Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 24 - “Lason (Ikalawang Bahagi)”

Chapter 24 - “Lason (Ikalawang Bahagi)”

Sinimulang suriin ni Jun Wu Xie ang mga binti ni Jun Qing habang nilalapatan niya ang ilang bahagi nito ng puwersa. "Hindi ka ba nakakaramdam ng kahit na anuman?"

"Paminsan-minsan ay nakakaramdam ako ng panginginig, ngunit napaka-bahagya." Sagot niya.

Patuloy niyang sinuri ang mga binti hanggang sa wakas ay tumingin ito sa kaniyang Tiyuhin at nagtanong: "Tiyo, may tiwala ka ba sa akin?" Mahinahon niyang tanong.

"Siyempre!" Sabay ngiti nito sa kaniya.

Lumingon si Jun Wu Xie sa kaniyang paligid hanggang tumama ito sa lotus na nasa munting lawa, ang kaniyang mata, nagniningning sa kagalakan.

"Ang mga bulaklak ng lotus ay napakaganda, tulad na lamang ng lotus na ito sa ating harapan na lubos na namumukadkad. Hmmm… Nais kong malalaman, gugustuhin mo bang kumain ng mga binhi ng lotus?" Tanong niya.

Biglang napa-isip si Jun Qing at sumagot: "Kumakain ako ng mga binhi nito paminsan-minsan."

"Namitas ako ng ilan kahapon at naisip kong masarap ang mga ito! Nais mo bang tikman din ang mga ito?" Simpleng tanong ng dalaga.

"Siyempre naman, lalo na't ikaw mismo ang namitas ng mga ito." Masaya itong sumang-ayon. Ang kaniyang pamangkin, ngayon ay maaalalahanin na. Kung noon, malamang na ang una nitong pagbibigyan ay walang iba kundi si Mo Xuan Fei!

"Tiyo, buksan mo ang iyong bibig." Patuloy pa niya.

Nagulat si Jun Qing sa ikinikilos ng dalaga, bagaman at hindi niya alam ang mga pinaplano nito, dahil sa isa siyang mapagpalayaw na Tiyuhin at wala siyang ibang nais kundi mapasaya nag dalaga, kaya't sinunod niya ng walang pag-aalinalangan ang pamangkin.

Agad namang isinubo ni Jun Wu Xie ang binhi sa kaniyang bibig at bago pa man siya makatugon ay isinara agad ng dalaga ang kaniyang bibig at ikiniling ang ulo nito upang agad itong malunok ni Jun Qing.

"…." Mula sa 'mahinahon' nitong pagkumpay, halos mapaluha si Jun Qing.

Kung kailan inaakala niyang tumitino na ang dalaga, ang pamamaraan pa rin nito ay medyo… magaspang.

Hindi masisisi ang dalaga sa magaspang nitong pamamaraan, dahil ni minsan ay hindi ito naging bahagi ng kaniyang pagkatao. Dahil sa mga pasyenteng madalas ayaw uminom ng gamot, isa lang lagi ang nasa kaniyang isipan, at ito ay siguraduhing iinumin ng kaniyang pasyete ang gamot, at ang kaniyang magaspang na pamamaraan ay mabisa dahil walang pagkakataon upang ito'y labanan.

"Masarap, hindi ba?" Tanong niya.

Tumingin si Jun Qing sa dalaga na parang nawalan ng ulirat. Basta na lamang nito isinubo sa kaniyang lalamunan ang binhi! Paano niya ito malalasahan?

"Mmmm… Masarap." Ang tanging sagot niya.

"Ngayon ay aalis na ako." Matapos niyang gawin ang kaniyang pakay ay agad itong nagbalik sa kaniyang bakuran.

Tinitigan lamang ni Jun Qing ang papaalis na si Jun Wu Xie. Makikita sa kaniya ang pagkalito sa mga nangyari. Ang kaniyang pamangkin, pinuntahan lamang siya at nakipag-usap sa kaniya para lamang pakainin siya ng isang binhi ng lotus?

"Master, dahil sa lason na nalalabi pa sa iyong katawan, at ang espesyal na katangian ng binhi ng lotus, nais niyo bang ipaghanda ko rin kayo ng sabaw ng luya upang mainitan kayo?" Sabi ng 'tagapaglingkod' na nasa kaniyng likuran. Kung iyong susuriin, ang lalaking ito ay matangkad at may matikas na pangangatawan, at sa kaniyang disposisyon, hindi mo aakalaing isa lamang siyang tagapag-lingkod.

Itinaas ni Jun Qing ang kaniyang kamay. "Hindi na kinakailangang mag-abala pa para lamang sa isang binhi ng lotus. Hindi ako ganoon kahina."

Hindi na nagpumilit pa ang tagapag-lingkod kung kaya't ipinahiwatig na lamang niya ang kaniyang nasa isip. "Kakaiba ang mga ikinikilos ng Binibini itong mga nagdaang araw."

Siya na ang nag-aalaga kay Jun Qing magmula nang magkasakit ito higit sampung taon na ang nakararaan. Nasubaybayan rin niya ang paglaki ni Jun Wu Xie. Dahil sa palalong pag-uugali ng dalaga, hindi naging maganda ang pagtingin niya rito, kung kaya't hindi niya ito binati nang dumating ito.

"Sa tingin mo rin ba?" Napangisi si Jun Qing at napa-isip ng malalim. Mula sa kaniyang ala-ala, nasabi niyang. "Nakikita ko mula sa kaniya ang aking kapatid."

"Huwag kang magbiro. May mga bagay na hindi kailanman mapaghahambing." Nakakunot na sagot ng lalaki. Batid ang kaniyang hindi pagsang-ayon sa mga winika ni Jun Qing.