"Ano 'yon!?" Sigaw ni Zhao Feng sa gulat matapos makita ang tanawin sa harap niya.
Nahati ang kalupaan sa harap niya, at naging bangin itong may habang ilang milya. May lumabas na puting divine light dito na bumabalot sa lahat ng nasa loob ng ilang dosenang libong milya.
Lahat ng nasilayan ng forbidden divine light na ito ay naging kawalan. Sobrang layo na ni Zhao Feng sa divine aura na ito, pero hindi pa rin makayanan ng katawan niya ang aura ng divine light na ito.
"Xin Wuheng?" agad na naisip ni Zhao Feng si Xin Wuheng. Base sa nakita niya, si Xin Wuheng ang may kagagawan nito. Kaya lamang, paano nagawang mabuhay ni Xin Wuheng kung siya ang nasa pinakagitna ng divine light?
Weng!
Isang malabong gintong liwanag ang bumalot sa kaliwang mata ni Zhao Feng habang gumalaw ang tingin niya sa bangin na siyang nahahati ng divine light.