Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 2 - “Self-help (1)”

Chapter 2 - “Self-help (1)”

Ang Young Miss ng Lin Palace ay ang apong babae ni Lin Wang, higit na mas kilala sa pagiging mapagmataas at hindi makatwiran. Maging ang pamilya ng Emperador ay balewala sa kaniya.

Malalim ang pinagsamahan ni Lin Wang at ng Emperador na nagtatag ng kaharian. Dahil sa kanilang ugnayan, sumumpa silang parang magkapatid sa harap ng kalangitan kung kaya't nang naitatag ang Kaharian ng Qi, personal na ipinagkaloob ng Emperador kay Jun Xian ang dakilang pangalang 'Lin Wang' na naggagawad sa kaniya ng kapangyarihang halos katulad ng isang maharlika.

Isa sa mga iginagalang sa buong kaharian ang Lin Palace at maging ang kasalukuyang Emperador, sila'y iginagalang. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ni Lin Wang ng dalawang lalaking anak, mas naging mas mapagpalayaw ito sa kanyang apong si Jun Wu Xie, kaya nang magkagusto ito sa Ikalawang Prinsipe ng kaharian, inaya niya ang Emperador na maging kabiyak ito ng kaniyang apo sa hinaharap.

Ngunit sa kabila nito, ang dalaga ay matatagpuan ang kaniyang nakaaawang kalagayan, nakahandusay sa mga matatalas na bato. Kung hindi dahil sa kaluluwa ni Wu Xie, marahil ay pumanaw na rin ang kaniyang katawan.

[Bali ang parehong mga binti, may pinsala ang kaliwang bahagi ng buto-buto, maging ang kanang pulsuhan ay may bali… isang himalang nakaligtas pa ang katawang ito mula sa pagkahulog sa ganyang taas ]

Sambit ng isa pang pamilyar tinig mula sa katawan ni Jun Wu Xie. Ang pusang itim na kaniyang kasa-kasama ng higit sa dekada at kamangha-manghang napanatili nito ang kaniyang katawan.

"Buhay pa rin tayo." Hindi maaaninag sa kaniyang mukha ang sakit habang nakahandusay sa mabatong lupa.

[Binabati kita Mistress, nakaligtas kang muli mula sa kamatayan] Mula sa pagiging usok, nabuo ang pusa at magilas na naglakad patungo sa dalaga.

Nakaligtas man siya mula sa isang kalamidad, ngunit nanatili pa rin sa panganib ang kaniyang kasalukuyang katawan.

Ramdam niyang unti-unti na siyang nawawalan ng lakas, nanginginig dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Kinakailangan na niyang makahanap ng masisilungan bago pa tuluyang bumaba ang temperatura ng kaniyang katawan. Sa kabutihang palad ay may yungib sa di kalayuan.

Akay ang sarili patungo sa kaniyang sisilungan gamit lamang ang kaniyang mga kamay at kagustuhan mabuhay.

Ang kaniyang damit, gula-gulanit at basa ng pawis at buhos ng ulan, ang tanging proteksyon ng kaniyang bugbog na katawan. Ang bakas ng dugo mula sa kaniyang katawan, patuloy na tinatangay ng malakas na ulan. Tanging ang pusang kasama niya ang patuloy na umaalalay hanggang sa makarating sila sa yungib.

Bagama't hindi kalayuan ang kaniyang nilakbay, kahanga-hangang nakarating siya sa yungib gamit ang mga natitirang lakas ng kaniyang katawan. Sa mga tinamong pinsala ng kaniyang katawan, maging ang pinakamatatag na tao ay susuko.

Pagod, nanghihina at namumutla nang marating niya ang madilim na kuweba.

Nakahinga ng matiwasay ang dalaga pagdating sa kuweba nang biglang may tinig na narinig mula sa loob.

[Si-sino ka?]

Kabadong tanong niya, habang nakatayo sa harap ng dalaga.

"Tingnan mo." Utos ng dalaga dahil alam niyang sa kasalukuyan niyang kalagayan, nag-iisa at walang anumang kagamitan, mahihirapan siyang gamutin ang sarili.

Malaking tulong kung may makikita silang isang taong maaaring makatulong sa kaniya.

Sa pangunguna ng kanyang alaga, nilapitan nila ang pinanggalingan ng tinig. Ramdam ni Wu Xie ang presensya ng isa pang tao.

"Malapit ka nang mamatay." Sambit ng boses mula sa isang lalaki na may halong kapilyuhan.