Chereads / Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 7 - Ang Resulta ng Pagsusulit!

Chapter 7 - Ang Resulta ng Pagsusulit!

[DING! DING! DING.....] Mabilis na tunog ng bell sa loob ng 1st high school ng Zhi-An region. Nang marinig ito ng mga magulang na nasa labas ng eskwelahan, na ang iba ay nasa damuhan at ang iba ay nakaupo sa kalsada, agad na nagsitayuan ang mga ito

Nagsialisan na rin ang mga estudyangteng maingay na naguusap usap palabas ng testing center.

Ang high school exam ng Jiang-Nan city sa taong 2056 ay opisyal nang nagtapos.

Wala nang gagawin ang mga estudyanteng nagexam kundi maghintay ng resulta.

"Hao Bai" nakangiting tawag ng isang kalbong lalaki na may edad na nasa 30s hanggang 40s sa kanyang anak habang nakatayo ito sa harap ng gate ng paaralan.

"Papa" tugon naman ng anak nitong si Zhang Hao Bai habang tumatawa itong lumalapit sa kanyang ama.

"Kumusta naman ang exam mo anak?" tanong ng middle aged na lalaki habang tumatawa ito.

Napakamot na lamang ng ulo niya si Zhang Hao Bai at nanghihinang sinabi na "Hindi ko po nailabas ang mga kakayahang natutunan ko, sadyang napakahirap po talaga ng mga tanong sa exam po namin kanina sa math. Binuo po ito ng multiple choice, fill in the blanks, at limang calculation problems. Mayroon po akong naencounter na napakaraming mahihirap na mga tanong sa bawat isang bahagi po nito lalo na sa calculation problems…. Dalawa lang po ang nakayanan kong masagutan sa limang tanong na iyon na may katumbas na 160 points. Hindi ko man nasagutan, sinubukan ko pa rin po itong isolve, magkakaroon naman po ako siguro ng kahit kaunting puntos para po sa effort na ginawa ko"

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ng ama ni Zhang Hao Bai, sumimangot ito at sinabing "Mukhang magiging medyo mababa ang magiging grade mo sa math anak."

"Hindi naman po iyon siguro magiging problema pa. Lahat po kami ay nahirapan sa exam na iyon bukod sakin" tumatawang sagot ni Zhang Hao Bai "Hinirapan din po nila ang lahat ng tanong sa math kung kaya ay magiging mababa po panigurado ang magiging passing score sa bahaging ito ng pagsusulit. Makakapasok pa rin po ako sa military academy ng walang problema"

"Oo nga anak"

Tumawa naman si Zhang Ze Long "Alam mo ba anak na bago pa man matapos ang exam niyo, ang hinimatay daw ang kilalang si 'Luo Feng' sa exam hall isang oras bago matapos ang exam ninyo."

"Nahimatay sa exam hall?" Gulat na gulat na tanong ni Zhang Hao Bai habang nanlalaki ang mga mata nito "Si Luo Feng po ba talaga ang tinutukoy niyo pa?"

"Oo anak, isinakay siya sa ambulansya kanina at isinugod sa ospital. Maraming nakakita ng pangyayarig iyon kanina." Sabi ni Zhang Ze Long habang umiiling "Makinig ka sa usapan ng mga kasama natin dito ngayon, maririnig mo agad ang tungkol dun galing sa mga magulang na nakikipagusap sa kanilang mga anak"

"Nahimatay talaga si Luo Feng?"

Nagmasid masid naman si Zhang Hao Bai at nakinig sa mga naguusap sa paligid niya. Mayroon ngang mga pamilya na naguusap tungkol sa isang estudyanteng nawalan ng malay habang nasa kalagitnaan ng exam. Narinig niya rin na ang batang ito ay walang iba kundi si 'Luo Feng'.

"Hahaha, may mga malas na araw parin pala yung walang kwentang hampaslupang iyon. Haha" matawa tawang sabi ni Zhang Hao Bai habang hindi na nito mapigilan ang kanyang tawa.

