter 321 - Ang Inaakalang Maamong Tupa (5)

Hindi lang ang Cloud Treading Peak disciples, maging ang Qing Yun Clan's Outer House disciples ay maliligtas. Ang mga disipulong iyon ay hindi talaga kabilang sa Qing Yun Clan at hindi niya ito kailangang idamay.

"Magpanggap?" Naguguluhang tanong ni Mu Chen.

Ipinaliwanag naman ni Jun Wu Xie: "Sa mga oras na ito dala-dala ni Ke Cang Ju ang awtoridad na siya ay pinahihintulutan ni Qin Yue. Isang sampal yon sa iba mga Elder ng bawat pangkat. Kung aalma ang anak ng dating Sovereign dahil dito, naniniwala akong magkakaroon ng lakas ng loob ang mga Elder para lumaban at pagsisimulan iyon ng gulo sa Qing Yun Clan. Kapag nangyari iyon, tapos na ang maliligayang araw ni Qin Yue sa Qing Yun Clan."

"Paano mo naman gagawin iyon?" Mas lalong nagugulat si Mu Chen sa kaniyang mga naririnig. Ngayon niya napagtanto na ang nagsisimulang gulo sa Qing Yun Clan ay inumpisahan ng tatlo sa kaniyang harapan. At kung hindi man siya nagkakamali, ang nagdedesisyon sa kanila ay si Jun Xie, ang pinakabata sa kanilang lahat!

Ngayon ay iniisip niya gaano kalakas ang Jun Family para mangahas ang mga itong patumbahin ang Qing Yun Clan!

"Hindi mo maiintindihan kahit sabihin ko pa sa'yo." Tamad na iwinagayway ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay. Hindi siya magaling magdetalye ng mga bagay-bagay.

Nang mapansin ni Mu Chen na tumatanggi na si Jun Wu Xie na magsalita pa, tumigil na si Mu Chen na magtanong pa.

"Pagkatapos nating matalo ang Qing Yun Clan, ay tuluyan na itong mabubura. Kung wala kang mapupuntahan, maaari kang magpunta sa Lin Palace ng Kingdom of Qi." Saad ni Jun Wu Xie. Binibigyan niya ito ng pwede nitong ikonsidera pagkatapos ng mga mangyayari. Naniniwala siyang walang balak na manatili si Mu Chen sa Qing Yun Clan na nabulok sa kamay ni Qin Yue.

Bata pa si Mu Chen ngunit mayroon siyang kakayahan at talento sa paggamot ng mga ugat at arteries. At kahit na gaano pa kagaling si Jun Wu Xie sa Medisina, hindi niya kayang hatiin ang kaniyang sarili. Para matugunan niya ang medical na pangangailangan ng libo-libong sundalo ng Rui Lin Army, kailangan niya ng makakatulong.

Kung makakakuha siya ng tulong kay Mu Chen at ng mga disipulo nito, madaling makakabangon ang Rui Lin Army!

Hindi lang plano ni Jun Wu Xie na lumakas ang kaniyang sarili kundi pati na rin ang Rui Lin Army. Kapag sigurado siyang may malakas na makakapagprotekta sa Jun Family, doon pa lang mapapanatag ang kaniyang loob.

Ilang segundong tumitig si Mu Chen kay Jun Wu Xie. "Kung tutulungan mo akong patayin si Qin Yue, dadalhin ko ang aking mga tao sa Lin Palace at maninirahan doon ng tatlong taon. Sa loob ng tatlong taon na iyon, gagawin ko ang lahat para mabayaran ko ang aking magiging utang sa iyo."

Pinatay ni Jun Xie si Ke Cang Ju, kapag pinatay din nito si Qin Yue nagawa nito ang lahat ng kaniyang ninanais. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob kay Jun Xie kaya naman babayaran niya ito sa pamamagitan ng kaniyang talento sa medisina.

"Sige. Iyan ay ating ganap na kasunduan." Tumango si Jun Xie na nasisiyahan.

Talagang marunong kumilos ang mga matatalinong tao.

Natapos na ang kanilang diskusyon, ngunit nag-alangan pang umalis si Mu Chen ng ganon na lang. Lumingon ito kay Jun Xie at nagsabing: "Malamang ay kumalat na sa iba pang mga Elder ang balitang sumugod ako sa Hidden Cloud Peak. Hindi ako makakaalis dito ng ganon na lang."

May inilabas si Jun Wu Xie na elixir at ibinato iyon kay Mu Chen.

"Lunukin mo iyan."

Nilunok naman ni Mu Chen ang elixir ng walang pagdadalawang-isip at lumabas kasama ang disipulo nito.

"Ano ang binigay mo sa kaniya?" Tanong ni Qiao Chu nang makaalis si Mu Chen.

"Si Mu Chen at Ke Cang Ju ay matagal nang magkaaway. Hindi papayag si Ke Cang Ju na walang hirap nitong makukuha ang kaniyang disipulo. Kaya naman...dapat siyang magbayad." Bumaba ang tingin ni Jun Wu Xie. Kailangan nilang gumawa ng arte na makatotohanan. Magandang kakampi si Mu Chen at mas matalino ito kaysa kay Mo Qian Yuan.

Related Books

Popular novel hashtag