Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 3 - “Self-help (2)”

Chapter 3 - “Self-help (2)”

Bagama't hindi makita ni Wu Xie ang lalaki, malinaw sa kaniyang pandinig ang kalantong ng kadena.

Ikinadena ang lalaking ito? Sa kailaliman ng kuwebang ito?

Agad na naging usok ang pusa at nagtago sa loob ng katawan ng dalaga sa sandaling marinig ang boses ng lalaki. Ramdam niya ang mapanganib na awra nito.

"Nakagapos ka?"

Tanong ng dalaga. Tanging laman ng isipan ni Wu Xie ay ang posibilidad na ang taong ito ang maaaring makatulong sa kaniyang kasalukuyang kalagayan, at tuluyang isininantabi ng dalaga ang panganib na maaarig dulot nito. Kailangan lang niya ay ang kakayanan nitong makagalaw.

"Ah? Eto? Sa palagay ko." Sagot niya habang hila-hila ang kadena sa dilim.

"Palalayain kita… pero kailangan mo akong tulungan." Lakas loob na sinabi ni Wu Xie kahit hirap na itong magsalita. Bugbog ang kaniyang katawan, at patuloy na bumababa ang kaniyang temperature. Nanginginig sa lamig at sakit. Kailangan niyang gumawa ng paraan, kung hindi, hindi ito kakayanin ng kaniyang katawan.

Hindi sumagot ang lalaki at nanatiling tahimik, tila nagulat sa mga salita ng dalaga, sa kabila ng katayuan nito.

Wala na siyang ibang paraan kung kaya't nagpasiya siyang sumugal sa pagkakataong ito. Silence means consent ika nga.

Naghagilap sa dilim hanggang sa matunton niya ang lalaki, hinugot niya ang manipis niyang pang ipit sa buhok. Baka sakaling magawa niya ito tulad ng ginawa ng mangmang na 'yon sa kaniya. Isa siyang manggagamot, at hindi isang magnanakaw.

Sinikap niyang maabot ang kadena habang naghahagilap sa dilim. Sa pananaw niya bilang isang manggagamot, 'ramdam' niya ang pambihirang pangangatawan.

Pinilit ni Wu Xie na mapalaya ang lalaki hanggang sa huling hibla ng kaniyang lakas. Kailanma'y hindi niya naramdamang ang kalampahan.

Sa kaniyang pagsisikap ay nabuksan niya rin ang kadena. Kapalit naman nito ay tuluyan niyang panghihina at hirap na mapanatili ang kaniyang kamalayan.

"Gaya ng 'yong nais" misteryosong ngiti ng lalaki, ang kaniyang malalim na boses ay umaalingawngaw sa boung kuweba.

'click'…'click'…'click'

Bago pa man siya mag reaksyon, sunud-sunod na tunog ng sirang meta ang kaniyang narinig. Napalaya ng lalaki ang kaniyang sarili mula sa tatlo pang kadenang nakagapos sa kaniya at inakap ang dalaga. Paunti-unti ay nakaramdam si Wu Xie ng init.

Dahan-dahang binuhat ng lalaki at inakay palabas ang dalaga patungo sa liwanag.

Sa labas ng kuweba, patuloy ang buhos ng ulan.

Ngunit kahit na madilim ang panahon, matatanaw ang pambihirang katangian ng lalaki mula sa munting liwanag na dulot ng araw. Ang guwapo nitong mukha at mala satin nitong buhok, nakalaylay. Matuturing na isang obra ng may-likha.

Nakatingala ang lalaki sa langit nang maramdaman niya ang titig mula sa dalaga, lumingon siya sa dalaga, ang mga labi ay nakangiti.

Tinitigan ni Wu Xie nang walang bahid ng pagsisiyasat ang mga lila nitong mga mata habang patuloy na dumadampi sa kaniyang maputlang mukha ang ulan.

Nakataas ang kilay ng bahagya, ang kalmadong kilos na ipinapakita ng dalaga ay bago para sa kaniya.

Ito ang unang pagkakataong may taong hindi natakot sa kaniyang mga mata.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya, dinig ang matipuno nitong tinig.

"Mamamatay na ako." Paalala ni Wu Xie. Ang kaniyang mga mata, walang bahid ng takot habang nakatitig sa mga mata ng lalaki, na tila hindi alintana ang nagbabadyang kamatayan.