Si Duan Ling Tian ba ang uri ng tao na sadyang ilalagay sa panganib ang kanyang mga kaibigan? Agad na nag-isip si Duan Ling Tian.
"Elder Teng Shan, kung mayroon kang kakilala sa anim na elder sa iba pang tatlong Sanctums,maari bang hilingin sa kanila na ipasok ang aking dalawang kasama? Hindi ko nais na manatili sila sa Black Turtle Sanctum kasama ako." Agad na ipinadala ni Duan Ling Tian ang kanyang tinig kay Teng Shan matapos niyang maisip dahil si Teng Shan lamang ang tanging mapagkakatiwalaan niya ngayon.
Nais ni Duan Ling Tian ang mga elder mula sa iba pang tatlong Sanctums na kunin sina Gu Li at Zhu Lu Qi bago sila maalala ni Li An. Si Gu Li at Zhu Lu Qi ay nag aalalala para sa kanya, natural lamang na nais niyang suklian ang mga ito.
"Hindi mo nais na madawit sila?" tanong ni Teng Shan sa pamamagitan ng Voice Transmission. Isang pahiwatig ng papuri ang makikita sa kanyang mga mata.