Kinagabihan.
Dinala ni Luo Feng ang maliit na si Na Ke at mabilis na lumipad sa kalangitan. Hindi maiwasang tumingin ni Na Ke sa Swallow Mound city na nasa kanilang ibaba habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Na Ke, matulog ka, matulog ka muna, magiging okay din ang lahat paggising mo," mahinahong sinabi ni Luo Feng. Ang kanyang boses ay nagtatanglay ng hindi kapanipaniwalang tindi ng lakas, ang tanging naramdaman ni Na Ke ay ang pagkadala ng buo niyang pagkatao kasabay ng paglabo sa kanyang paningin bago pumikit ang kanyang mga mata at tuluyang makatulog.
"Mas magiging madali para sa atin kung matutulog muna siya sa ngayon." Nagmadaling lumipad si Luo Feng habang tumatagos sa napakaraming cloud layers ng kontinenteng ito.
Sa loob ng isang paghinga ay nagawa niyang marating ang ika-18 na cloud layer. Maituturing ng paglabas sa Blood River World ang pag-akyat pa ng mas mataas kaysa rito.