Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 15 - “Grandfather”

Chapter 15 - “Grandfather”

Kung makababalik lamang siya sa pakikidigma, maging kaharap man ay ang angkan ng Qing Yun, nakasisiguro siyang hindi magiging ganito kalupit ang pakikitungo ng Kaniyang Kamahalan sa Pamilya Lin.

Sa paglipas ng mga taon, batid ni Jun Xian ang lawig ng katanyagan ng kaniyang lakas militar. Ngunit ang hindi niya inakala ay ito pa ang magiging dahilan ng ikapapahamak ng kaniyang apo gaya ng nangyayari sa kasalikuyan.

"Poprutektahan ko si Jun Wu Xie hanggang sa aking huling hininga. Walang sinuman ang maaring kumanti sa aking apo!" Pahayag niya nang may buong determinasyon sa kaniyang mga mata.

Nawalan na ako ng anak. Hindi ko makakayang mawala pa maging ang kaniyang anak. Siya ang nag-iisa kong apo. Ang natatanging apo ni Lin Wang!

Sa kalaliman ng gabi, nag-uusap ng tahimik sa loob ng silid tanggapan ang mag-ama. Parehong hindi mapanatag ang dalawa sa kasalukuyang hinaharap na suliranin ng pamilya. Sa harap pintuan, nakatayo ang dalawang pigura.

Tahimik na nakinig si Jun Wu Xie habang nakatingin sa pintuan.

Lolo…

Sa kaniyang nakaraang buhay, ang 'Lolo' niyang iyon ay walang ginawa kundi ikulong siya sa kadiliman sa loob ng sampung taon. Ang pagdurusa at kawalan ng pag-asa – ang mga bagay na lubos niyang nauunawan.

Subalit sa panahong ito, ang 'Lolo' ng katawang ito ay parang sinag ng liwanag sa kadilimang kaniyang nararamdaman. Nang una niyang makilala ang matanda, puno ng pagmamahal at pag-aalala ang ipinadama nito sa kaniya, bagay na hindi niya mabatid kung paano tutugunan.

Hindi niya ito naranasan kahit minsan noon. Sa tuwing may matutuklasan itong kawili-wili, ang laging una nitong gagawin ay ipadala ito sa kaniyang silid.Sa tuwing may mapapansin itong hindi kaaya-aya sa dalaga, agad itong gumagawa ng paraan upang suyuin siya.

Dahil kakaiba ito sa mga ala-ala niya sa dati niyang 'lolo' at dahil hindi niya mabatid kung paano tumugon sa kaniya, nagsimula siyang iwasan ang matanda nang hindi sinasadya.

Ngunit hindi inakalang hahantong si Jun Xian sa ganito at gagawin ang lahat para lang sa kaniyang kapakanan.

Bukod pa rito, may mga pag-aalinlangan na rin ang pamilya Lin sa mga balakin ng pamilya ng Kamahalan. Ngunit nagpasiya itong magbulag-bulagan dahil sa kaniyang sinumpaang katapatan sa Imperyo at patuloy pa rin itong naniwala na hindi ito isasantabi ng Kamahalan kapalit ng mga taong inilingkod niya sa Imperyo. Subalit sa pagkakataong ito kung saan lahat nakatuon laban sa kaniyang apo, kakalimutan niya ang katapatang ito.

Para sa kaniyang apo, magagawa niyang isuko at isantabi ang lahat.

Kapit-kapit ang palda ng mahigpit, patuloy ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"Ganito ba dapat ang lahat ng mga 'lolo'?" Naguguluhang tanong ng dalaga.

Sa kaniyang tabi, nakatayo ang binatang si Jun Wu Yao, nakatitig sa kaniyang maputla at munti nitong mukha. Hindi mawari kung ano ang pumukaw sa dalaga.

"Nais mo pa rin bang pumasok?" Tanong ni Wu Yao habang nakatingin sa dalaga nang may pagtataka.

"Hindi na." Iling ni Wu Xie. Bakas sa kaniyang mukha ang sigla, 'di tulad ng madalas nitong mahinahong kilos. Sa simula ay nais niyang kausapin ang kaniyang lolo upang hayaan siyang personal na isagawa ang pagsusuri sa sarili ngunit hindi niya inasahan ang kaniyang mga narinig habang nakatayo sa harap ng pintuan.

Bumalik siya at nilisan ang silid tanggapan. Kailangan niya ng katahimikan upang mapagnilay-nilayan ang mga bagay-bagay.

Sa pag-alis ni Wu Xie, ang kaniyang dating masayang mga mata ay napalitan ng matingkad na lila. Katawa-tawa ang ikinikilos ng mga monarkang ito para sa kaniya. Ang tanging nais lamang niya ay puksain ang mga ito.

Makikita ang pagsiklab ng panganib sa kaniyang mga mata. Ngunit batid niyang magdudulot lamang ito ng panganib kay Wu Xie kung sakaling mangyayari ang mga bagay ayon sa kaniyang kahilingan. Dito'y napawi ang kaniyang saloobin.

Tingnan na lamang natin ang mga mangyayari…