Si Xu Qing ay hindi mapakali nang narinig niya ang sinabi ni Zuo Yue mula noong alam niya na si Zuo Yue ay sadyang ginagalit siya. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay madaling nakuha muli ang kaniyang pagpipigil at manatiling kalmado.
Shua!
Taliwas kay Xu Qing, ang mukha ni Lei Zhong ay nagbago nang malaki.
Mainit ang kaniyang ulo, at hindi siya maaaring manatiling kalmado matapos niyang marinig ang masasamang sinabi ni Zuo Yue.
Siya ay gumalaw nang mabilis tulad ng isang mabangis na goshawk, siya ay humagibis at lumapit kay Duan Ling Tian sa isang mahusay na momentum. Hindi maikukumpara ang kaniyang bilis.
Hua! Tulad ng sinabi ni Lei Zhong, isang malagatas na puting apoy ang lumabas mula sa kaniyang katawan.