Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 5 - Magkakaibang Pagpipilian

Chapter 5 - Magkakaibang Pagpipilian

"Habang ikaw ay patuloy na lumalakas, ay lalo kang mahihirapang iimprove ito sa gusto mong level" Napagisip isip ni Luo Feng, "Ang pagpapabilis ko galing 23.8m/s to 25m/s ay puwedeng abuting ng mga isang taon. Ang pagpapalakas ko naman galing sa 809kg papunta sa gusto kong level na 900kg ay puwedeng abutin ng mas matagal pa rito. Kailangan ko sigurong maghintay hanggang college bago ko makamit ang titulo ng 'Fighter'."

"Siguro kung macocoma ulit ako ay mararating ng body fitness level ko ang level na nirerequire para maging isang 'Fighter'"

Siyempre ang tipo ng coma na aking papasukin ay hindi resulta ng pambubugbog kundi resulta ng napakasakit na mararamdaman ko sa aking ulo.

Si Luo Feng ay may headache disorder.

Madalas na makaramdam ng pananakit ng ulo si Luo Feng. Pero nakakayanan niya namang tiisin ito hanggang mawala ang sakit sa kanyang ulo. Pero minsan sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay nagreresulta ito sa kanyang pagkacoma.

Dalawang beses pa lamang nacocoma si Luo Feng sa buong buhay niya.

Noong 8 years old pa lang si Luo Feng ay naaksidente ang kanyang nakababatang kapatid na nagresulta sa pagkabaldado nito.Matapos nito ay nagkaroon siya ng matinding pananakit ng ulo dahil sa kanyang kalungkutan. Gayundin ang pagbilis ng kanyang heart beat at sa sobrang bilis nito na halos maramdaman na niya na nagreresulta pagkacoma niya.

Isa pang pangyayari na kung saan siya ay nacoma ay noon 12 years old pa lamang siya at ang kanyang ina ay naospital. Sa takot na mawala ang mama niya sa kanila ay agad itong nagpanic na nagresulta sa napakatinding pananakit ng ulo at pagbilis ng kanyang heart beat na nagresulta rin sa kanyang pagkacoma.

Matapos ang dalawang coma ay regular na siyang dinadala ng kanyang pamilya sa hospital para mapacheck up. Pero walang ni isang sakit ang nakita sa kanyo. Kahit na sa kanyang edad, gaano pa man kaadvance ang panahon na kanilang ginagalawan ay isa paring malaking misteryo ang utak ng tao sa larangan ng medisina.

Gayunman, ang dalawang coma na naexperience ko ay nakatulong ng higit sa pagpapalakas ko sa katawan ko. At lumakas nga ang aking katawan ng ilang ulit" Giit ni Luo Feng, "Noong 8 years old at 12 years old ako matapos kong magising sa aking pagkakacoma ay nagimprove ng husto ang aking strength, speed at reaction time. Dahit dito ay hindi na ako nahirapan pa sa pagsusulit upang makamit ang titulo ng Intermediate. Salamat sa aking mga genes at nakamit ko ang 'Elite' title noong ako ay 17 years old pa lamang."

"Kung macocoma ako ulit ay nakasisiguro akong lalakas pa ako ng todo todo!"

Ang coma ay isa talagang sintomas na kung saan pinoprotektahan ng katawan ang kanyang sarili kaya hindi naman siguro ito masamang bagay kung susubukan ko ulit.

"Sasakit ang aking ulo hanggang sa limit nito at bibilis ang aking heartbeat hanggang marating din nito ang kanyang limit"

Ibinaba ni Luo Feng ang kanyang ulo at tiningnan ang kanyang wrist watch. Ang relong ito ay may 'Pulse meter' function.

"Kahit na tumakbo ako na parang isang baliw ay hindi parin ito sapat dahil hindi ito lumalagpas sa 120 times sa isang minuto" sabi ni Luo Feng habang nakatingin sa kanyang wrist watch, "Maganda siguro kung marating ko lang ang rate na 200 times sa isang minuto" Kailangan ko ng isang napakatinding sakit sa aking ulo at napakabilis na heartbeat para macoma.

Gayunman----

Kahit na gaano niya ibabad ang sarili niya sa kaeexercise ay hindi niya pa rin mapataas ang kanyang heartbeat rate sa rate na kinakailangan para siya ay macoma.

※※※※※※

Sa loob ng trainig hall, ang may peklat sa mukha na si Yang Wo ay tumayo sa harap ng 'Fist Strength Tester' machine. At kahit na hindi ito gaanong seryoso, noong sinimulan na niyang suntukin ang tester ng ilang ulit gamit ang kanyang parehong kamao, isang nakabibinging [PENG!] [PENG!] [PENG!] ang maririnig sa machine. At pagkatapos nito, ilang numero ang makikitang nakadisplay sa screen.---- "956kg, 912kg, 936kg, 981kg….."

Ilang dosenang suntok ang pinakawalan ni Yang Wu sa isang hingahan lang bago ito tumigil.