"Pa, hindi ko pa siguro naikukwento to sa inyo, lagi akong ginugulo ng hampaslupang yan sa school" nagngangalit na Zhang Hao Bai "Mas malakas siya at mas magaling siya kaysa sa akin. May mga araw talagang mamalasin at mamalasin din ang isang tao lalo na sa mga kagaya niya" Tuwang tuwa na sinabi ni Zhang Hao Bai dahil sa tindi ng galit na nararamdaman nito kay Luo Feng.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ginugulo ni Luo Feng si Zhang Hao Bai, talaga lang na isang kalaban ang turing nito sa kanya. Apektadong apektado ito ng husto sa mga matataas na nakukuhang grades ni Luo Feng, higit na mas mataas kaysa sa kanya.

"Hahahaha! Hindi pa siguro namumulat ang mga mata ng batang iyon sa tunay na mundo kaya hindi niya kinaya ang sobra sobrang psychological pressure. Hindi na niya kinaya ng tuluyan kanina kaya siya nawalan ng malay. Huwag mo siyang pansinin anak at magpatuloy ka sa iyong sarili, alam ng tiyuhin mo nga ngayong araw magtatapos ang exam mo kaya naghanda siya ng isang salo salo dahil lang sa iyo. Halika na" sabi ni Zhang Ze Long habang tumatawa siya.

"Tiyo?" tawag ni Zhang Hao Bai, at kumislap ang mga mata nito.

Ang tanging rason kung bakit nagkaroon ng masaganang buhay ang pamilya Zhang sa Zhi-An region ay ang kaniyang tiyuhin. Ito ay dahil…..

Isa itong Fighter!

※※※※※※

"Hindi maaari! Hindi ito nangyayari!"

Natatarantang sabi ni Wei Wen na kagagaling lamang sa exam hall sa harap ng kanyang mga magulang "Paanong nawalan ng malay si Feng sa exam hall? Dahil ba ito sa sobrang nerbiyos niya? Imposible! Kahit na ang mga guro naming sa Dojo of Limits ay humahanga sa tatag ng isipan ni Feng!"

Totoong magkapatid ang turingan nina Wei Wen at Luo Feng kahit na hindi ito magkadugo.

"Nakita namin ng buong buo ang mga nangyari anak, kaya hinding hindi kami puwedeng magkamali na si Feng iyon. At sa sobrang taranta ng kaniyang may kapansanang kapatid at ng kanyang tatay ay agad itong sumunod sa ospital" dagdag ng tatay ni Wei Wen.

"Ospital? Sigurado akong dinala nila si Feng sa pinakamalapit na ospital. Ma, Pa, aalis po muna ako para puntahan si Luo Feng sa hospital. Doon na rin po ako magtatanghalian."

Agad na inabot ni Wei Wen ang mga gamit niya para sa exam kanina sa mga magulang niya at dali daling tumakbo papunta sa pinakamalapit na ospital.

...

Sa loob ng people's hospital ng Zhi-An region.

Pilit na ngumiti si Luo Feng habang naglalakad siya papalabas sa main gate ng ospital kasama ng kanyang tatay at kapatid. Nagaalala sila na baka hindi kayanin ni Luo Feng ang mararamdaman nitong pagkagulat kapag nakita na nito ang resulta ng kanyang exams.

"Ok lang po ako pa. Tara na po pauwi para makakain" kalmadong sinabi ni Luo Feng. Punong puno parin ng pagsisisi ang puso nito. Pero alam niyang wala na siyang magagawa para baguhin pa ang mga nangyari at wala nang ibang paraan kundi ang tanggapin ito!

"Feng! Feng!" malakas na tawag ng boses na nanggagaling sa malayong lugar.

Lumingon si Luo Feng sa pinangagalingan nito nang maaninag niya ang isang maliit na aninong nasa malayo ang mabilis na papalapit sa kanila. Ito ay walang iba kundi ang kanyang kapa kapatid na si 'Wei Wen'.

