Sa ibabaw ng isang tuyong kalupaan:
Swish!
Sa isang pagsabog ng mga Spacetime ripples, lumabas si Zhao Feng mula sa Spacetime Robe.
"Pwede na tayong umalis ngayon." Tumingin si Zhao Feng mula sa isang distansya, may tingin ng pagkagulat sa kanyang mukha.
Sa lugar na ito, siya lamang ang may kakayahan na obserbahan ang pangkat ng Ancient Soul Hall at kung ano nga ba ang sitwasyon ng Tree of Time.
Bzzzz!
Sa isang kumpas ng kamay, nagpadala siya ng isang alon ng Spacetime energy sa kanyang palibot. Ang mga miyembro ng Giant God Race ay agad na tinapos ang kanilang cultivation at lumabas na sa kanilang mga lungga.
Tumingin silang lahat kay Zhao Feng. Ang enerhiya ni Zhao Feng sa pagkakataong ito ay lalo pang naging mas makapangyarihan at malalim. Higit sa kalahati ng matinding Time suppression ang naglaho nang lumapit ito sa katawan ni Zhao Feng. Habang nakatayo, si Zhao Feng ay nagmukhang kalmado lamang at malaya.