Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 322 - Paghila sa Lambat (1)

Chapter 322 - Paghila sa Lambat (1)

Hindi nga nagtagal ay kumalat ang balita sa Qing Yun Clan. Nagtungo si Ke Cang Ju sa loud Treading Peak at sapilitang kumuha ng disipulo.. Ang Elder ng Cloud Treading Peak na si Mu Chen ay agad sumugod sa Hidden Cloud Peak para iligtas ang disipulo nito. Ito ay nagkasakit pagkatapos manggaling doon..hindi pa gumagaling ang mataas nitong lagnat. Kahit na si Qin Yue ay nagbigay ng gamot ngunit si Mu Chen ay nakaratay lang tatlong araw na ang lumilipas.

Hinihila na ng ibang Elder na ang dahilan ng pagkakasakit nito ay dahil sa magaling na lason ni Ke Cang Ju. Si Mu Chen at Ke Cang Ju ay mortal na magkaaway at para hayaan ni Ke Cang Ju na maliligtas nito ang kaniyang disipulo, kailangang magsakripisyo ni Mu Chen. Nilason ito ni Ke Cang Ju kaya ito agad na nagkasakit!

Iniisip pa rin ng ibang Elder kung paanong nagawa ni Mu Chen na mabawi ang kaniyang disipulo. Wala silang ideya kung paano nangyari iyon!

Dahil sa balitang iyon, mas lalong nabuhay ang takot at galit nila kay Ke Cang Ju!

Kahit ano pa ang galit ni Ke Cang Ju kay Mu Chen, hindi niya iyon dapat gawin sapagkat si Mu Chen ay isa pa ring Elder ng Qing Yun Clan isang karespe-respetong posisyon na pareho nilang hawak. Ngunit hindi nagpapigil si Ke Cang Ju at walang pag-aalinlangang nilason si Mu Chen. Nagpapakita itong wala itong pakialam sa posisyon nito bilang Elder ng Qing Yun Clan!

Kahit na ang mga Elder na walang galit kay Ke Cang Ju ay nagsisimula nang magkaroon ng poot dahil sa kaniyang pagmamalupit.

Si Mu Chen ay lantarang nilason ni Ke Cang Ju at nagsimulang matakot ang iba pang mga Elder para sa kanilang kaligtasan. Nangahas na si Ke Cang Ju na kumuha ng mga disipulo sa bawat pangkat ano pa ang susunod?

Inalala ng mga Elder ang nagsisimulang gulo, ang mga takot at bigong tingin sa mga mata ng kanilang mga disipulo at ang pagkasuklam ng mga ito kay Ke Cang Ju.

Isang Elder ang nagtungo sa Cloud Treading Peak at may dala itong gamot na pampalakas nilang regalo. Ang mukha nito ay nagpapakita ng lungkot at pag-aalala pero sa katunayan, naroon lang siya para alamin kung anong klaseng pagpapahirap ang ginawa dito ni Ke Cang Ju.

Nagpakita si Mu Chen ng kaawa-awang itsura at matamlay na sinabing: "Hawak ni Ke Cang Ju ang tiwala ng Sovereign, habang ako ay isang hamak na Elder lang sa pangalan at walang awtoridad. Nang maisipan niyang gusto niyang kumuha sa aking mga disipulo, o kahit anumang gustuhin niya, wala akong magagawa kundi sundin iyon. May kapit sa Sovereign ni Ke Cang Ju, anong magagawa ko? Siguro ay ang hintayin na lang ang kamatayan ko."

Napangiwi ang Elder sa mga salitang iyon ni Mu Chen na parang tumatanggap na ng pagkatalo.

Kasabay noon ay may na buong tanong sa isipan nito. Ang Elder na naghihirap ngayon ay si Mu Chen. Ngunit kapag sila naman ang nakita ni Ke Cang Ju, maaaring madanas din niya ang parehong kapalaran.

Pag dumating ang oras na iyon, tatangapin na lang ba nila ang pagkatalo at mahulog sa kalupitan ni Ke Cang Ju na walang ginagawa?

HINDI!

Hindi maaari!

Nagsimulang maalarma ang ibang mga Elder. Ang mga Elder na kinalma ang kanilang mga disipulo dahil sa nangyari ay nagsimulang makaramdam ng panganib.

Ang nakakawalang sinapit ni Mu Chen ay nagbaga at nagsimulang gumawa ulit ng gulo. Ang sitwasyon ngayon ay mas malala kesa at nagdulot iyon ng matinding takot sa mga tao.

Naramdaman naman iyon ni Qin Yue. Nagpadala siya ng mga tao sa Hidden Cloud Peak para magpadala ng mensahe kay "Ke Cang Ju"' na nagsasabing tumigil na ito at 'wag magsimula ng gulo.

Ang taong nagpapanggap na si Ke Cang Ju ay Binalewala ang mensaheng iyon.

Pagkalipas ng dalawang araw, sa mga gate ng ibang pangkat, isang pares ng patay na katawan ang nakabitin doon. Ang mga katawang iyon ay ay ang mismong katawan ng mga disipulo na kaniyang kinuha ni "Ke Cang Ju" at dinala sa Hidden Cloud Peak.

Ilang oraas ang lumipas matapos niyon ay mas lalong nagkagulo sa Qing Yun Clan!

Nang makita ng mga Elder ang katakot-takot na itsura ng mga patay, ang mga mukha nila ay tinakasan ng kulay!

"Ke Cang Ju, walang hiya ka! Hindi...ko na papalagpasin ito!" Halos sabay sabay na maririnig ang mga sumpa sa bawat pangkat!

Related Books

Popular novel hashtag