Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 23 - Lason (Unang Bahagi)

Chapter 23 - Lason (Unang Bahagi)

Sa isang munting lawa na puno lotus ng Palasyo, hinatid ng isang tagapag-lingkod si Jun Qing upang masilayan ang pamumulaklak ng mga lotus. Gayunpaman, wala sa kalooban ni Jun Qing ang mga ito.

Nang makarinig ng mga munting yapak mula sa kaniyang gilid, itinuon ni Jun Qing ang kaniyang upuan sa direksyong iyon at ngumiti nang makita bahagyang namumulang mukha ni Jun Wu Xie.

"Sa wakas ay handa ka na ring lumabas?" Tanong ni Jun Qing na kunwaring naiinis.

Mula pa nang pinahintulutan ni Jun Xian si Jun Wu Xie na mag-aral ng medisina ay halos hindi na ito lumalabas sa kaniyang silid, liban na nga lang kung ito'y pupunta sa parmasya at wala nang iba pa. Ang ganitong pagkakataon ay sadyang napakadalang.

Tumingin si Jun Wu Xie sa kaniyang tiyuhin na nakangiti sa kaniya ng may buong pagmamahal. Dahil sa maigting na pagkondisyon ng katawan na kaniyang pinagdaanan gamit ang pambihirang binhi ng lotus at mga luha nito, maging si Jun Wu Xie ay bahagyang nagitla sa naging kinalabasan. Bagaman at hindi pa niya nalilinang ang kaniyang kapangyarihang ispiritwal, ngunit sa kaniyang kasalukuyang kalagayan, sinuman ang may layong higit sa limang hakbang mula sa kaniya ay hindi dapat matutuklasan ang kaniyang presensya.

Subalit sa pagkakataong ito ay naramdaman agad ng kaniyang tiyuhin ang kaniyang presensya kahit malayo pa siya habang ang pansin nito ay nakatuon pa sa kabilang direksyon. Tunay na kahanga-hanga ang kaniyang pandinig!

"Ang iyong mga binti ay nasugatan habang nakikipagdigma, tama ba?" Pilit hinanhanap ng dalaga mula sa kaniyang mga alaala ang mga bagay na may kinalaman kay Jun Qing, ngunit wala itong nakuhang sapat na impormasyon. Ang kaniyang tanging alaala ay mula pa noong una ay nakaupo na ito sa kaniyng silya at bihira itong mapag-usapan. Minsan sa hapag lamang nabanggit na siya ay lubhang nasugatan mula sa pakikipagdigma.

"Oo." Ang tanging sagot ni Jun Qing.

"Ang iyong natamong pinsala ay hindi pangkaraniwan, tama ba?" Patuloy ni Jun Wu Xie. Batid niyang may iba pang dahilan bukod sa simpleng sugat mula sa labanan ang sanhi nito. Nang si Jun Qing ay malubhang nasugatan ay nasa rurok pa ng kataniyagan ang Palasyo ng Lin. Sa mga panahong ito, hindi mahirap para sa Palasyo ng Lin na makahanap ng mahuhusay na manggagamot upang mapagaling ito.

Nang mahulof si Jun Wu Xie sa bangin, ang kaniyang mga natamong pinsala ay malala rin, at ang napinsalang buto ay isa sa mga ito. Sa looban ng isang buwan ay nagawa na niyang makpapaglakad, kung kaya't ang simple sugat mula sa mga labanan ay hindi sapat na dahilan upang mawala ang kakayanan nitong makalaakd.

"Lason. Nasugatan ako mula sa likod ng isang kalaban gamit ang isang nakamamatay na lason. Kung hindi dahil sa iyong Lolo ay malamang wala na ako sa iyong harapan. Dahil sa iyong Lolo, nagawa niyang imbitahan ang Soberanya ng Angkan ng Qing Yun upang ako ay gamutin." Mapanglaw na sagot ni Jun Qing kay Jun Wu Xie habang ipinapakita ang kakila-kilabot na pinsalang natamo niya sa kanyang baywang.

Kahit na ang sugat ay higit sa isang dekada na, mayroon pa ring bakas na kulay ube sa paligid nito.

"Angkan ng Qing Yun?" Bahagyang napasimangot si Jun Wu Xie.

"Ipinagpalit ng iyong Lolo ang isang mahalagang pamana ng ating pamilya kapalit ng tulong niya." Agad na paliwanag ni Jun Qing upang malinawan ito nang maalala nito ang malalim na alitan ng kaniyang pamangkin at ni Bai Yun mula sa nasabing angkan.

Noong una ay nais niyang imungkahi sa knaniyang ama na ipatala ang dalaga sa Angkan ng Qing Yun nang mabatid nitong naisa ni Jun Wu Xie na matuto ng kaalaman sa medisina dahil ang angkang ito ang pinakabihasa sa nasabing larangan.

Sa kasamaang palad, dahil sa relasyon nina Mo Xuan Fei at Bai Yun sa kaniyang pamangkin, malabo para sa kaniya ang mapabilang sa Angkan ng Qing Yun.

"Hayaan mo akong tingnan ang iyong mga binti, Tiyo." Sa mga oras na ito ay ni minsan sumagi sa kaniyang isipan ang mga mapangalunyang pares na iyon.

"Sige." Tugon ni Jun Qing at agad na itinaas ang kaniyang pantaloon.

Payat at maputla ang kaniyang mga binti. Kund hindi dahil sa mga tinamong pinsala, ang dating matatag at malalakas na binti, ngayon ay payat at nanghihina. Matapos ang higit sa isang dekadang hindi nagagamit ang mga binti, tuluyang nangayayat na ang mga binti at ang hugis, hindi na akma sa pang-itaas na katawan.