Ang nanonood rito na si Luo Feng naman ay wala ng ibang magawa kundi ang mamangha. Ang kanyang buong lakas ay umaabot lamang sa 809kg, pero ang kapatid na Yang ay kayang magpakawala ng maraming suntok na nagtataglay ng sobrang lakas na power. Sa lahat ng iyon para lamang makapasa sa 700kg mark ay sobra sobra na.

"Napakaigi siguro kung kasing lakas lang ng mga random mong suntok ang isa sa mga full-power punches ko Kapatid na Yang" patawang sinabi ni Luo Feng.

"Ikaw," sabi ni Yang Wu habang naglalakad ito papunta kay Luo Feng at tumatawa habang pabirong sinusuntok niya ito sa mga balikat nito, "mag 19 ka pa lang ngayong taon at 18 ka pa lang ngayon. Ako noong 18 palang ako, isa lang akong intermediate member. Siguro base sa rate ng pagiimprove mo ay masasabi ko na makukuha mo ang body fitness level ng isang 'Fighter' sa loob lang ng dalawang taon. Heh! Isang 20 year old fighter, talagang kainggit inggit."

Tumawa si Luo Feng.

Ang dojo na to ay nagrerecruit lamang ng mga estudyanteng may edad na 16 hanggang 30 years old dahil ito ang period kung saan mabilis na lumalaki at lumalakas ang isang tao. Ibig sabihin, ang isang tao ay kayang makapasok sa rankings ng mas mabilis at magreresulta sa mas malakas na strength sa hinaharap. Nakamit ni Luo Feng ang titulo ng 'Elite' sa edad na 17 na kinahahangaan ng karamihan.

"Oh Crazy meron ka pang high school exams hindi ba? Anong gagawin mo pagtapos noon?" Patawang sinabi ni Yang Wu,

"Kailangan ko maghanda para sa pagpasok ko sa military academy" Sabi ni Luo Feng bago maglabas ng isang maikling pagtawa, "Ang isang average na tao ay magiging basic level officer sa isang normal na army. Pero kaya ko sigurong makapasok sa Special Forces pagtapos ng graduation nang walang kaproble problema."

"Oh"

Nakinig si Yang Wu habang nakanguso ito. "Maganda sana ang pagpasok sa isang military academy pero… sa tingin ko limitadong limitado ang Kalayaan mo doon. Pagtapos mo gumraduate sa academy at makapasok sa special forces ay kailangan mong sumunod sa lahat ng ulos na ibigay nila sayo. Hindi ko kayang ihandle yan. Mas ok pa sakin maging isang Free Fighter."

"Ang pagiging isang Free Fighter ay isang magandang idea" tugon ni Luo Feng habang ito ay tumatango, "Pero hindi ko naman gustong mag alala sa aking ang mga pamilya ko. Kaya mas safe na sakin na magenroll at gumraduate ako sa isang military academy at pagkatapos ay sumali sa army kaysa maging isang free figher."

May apat na path sa pagiging fighter na puwede nilang pagpilian.

Ang unang path ay ang pagsali sa army at pagiging parte nito. Mas ligtas dito dahil hindi hahayaan ng kanilang bansa na basta basta na lamang magtake ng risk ang kanilang mga fighter. Bibigyan din ng napakaraming benepisyo ng kanilang bansa ang fighter kaya walang pagsisisihan ang fighter sa kanyang naging desisyon.

Ang pangalawang path ay ang pagsali sa dojo. Mas malawak ang restrictions sa dojo at mas malalayo kayo sa kumunidad. Pero dahil ang 'Dojo of Limits' ay itinayo ng pinakamalakas na tao sa buong mundo na si 'Hong' ay mayroon din mangilan ngilang benepisyo ng pagiging fighter sa dojo na iyon. At dahil na hindi naman ganoon kastrikto ang administrasyon ay magkakaroon ka ng kaunti pang kalayaan sa mga nais mong gawin.

Ang ikatlong path ay ang pagsali sa isang malaking negosyo, iilang pamilya o isang major political power at maging isang masamang-loob.

At ang ika apat na path ay ang pagsali sa mercenary corps na maglalagay sa iyong buhay sa panganib sa lahat ng oras. Pero ito ang nagbibigay ng higit na kalayaan kaysa sa mga naunang mga paths.

TL note: Ang isang free fighter ay hindi nagpepertain sa kanit anong path.

"Ang pagsali sa army ay napaka safe. Pero ayoko namang mabuhay sa araw araw ng wala ang akong kalayaan" sabi ni Yang Wu habang ito ay tumatango, "Sa tingin ko ay maipapasa ko ang 'Prospective Fighter' exam ngayong taon. At pagkatapos ko itong ipasa ay agad akong magsisign up para sa 'Fighter Combat' exam at magpupursgi ng maigi para maging isang fighter."

Kumislap ang mga mata ni Luo Feng at sinabing "Kapatid na Yang, confident na ikaw sa iyong sarili na maipapasa mo ang prospective fighter exam?"

