Sa paraan na iyon, ang munting Emperor ay hindi magdadanas ng ganoong pagpapahirap, at
magagawa niyang magbalik sa Buckwheat Kingdom kasama ang kaniyang nakatatandang
kapatid, o maaaring magagawa nitong ipagpatuloy na masiyahan sa kaniyang buhay bilang ang
munting Emperor, o kaya maaari itong maging duke na nagsikap na maging isang Beast Tamer
habang nagsasanay siya sa ilalim ng pagkalinga ng kaniyang nakatatandang kapatid.
Sa kasamaang-palad, hindi niya nagawang sagipin ang nakatatandang kapatid ng munting
Emperor, at muntik na ring mawala sa kaniya ang munting Emperor…
Sa buong dalawang buhay na namuhay si Jun Wu Xie, ang nakaraan at ang kasalukuyan, ito
lamang ang tanging dalawang pagkakataon na naramdaman niya na ang malalim na kaalaman
at kakayahan niya sa Medicine ay naging walang silbi.
"Little Big Brother… hindi galit…" Tila naramdaman ni Little Jue na ang kilos ni Jun Wu Xie ay
hindi na matalim at nakakatakot tulad sa kanina at naramdaman niya na hindi na namumuhi
sa kaniya si Jun Wu Xie dahil sa paglapit nito. Gayunman, siya ay maingat pa rin nang ilapit
niya ang maliit na puwitan, sinusuri ang tubig habang nilalapit ang distansiya sa pagitan nilang
dalawa sa marahang paglapit nanag paunti-unti.
Minasdan ni Jun Wu Xie ang kinakabahan na maliit na mukha at ang pares ng mga mata na
puno ng pag-aalinlangan, tila matindi pa rin ang takot na itatakwil at iiwan niya ito. Biglang
natawa si Jun Wu Xie at itinaas ang kamay at ginaya si Jun Wu Yao na hinagod ang ulo ni Little
Jue.
Nanlaki ang mata ni Little Jue habang bakatitig kay Jun Wu Xie. Iyon ang unang pagkakataon
na gumawa si Jun Wu Xie ng nakaaantig-damdamin na kilos sa kaniya at bagaman hindi niya
naiintindihan ang ibig sabhin ng kilos na iyon, kahit paano ay alam niyang gustung-gusto niya
iyon.
"Ikaw ang munti kong kapatid at hinding-hindi kita iiwan. Hindi mo na rin kailangan na
matakot sa akin." Saad ni Jun Wu Xie habang sinusubukan niya ang lahat ng kaya niya upang
mas maging mainit ang mga mata.
[Ang "mawalan" ng Big Brother ngunit ngayon ay mayroon na siyang nakababatang kapatid,
ang Heavens ay naging mabait sa kaniya hindi ba?]
Hindi alam kung naiintindihan ni Little Jue ang sinasabi ni Jun Wu Xie ngunit matapos marinig
iyon, ay huminto siya sa pag-iyak at tumitig lamang ang malalaking nagniningning na mga
mata niya kay Jun Wu Xie.
Ang pakiramdam na iyon ng pagkaligalig tila ay naglaho na.
…
Nakaupo sa labas sa tabi ng apoy, si Qiao Chu at ang iba pa ay hindi nangahas na gamabalain si
Jun Wu Xie at Little Jue, at naiwan sila doon na walang magawa kundi ang magpalitan ng
kinakabahang tingin sa bawat isa, hindi pansin na ang mga sulyap nila ay lumilipad at sa huli ay
natuon sa anyo ni Jun Wu Yao. Lahat sila ay nakaramdam ng pag-uusisa kung ano ang ginawa
ni Jun Wu Yao sa Heaven's End Cliff.
Ang kahabag-habag na palahaw na iyon, ay nanatiling sariwa at malinaw sa utak nila.
Subalit, walang balak si Jun Wu Yao na magsabi ng kung ano at matapos maghintay ng may
katagalan at hindi pa rin niya nakikita si Jun Wu Xie na lumalabas sa karwahe, ay tumayo siya
at naglakad patungo doon.
Nang itaas niya ang kurtinang papasok sa karwahe, ay sinalubong siya ng isang nakaaantig na
tanawin.
Sa loob ng karwahe, si Jun Wu Xie ay nakasandig sa isang tabi, mahimbing na natutulog,
habang si Little Jue na napagod sa pag-iyak ay nakahiga sa kandungan nito, at tinangay na sa
panaginip.
Ang tahimik at payapang tanawin na iyon, ay nagpangiti kay Jun Wu Yao. Dahan-dahang
ibinaba niya ang kurtina, at muling naglakad pabalik kung saan siya nanggaling.
"Magpahinga tayo dito ngayong araw, at bukas ng umaga, ay pupunta na tayo sa Heaven's
End Cliff."
Hahayaan na lamang niya ang dalawang munting nilalang na makapagpahinga ng maayos.
Laban sa mungkahi ni Jun Wu Yao, walang sinuman ang naglakas-loob na tumanggi. Hindi nila
alam kung ano ang nangyayari kay Jun Wu Xie at Little Jue sa loob ng karwahe at hinintay pa
nila ang gabi ngunit ng hindi pa rin nila nakitang lumabas ang dalawa mula sa karwahe.
Pupunta na sana pabalik si Fan Zhuo sa kaniyang karwahe upang makapagpahinga nang
sabihin sa kaniya ni Jun Wu Yao na sa halip ay maaari siyang matulog sa kaniyang karwahe sa
gabing iyon.
Ang imbitasyong iyon…
Agad ay nagdala ng takot kay Fan Zhuo kung saan ay may kilabot na dumaloy sa buong
katawan niya. Agad siyang umiling at mataktikang tinanggihan iyon, kung saan sa sumunod na
sandali, tumakbo siya kay Hua Yao at Qiao Chu at nagmakaawa sa mga iyon na manatili sa
kanila sa gabing iyon.
Ang tatlong kabataan ay nagsama-sama, nagsiksikan sa isang karwahe sa buong gabi.
[Iyon ay isang malaking biro!]
[Matulog sa isang karwahe kasama si Big Brother Jun Wu Yao, sino ang magagawang
makatulog!?]
Nang gabing iyon, ang tanging kasama ni Jun Wu Yao ay si Lord Meh Meh at ang Sacrificial
Blood Rabbit na takot na takot sa kaniya at nanginginig buong gabi sa loob ng karwahe kung
saan ay nagawa niyang pumikit ng ilang sandali. Hindi niya nagawang makatulog simula sa
umpisa hanggang huli at si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ay hindi naman
magawang maipikit ang mga mata dala ng matinding takot…