Nagulat si Luo Feng nang makita niya ang mabilis na tumatakbong si Wei Wen. Sa sobrang pagmamadali niyang tumakbo ay kaya nang mapigaan ng damit ito sa sobrang basa sa pawis. "Gaano kahirap ang tatlong huling tanong sa calculaton problems sa exam natin kanina Wen?" Hindi nasagutan ni Feng ang tatlong huling tanong sa calculation problems. Kaya kung marami ang nahirapan din dito ay…

May pag asa pa ang score ng naputol niyang exam kanina.

"Napakahirap" tumatanong sagot ni Wei Wen, "Sa limang tanong na iyon, ang pangatlo lang ang medyo madali. Ang natira namang apat ay talagang napakahihirap"

"Phew" buntong hiningang sabi ni Feng.

Mayroon pa siyang natitirang pagasa….

※※※※※※

Alas otso ng gabi noong June 16 ay puwede nang makita ang resulta ng exam gamit ang kanilang cellphone o hindi kaya ang internet. Kasama rin ang *dividing line sa lalabas kasabay ng mga score.

Alas siyete ng gabi, June 16

Mag isa lamang si Luo Feng noon sa kanilang kuwarto ng kanyang kapatid na si Luo Hua sa kanilang bahay. Nakaupo siya sa harapan ng kanyang laptop at paulit ulit na nirerefresh ang webpage kung saan lalabas ang resulta ng exam. Alas otso ng gabi lalabas ang mga resulta, pero kadalasan ay nilalabas na nila ito ng mas maaga.

"Natatakot ako na baka hindi ako makapasok sa nangungunang military academy sa Jiang-Nan"

"Pero natapos ko naman ng buo ang multiple choice at fill in the blank. Gayundin ang unang dalawang tanong sa calculation section ng exam ko sa mathematics. At kahit hindi ko man nasagutan ng tuluyan yung pangalawang tanong, nagawa ko namang isolve ito ng kahit papaano kaya makakatanggap pa rin ako ng puntos para rito.

Umaasang sinabi ni Luo Feng na "Nasagutan ko naman ng tama ang exam ko sa liberal arts at sa science. At kung papalarin man ako, puwede akong maging isang bachelor"

"At kung maaabot ko lang ang dividing line ay puwede akong makapasok kahit sa ikalawa sa mga nangungunang military academy"

Sa dalawang pinagpipilian niyang mga military academy, ang nangunguna sa mga ito ang talagang maganda kaysa sa mga natira. Pero kinakailangan niya munang makakuha ng napakaaas na score para makapasok dito, dahil diyan ay nawalan na siya ng pag asa na makakapasok pa siya rito.

Pero, mayroon pa siyang kaunting pagasa na makakapasok siya sa ikalawa sa mga nangungunang military academy.

"Hm?" Sabi ni Luo Feng. At biglang kumislap ang mga mata nito.

May bagong mga nakalagay sa webpage kung saan makikita ang naging score ko sa exam matapos ko itong irefresh.

"Tulungan niyo po ako Diyos ko na makapasa sa dividing line. Kapag napasa ko ito ay puwede na akong pumasok kahit sa ikalawa sa mga nangungunang military academy" kinakabahang at nagaalalang sabi ni Luo Feng sa kanyang sarili. At matapos nito ay itinype na niya ang kanyang pangalan, ID at examination certificate. At pagkatapos ay pinindot na niya ang "search" button sa webpage.

Search!

Saglit na nagflash ang webpage bago magpakita ng isang form na may nakalagay na.

Student: Luo Feng

Sex: Male

ID: 426123203806083211

Examination Certificate: 5878643567890766

Liberal Arts: 216

Science: 223

Mathematics: 118

Total: 557

Dividing Line: 561

*Paalala ng TL sa mga mambabasa: Kung hindi niyo makakalimutan, ang dividing line na tinutukoy dito ay ang range ng mga scores kung saan naghihiwalay ang mga bachelor at ang mga specialist. At para makapasok sa ikalawa sa mga nangungunang military academy ay kinakailangan niyang maabot ang average ng na pumapasok sa titulong 'bachelor' (dividing line).