"Haha" tawa ni Yang Wu, "Nakamit ko na ang required level ng strength at reaction time matagal na panahon na ang lumipas. Ang weak point ko nga lang ay ang speed. Pero kung pagbubutihin ko ay maaari kong mareach ang 25m/s. magtetraining ako ng maigi sa loob ng ilang araw at siguradong maipapasa ko ang exam na iyon sa oras na itake ko iyon."

"Congratulations kapatid na Yang." Masayang bati ni Luo Feng sa kapatid na Yang dahil sa pagisiskap nito para maging isang fighter sa nakalipas na ilang taon. "Kapatid na Yang, ano na ang balak mong gawin pagtapos mong maging fighter?"

"Siyempre ay sasali ako sa Dojo of Limits" Patawang sinabi ng kapatid na Yang, "Hindi maayos ang sistema ng Dojo of Limits na nakakalat sa ibat ibang sulok ng mundo. Maraming nakaraang fighter ang nagimprove ng kanilang mga sarili sa mga dojo na ito. At kung kailangan ko rin ng pahinga ay puwede akong lumabas at pumatay ng mga halimaw. Medyo may kaunting kalayaan kung ako na ang tatanungin mo."

At tumango si Luo Feng.

"Crazy" tawag ni Yang Wu habang ito ay nakatingin kay Luo Feng, "may pagkabaliw ka sa loob mo. Nakasisiguro ako na babagay sa path ng pagiging isang free fighter. Sumali ka sa isang dojo. At gaano magiging kalaya doon? Tutulungan tayo ng Dojo of Limits na maging higit pa."

"Ako ay…." Pagaalangang sagot ni Luo Feng.

Nakita ni Yang Wu kung ano ang talagang nangyayari kaya iniling nito ang kanyang ulo at tumawa, "Ang mga free fighters ay nagtetrain sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang mga buhay sa bingit ng kamatayan. Sila ay nakikipaglaban para sila ay mabuhay. Talagang napakadelikado noon! Pero dahil patuloy kang nakikipaglaban para mabuhay ay napapabilis din nito ang pagpapalakas mo! Kahit saan ka tumingin, ang lahat ng mga pinakamalalakas ay nabibilang sa free fighters."

※※※※※※

Noong gumabi na, makikitang kumikinang ang mga ilaw sa kalsada.

Iniisip ni Luo Feng at iniintindi niya ang naging usapan nil ani Yang Wu habang siya ay naglalakad magisa papalabas ng Dojo of Limits.

"May dalawang path na naaangkop sakin" Isip ni Luo Feng sa kanyang sarili, "Isa rito ay ang pageenroll at gumaraduate sa military academy at pagkatapos ay sumali sa special forces. Ang pangalawa naman ay maging isang kilalang fighter ng Dojo of Limits at malayang pumatay ng mga halimaw."

"Ang pinaka safe sa dalawang path na ito ay ang pagpasok ko sa army. Bukod sa pagiging ligtas ay higit nitong mabebenepisyuhan ang pamilya ko. At kahit na mamatay ako ay pangangalagaan ng bayan ang mga mahal ko sa buhay."

"Ang pagiging isang free fighter naman at mamuhay sa bingit ng kamatayan ay mabilis na makakapagpalakas sa akin. Puwede kong ipagpalit ang mga halimaw na aking napapatay sa malaking halaga ng pera. Pero sadyang delikado ang path na ito. Mabilis na pagpapalakas, mabilis na kita, libre at ang kaisa isahang risk lang dito ay ang iyong kaligtasan." Isip ni Luo Feng. Sa totoo lang ay nagiisip na siya mula noong magsimula siya ng kanyang senior year sa high school.

"May dalawang anak ang mga magulang ko at ang aking nakababatang kapatid ay may kapansanan. Kung magiging free fighter ako at mamatay sa ginta ng laban ay paano na makakasurvive ang mga magulang ko?"

Kailangan ni Luo Hua ng magaalaga sa kanyang sarili.

Matanda na sila mama at papa. Kung mamamatay ako ano na ang mangyayari sa kanila?

"Sa tingin ko ay mag eenroll na lang talaga ako sa military academy."

"Matapos kong sumali sa special forces ay maaari kong matutuan ang 'Militaristic Martial Arts' na binubuo ng pinagsamang 'Ultimate Martial Arts' galing sa Dojo of Limits na makapagpapalakas sa aking strength. Puwede ko rin itrain ang sarili ko sa army! At kung mamatay man ako ay mamamatay ako bilang isang fighter, kaya bibigyan ng aming bansa ang aking mga magulang ng pensyon buwan buwan." Matapos maisip ni Luo Feng ang kanyang mga magulang ay nagdesisyon na siyang piliin ang military academy.

Pero…..

Hindi lahat ay kayang makapasok sa military academy. Kailangan mameet ng grades mo ang standard kaya nakadepende ang lahat ng ito sa darating na exam sa Hunyo.