Chapter 1218 - Pandaraya

Nantiling tahimik si Feng Tian Wu. Para bang mayroon siyang iniiisip habang tinitingnan sina Martial Emperor Shi Qi at Zhou Yi.

Nagbago ang mga ekspresyon nina Martial Emperor Shi Qi at Zhou Yi nang mapansin nila ang pagdadalawang-isip ni Feng Tian Wu. Talagang nag-alala sila na pilitin nito si Chi Huo na patayin sila.

Base sa ipinakitang pagtrato ni Chi Huo sa babaeng nasa harapan niya, hindi nila iniisip na tatanggihan ni Chi Huo ang kaniyang hiling.

"Ibalik mo ang tableta," sabi ni Feng Tian Wu gamit ang malalim na tinig habang tintiingan si Martial Emperor Shi Qi .

Tableta!

Nagbago nang labis ang ekspresyon ni Martial Emperor Shi Qi nang marinig niya ang mga sinabi ni Feng Tian Wu.

Siyempre, alam niya kung ano ang sinasabing tableta ng babaeng nasa harapan niya. Ito ang tableta na iniwan ng binatang nakalila tatlong araw na ang nakalilipas.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS