Kinubakasan ng umaga, ang mga kabataan ay nagbabaan mula sa mga karwahe at ang mga
hitsura nila'y mga presko. Si Jun Wu Xie ay nakatayo sa labas at naghihintay na ng ilang sandali
at sa kaniyang tabi ay nakatayo si Little Jue na may malapad na ngiti sa mukha, hindi nalalayo
ng isang hakbang sa kaniya. Bagama't may hawak itong isang supot na puno ng jade na bato
na masaya niyang kinakain, ang pares ng mga mata nito ay hindi nalingat sa anyo ni Jun Wu
Xie.
"Hay… bigla akong nakaramdam ng sakit. Si Little Jue ay katabi kong matulog sa buong
paglalakbay na ito at ngayon ay hindi niya ako gustong tignan." Saad ni Fan Zhuo habang
maarte na hinawakan nang mahigpit ang kaniyang dibdib, ang mata niya ay nakatuon sa isang
tiyak na munting nilalang na ang sulyap ay nakapako sa iba.
"Magpasalamat ka na kahit paano ay hindi siya nagising sa kalagitnaan ng gabi upang sabihin
sayo "yit" big brother." saad ni Fei Yan na may tuwa sa mukha. Sa hindi malaman na
kadahilanan, si Little Jue sa pagitan ng grupo, bukod kay Jun Wu Xie, ay nagpakita ng
matinding interes kay Rong Ruo. Ngunit iyon ang uri ng interes na hindi nakikita ni Fei Yan na
nakaktuwa.
Hindi niya talaga nais na makita ang kaniyang "nobya" na kinakain ng munting halimaw na
iyon.
Kung ito'y "kakainin", ay mas mabuting siya na lang ang "kakain"! [Translator's Note: hindi ito
tungkol sa pisikal na pagkain. Walang kanibalismo. Bahagyang seksuwal na intonasyon dito.]
"Matapos marinig ang sinabi mong iyan, ay mas naging maganda ang pakiramdam ko tungkol
doon." Saad ni Fan Zhuo habang tumatawa. Kumpara sa sasabihin ni Little Jue na "yit big
brother" sa kaniya, bigla niyang napagtanto na ang hindi pansinin at bale-walain ay hindi
naman ganoon kasama.
Literal na pinaikot ni Fei Yan ang kaniyang mga mata kay Fan Zhuo.
Nang makababa si Jun Wu Yao mula sa karwahe, si Ye Sha at Ye Mei ay karga na si Lord Meh
Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit sa labas. Isang gabi lamang iyon ngunit ang dalawang
musmos na munting mga hayop ay tila sumailalim sa matinding pagpapahirap at matinding
napinsala, ang dalawang iyon ay mukhang nasiraan ng loob dahil sa mga mata nilang pagod at
hapo.
Taliwas sa pusang itim na nasa likod ni Jun Wu Xie na mukhang puno ng sigla.
Nang makita si Jun Wu Yao, si Little Jue na nakatayo sa tabi ni Jun Wu Xie ay wala sa sarili na
umatras ng ilang hakbang, naglagay ng distansiya sa pagitan niya at ni Jun Wu Xie, ngunit ang
sulyap niya ay nakapako pa rin dito.
"Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Walang ibang nakikita si Jun Wu Yao habang naglalakad
patungo kay Jun Wu Xie, nakatitig sa malinis na munting mukha na iyon, na parang hindi siya
mahustuhan na masdan.
Sa paglalakbay na iyon sa paghahanap ng libingan ng Dark Emperor, ay inalis ni Jun Wu Xie ang
kaniyang balatkayo at nanatili sa orihinal nitong anyo.
Sa buong nagdaang taon, si Jun Wu Xie ay laging nagpapakita bilang ang maselan na munting
kabataan at bihira makita ang walang kamali-mali na magandang mukha na iyon, na nagpabilis
ng kaunti sa tibok ng puso ni Jun Wu Yao.
Sa loob ng isang taon na iyon, ang munting kagandahan ay sumibol at naging kabigha-bighani,
kung saan maging ang isang parang ng bulaklak sa kaniyang harapan, ay magiging mapusyaw
at walang kulay.
"Mm." Marahang sagot ni Jun Wu Xie. Hindi niya naisip na makakatulog siya ng ganoon.
"Handa na ba ang lahat?" Tanong niya.
Tumango si Jun Wu Yao.
"Maya-maya lang ay maaari na tayong umalis."
Sa sandaling iyon, ay mayroon na silang kumpletong mapa at hindi na sila bulag at mahina sa
paghahanap nila sa libingan ng Dark Emperor.
Matapos ang ilang huling pag-aayos, si jun WU Xie at ang kaniyang grupo ay nagdesisyon ng
humayo.
Sinigurado nila ang ilang mahahabang tali na espesyal na nakatali sa ibabw ng Heaven's End
Cliff at itinapon ang kabilang dulo pababa sa Heaven's End Cliff. Matapos gumawa ni Qiao Chu
at iba pa ng huling pagsusuri sa kanilang mga kagamitan at nasiguro na ang kanilang mga
paghahanda ay kumpletong lahat, ay tumayo sila sa dulo ng Heaven's End Cliff at tumingin
pababa sa hindi matagusan na puting usok na tumatakip sa ibaba ng bangin, na may
matinding determinasyon sa kanilang mga mata.
"Humayo na tayo!" Biglang saad ni Jun Wu Xie.
Lahat sila ay mahigpit na humawak sa kanilang mga tali, at nagsimula nang bumaba sa ibaba
ng Heaven's End Cliff!
Ngunit akmang gagalaw na si Jun Wu Xie pababa habang hawak ang kaniyang tali, ay bigla
siyang kinarga ng isang pares ng malakas at maskuladong braso!
Gulat na napatingala si Jun Wu Xie sa mukha ni Jun Wu Yao na tangan siya sa braso nito.