"Walong tao na ang nandito, kaya magsimula na tayo. Magbubunutan na ngayon upang malaman kung sino ang makakapares niyo," anunsyo ng referee pagdating nito sa competition ground.
Bumunot na ang walo. Numero uno ang nabunot ni Zhao Feng.
"Isa laban sa dalawa, tatlo sa apat, at kung ano pa," sabi ng referee habang tinuturo ang apat na courts.
Sa oras na matapos siyang magsalita, pumunta na agad ang Ancient God Departed Spirit sa unang court at tahimik na nagsalita.
"Tapos na ako! Ang Ancient God Departed Spirit!" Mukhang parang natamaan ng kidlat ang isang malaking lalaking may ulo ng dragon, ngunit umakyat pa rin siya sa court. Kahit ano pang numero ang nabunot niya, dahil nandito na ang Ancient God Departed Spirit, wala pa rin siyang tsansang manalo. Ang tanging bagay na lamang na may halaga ay kung gaano siya kaaga matatalo.
May kaparehas na madilim na ngiti ang mga taong nasa ibang mga courts.