Makalipas ang kalahating buwan, dumating na si Zhao Feng sa lugar na binanggit ni Xiahou Wu, ito ay matatagpuan sa loob ng isang ordinaryong four-and-a-half-star faction.
"Pitong mga tao." Napansin ng kaliwang mata ni Zhao Feng, na sa loob ng isang bahagi ng four-and-a-half-star faction na ito, ay mayroong pitong God Eye descendants.
Ang taong may pinakamababang cultivation sa grupo ng pitong mga taong to ay isang Rank Five True God samantalang ang pinakamalakas na tao naman ay isang elder at ang kaniyang balat ay mayroong berdeng mga tuldok. Bukod kay Xiahou Wu, wala nang iba pang kilala si Zhao Feng dito.
Sa cultivation na mayroon si Zhao Feng, madali lamang siyang nakapasok sa isang four-and-a-half-star faction.
"Sa wakas nandito ka na!" Bago pa man makapasok si Zhao Feng sa bulwagan, siya ay sinalubong na ng isang iritableng boses.
Pumasok na si Zhao Feng at ngumiti bilang senyales ng paghing niya ng kapatawaran.