Ang taong 'yon ang dahilan ng kaniyang mga sugat at nagtulak sa kaniya sa bangin. Kung hindi dahil sa mga punong sumalo sa kaniya mula sa pagkahulog sa bangin, marahil ay natuluyan na siya.
Hindi ito pagpapakamatay, kundi may tao talagang nais sa kaniyang pumatay.
Agad na pumasok sa isipan ni Jun Wu Xie ang sitwasyon at napa-isip. Hindi na mahalaga kung ang ikalawang prinsipe o hindi ang naka-itim at may maskarang lalaki. Ngunit natitiyak nito na may kaugnayan ito sa kaniya.
Malaki ang naiambag ni Jun Xian sa pagpapalawig ng hangganan ng Kaharian sa tulong ng kaniyang natatanging hukbo – ang Rui Lin Army. Walang sinuman ang maaaring makalusot sa kanila, liban na nga lang kung hanap nila ay kamatayan! Kung kaya't mataas pa rin ang paggalang kay Jun Xian maging nang kasalukuyang Emperador.
Ngunit kahit na ano pang pagtrato ang gawin ng Kamahalan, hindi maikakaila ang paglubog paghina ng pamilya. Mapanglaw na kinabukasan ang hinaharap ng pamilya dahil sa pagpanaw ng isang anak, habang ang isa ay naiwang baldado. Tanging ang palalong apo nalang na si Wu Xie ang natitira
Masasabing ang kasalukuyang Lin Palace ay maihahalintulad sa isang tigreng papel dahil ang tunay na kabanyagan ni Jun Xian ay nagwakas, higit pitumpung taon na ang nakalilipas.
Sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan, mula nang matapos ang Dakilang Digmaan na kumitil ng buhay ng unang anak at lumumpo sa natitira pa nitong anak, na nagdulot sa paglubha ng kalusugan, kasabay ng pagtanda, nangangamba siyang hindi na sapat ang mga nalalabi niyang oras. Lalo na sa kasalukuyang ikinikilos ng pamilya ng Kamahalan patungkol sa pamilya Lin.
Nangangamba siyang ang nangyari kay Jun Wu Xie kamakailan ay may kinalaman sa plano ng pamilya ng Kamahalan laban sa kaniyang pamilya.
[Halata sa kilos ng ikalawang prinsipe na wala itong takot at paggalang sa pamilya Lin.]
Bulong ng pusa. Noong una ay inakala niyang nabigyang ng pagkakataong mabuhay muli ang kaniyang Mistress sa isang mabuting tahanan. Ang hindi niya inakala na maging sa pagkakataong ito, nasa panganib pa rin ang buhay nito.
Agad naman itong namaluktot na parang bola, itinago ang mukha sa pagitan ng mga mabalahibo nitong paa nang lingunin siya ni Wu Xie na nakataas ang kilay ng bahagya.
Nang makita ni Jun Xian ang apo, tahimik na tila parang takot, hindi na niya ito pinagalitan. Kita sa kaniyang mga mata ang pagmamahal sa dalaga at malambing itong tinawag. "Ayos lang ang lahat, ngayon nakabalik ka na, magpahinga ka na, at kung may kailangan ka, tawagin mo lang ang 'yong kapatid."
"Kapatid?" ("Brother?")
Napa-isip ang dalaga, walang matandaang sinumang maaaring "kapatid" niya. Di lingid sa kaniyang kaalaman na may dalawang anak na lalaki ang kaniyang lolo, ang panganay na kaniyang ama, habang ang kaniyang ina naman ay pumanaw nang sandaling siya ay isinilang. Dahil sa digmaan, namatay ang kaniyang ama habang ang kaniyang Tiyo ang lubhang nasugatan na naging dahilan nang kaniyang pagkaparalisa.
"Wu Yao, pumasok ka at bantayan mo ang iyong kapatid, lalabas lang ako ng sandal." Tawag ni Jun Xian.
Bumukas ang pintuan at makikita ang katawan ng isang matangkad na lalaki.
Tinitigan niya ang "kapatid" nang may pagkamangha.
Matikas na tila isang obra ng may lumikha, mga matang kasing itim ng gabi.
"Opo." Sagot ng binata nang may ngiti.
Tumango si Jun Xian nang may kagalakan, habang patuloy na sinasabihan si Wu Xie na magpahinga bago iwan ang magkapatid.
Sa isang sulok ng silid ay nakatayo si Jun Wu Xie habang sa kabilang dako ay ang matipunong si Wu Yao.
Mayamaya, may lumabas na itim na anino sa harapan ni Wu Xie. Makikita ang pusang itim na nakabantay sa dalaga, kumikislap ang matatalas na ngipin mula sa higaang kinatatayuan at ngumisi.
Kaswal na tumingin si Jun Wu Yao sa galit na pusa habang dahan-dahang naglalakad at umupo nang mahinahon sa harap ni Wu Xie, at saka niya ito tinitigan.