"Ang ginintuang mata! Hindi kaya…?" Ang mga mata ni Quasi-God Kong Yuan ay napunta sa isang matingkad na ginintuang mata na tila ba may inaalala.
Kahit matagal na niyang napansin ang ginintuang mata at ginintuang buhok ni Zhao Feng, ang Ancient Desolate Realm of Gods ay isang tahanan sa mga taong iba't iba ang kulay ng balat, buhok at mata. Sa kadahilanang ito, hindi akalain ni Quasi-God Kong Yuan na ang ginintuang Eye of Heaven na kinalaban niya ay kontrolado pala ni Zhao Feng. Matapos ang lahat, si Zhao Feng ay masyadong mahina at walang kwenta sa kanyang mga mata.
Tanging ngayon, nang magpakita ng kakaibang lebel ng kapangyarihan ang kaliwang mata ni Zhao Feng, saka lamang niya ipinagtaka kung si Zhao Feng ang may-ari ng Eye of Heaven na tumalo sa kanya.
"Agad na nakapatay ng apat na tao!" Ang ekspresyon ng isang Rank Four True God ay namilipit sa gulat.