"Ganoon pala iyon!"
Ginamit ni Zhao Feng ang transparency ability ng kaliwa niyang mata para pagmasidan ang sitwasyon sa ilalim ng lupa, at agad rin siyang nakakuha na rin ng impormasyon.
Nahati sa napakaraming grupo ang mga eksperto sa underground sa kani-kanilang mga pwersa. Ilan sa mga pwersa nila ay kumukuha rin ng iba pang mga eksperto; ilan sa mga normal na maagang yugto at pangunahing yugtong Sacred lords ay hindi sinusubukan doong pumunta nang mag-isa nang walang kasamang pwersa o clan para may kasamang proteksyon. Kasabay pa nito na may mga pwersag may kukuha rin ng mga eksperto para lang mapalaki nila ang kanilang buong lakas para sa proteksyon para masiguradong mas makakakuha pa sila ng kung ano pang nasa ilalim ng lupa.
May mga eksperto ring mga nag-iisa lang at nasa mga maliliit na mga grupo. Tulad nito ay sina Zhao Feng, Nan Gongsheng, at Zhao Yufei na nagsama-sama lang nito.