Kung kailan iniangat ni Duan Ling Tian ang kanyang kamay upang punasan ang alikabok sa stranger brand.
Whoosh!
Mayroong kumislap sa harap mismo ni Duan Ling Tian, ito ay isang kakaibang tatak na tuluyang ipinakita ang sarili niya, at sa paligid nito ay napaligiran ng gintong mga ilaw, na para bang nagbagong-anyo ito at naging mainit na araw na nakasisilaw.
Pagkaraan ng kaunting oras, ang maliit at mainit na araw na ito ay unti-unting nanghihina.
Sa susunod na sandali, nakaramdam si Duan Ling Tian ng kakaibang enerhiya na nanggagaling sa pader at papunta sa kanyang palad ng sobrang bilis, sa sobrang bilis nito siya rin ay natakot.
Sa parehas na sandali ng pagdilim ng ekspresyon ni Duan Ling Tian, ang bahid ng sobrang kakaibang enerhiyang iyon ay direktang pumunta sa kanyang kaluluwa.
"T***ina!" Nakaramdam si Duan Ling Tian ng alon ng takot sa kanyang puso.
Ang kaluluwa ang pundasyon ng tao.