Ang Scarlet Darkness ay hindi sasaktan ang spirit ng tao ngunit ang Scarlet Blood magagawa
iyon!
Kunsabagay, ang Scarlet Blood ay isang hindi kumpletong produkto at bagaman kulang ito ng
isang sangkap, ngunit iyon ang pinakamahirap sa lahat.
Isang patak ng dugo lamang, at malaki ang magagawa nitong pagbabago.
Mula sa nakikita ni Ye Sha at Ye Mei, ang kondisyon ni Little Jue ay naging panatag na.
Bagaman ang spirit nito ay hindi pa kumpleto at wala pa itong taglay na mapanuring
kakayahan, ang kamalayan nito ay malinaw na kahit paano at hindi ito nagpapakita ng
anumang sintomas ng kaguluhan o pagkalito.
Ito ay isang bata lamang at dahil sa walang taglay na buong spirit, ay imposible para dito na
makita ng maayos ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga bagay.
Kung titignan ni Jun Wu Xie si Little Jue bilang isang piyon, ay ikatutuwa niya na nasa ganoong
kondisyon si Little Jue, ngunit ang tingin niya sa munting bata ay ang kaniyang "little brother."
Ang mgsa sinabi ni Jun Wu Yao ay nagdala kay Jun Wu Xie sa isang malalim na pag-iisip. Saglit
siyang natahimik at biglang tumayo, at naglakad patungo sa karwahe ni Fan Zhuo.
Maliksing umakyat siya sa baitang ng karwahe at hinawi ang kurtina sa gilid ng karwahe.
Kaagad, ay nakita niya ang isang munting anyo na nakasiksik sa pinakadulong sulok ng
karwahe, at sa nakakgiliw na mukhang iyon, ay malinaw na luha ang dumadaloy mula sa
malalaking mga mata. Mag-isa itong nakaupo doon at tahimik na tumatangis, mahigpit na
yakap ang tuhod habang yumuyugyog ang katawan dahil sa paghikbi.
Nang makita ang biglang paglitaw ng anyo ni Jun Wu Xie, ang mga mata ni Little Jue ay biglang
napuno ng takot. Bigla siyang nataranta habang nakatingin kay Jun Wu Xie, bumakas sa mga
mata ang pagkabalisa at pagkaligalig, ngunit wala na ang pagdaramdam.
Bahagyang bumuka ang kaniyang dibdib na parang may nais sabihin, ngunit sa huli ay hindi na
siya naglakas-loob at ang mga luha ay nagpatuloy sa pagtulo sa kaniyang pisngi.
Habang minamasdan ni Jun Wu Xie ang munting anyo, ay di-namamalayan na naisip niya ang
munting Emperor nang una itong makita dahil sa nakitang reaksiyon nito.
Ang hitsura nito ay kimi katulad lamang noon.
Hindi siya nagbago.
"Huwag… Huwag ka magalit…" Mahinahong saad ni Little Jue na nanginginig ang boses habang
nagmamakaawa na nakatingin kay Jun Wu Xie. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang
ligalig na nararamdaman ngunit siya ay talagang natatakot. Natatakot na iwan siya ni Jun Wu
Xie.
"Little Big… Brother… Huwag ka… magalit… sa akin…"
Nanginginig ang boses niya, at sinabayan ng pagsinghot, dahil hindi siya naglakas-loob na
umiyak ng malakas, sinubukang maigi na pigilan ang paghikbi.
Biglang naramdaman ni Jun Wu Xie ang pagsikip ng dibdib at pumasok siya sa loob ng karwahe
upang maupo habang minamasdan si Little Jue na hirap na hirap na umiiyak.
"Hindi ako galit." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Little Jue, seryoso ang mata.
"Kahit na magalit ako, ay hindi sa iyo. Ako lamang ay…"
Hindi itinuloy ni Jun Wu Xie ang kaniyang sinasabi. Matapos niyang sagipin ang munting
Emperor mula sa Imperial Capital ng Condor Country, nalaman ni Jun Wu Xie kay Grand Tutor
He na ang nag-iisang Poison Man na nagtanggol sa munting Emperor kapalit ang kaniyang
buhay ay walang iba kundi ang nakatatandang kapatid ng munting Emperor.
Ang lason ay malalim na tumagos at nawalan na ito ng ulirat kung saan hindi na niya
magawang makilala ang sinuman.
Ngunit iyon ang mga sandali na ang munting Emperor ay nasa kapahamakan at biglang
lumitaw ang kaniyang nakatatandang kapatid, gamit ang hindi karaniwan na malapad na
balikat, upang gawing pananggalang ng musmos na munting Emperor.
Kahit na ang isip nito'y tuluyan ng nawasak ay naroon pa rin ang taglay na sapat na malay
upang gawin iyon, sa mata ni Jun Wu Xie, iyon ay halos isang milagro.
Subalit…
Hindi niya nagawa na sagipin ang milagrong iyon.
Iyon ang unang pagkakataon na hindi malaman ni Jun Wu Xie kung ano ang dapat gawin, sa
kabila ng pagkakaroon ng kakayahan at kaalaman sa Medicine ay hindi niya ito nagamit.
Iyon ang kalagayan ng nakatatandang kapatid ng munting Emperor, at pareho iyon sa munting
Emperor mismo.
Galit si Jun Wu Xie, ngunit sa kaniyang sarili lamang, hindi kailanman isisisi iyon sa iba.
Minsan niyang naisip, kung mas naging dalubhasa lamang siya sa Medicine noon, magagawa
niya kaya na sagipin ang kapatid ng munting Emperor? Magagawa niya ba na pagalingin ang
munting Emperor?
Sa paraan na iyon, ang munting Emperor ay hindi magdadanas ng ganoong pagpapahirap, at
magagawa niyang magbalik sa Buckwheat Kingdom kasama ang kaniyang nakatatandang
kapatid, o maaaring magagawa nitong ipagpatuloy na masiyahan sa kaniyang buhay bilang ang
munting Emperor, o kaya maaari itong maging duke na nagsikap na maging isang Beast Tamer
habang nagsasanay siya sa ilalim ng pagkalinga ng kaniyang nakatatandang kapatid.