"Ang pusang ito? Paano niya nagawang…?" Nanlaki ang mga mata ng mga God Eye descendants na nagsisugod patungo sa munting pusang magnanakaw.
Malinaw na tinamaan ng eye-bloodline technique ni Lin Chengwu ang munting pusang magnanakaw, subalit hindi man lamang ito nagasgasan. Dagdag pa rito, mukhang wala namang supreme physical defense ang munting pusang magnanakaw, at mukhang hindi rin ito gumamit ng profound movement technique upang iwasan ang atake; basta na lamang tumagos ang eye-bloodline technique sa katawan nito.
"Hindi ba nahahawakan ang katawan ng magnanakaw na pusa na iyon?" Bulong ng dalaga sa kaniyang pagkagulat.
Nagdilim ang ekspresyon ng matandang naka-asul na roba tila ba may napansin siyang kakaiba.
"Hindi, mayroong napakataas na Space Intent level ang magnanakaw na pusang ito!" Taimtim na tinitigan ni Lin Chengwu ang munting pusang magnanakaw.