"Qinyin?"
Nanigas si Zhao Feng. Ang munting pusang magnanakaw ay biglang lumitaw sa balikat ni Zhao Feng at naghagis ng ilang lumang barya sa hangin, ngunit umiling ito matapos makita ng resulta.
"Anong mayroon?" Ramdam ni Liu Qinyin na importante kay Zhao Feng ang mga salitang iyon.
"Wala, naramdaman ko lang na bagay sa'yo iyon." Ngumiti si Zhao Feng at mabilis na sumagot.
Ang munting pusang magnanakaw ay may sinubukang alamin ngunit sinabi nito na wala pang konklusyon. Kung ng babae sa harap nila ay may kinalaman ba kay Liu Qinxin, malalaman iyon ng munting pusang magnanakaw.
"Woah! Nakakatuwang pusa!" May pagmamahal na tumingin si Liu Qinyin sa munting pusang magnanakaw.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay agad na nilunok ang mga barya at umikot sa balikat ni Zhao Feng at nagpose matapos marinig ang sinabi ni Liu Qinyin.
"Hahaha!"
Ang ginawa ng munting pusang magnanakaw ay agad na nagpatawa kay Liu Qinyin.