Ang puso ng ilang dosenang mga tao sa wirdong ibon at nanlamig kasabay nang maramdaman nila ang katakot-takot na aura mula sa Ghost Dao at pinadaloy nila ang kanilang True Yuan upang makadepensa laban dito.
Ilang mga Sovereigns at half-step King ang ginawa ang lahat upang mapigilan ang pagsabog ng masamang kapangyarihang ito, ngunit sa ilang sandali lamang ay namutla na ang kanilang katawan, at ang kanilang lamang-loob ay naglaho hanggang sa lumitaw ang unang kalansay.
"Sacred Lord… Sacred Lord, huwag mo kaming patayin!" Agad na lumuhod ang kanilang pinuno at nagmaka-awa.
"Sacred Lord, kailan ka ba namin sinaktan?"
Ang ibang mga Emperors at Hari ay lumuhod din upang magmaka-awa.
Ang iba ay pribadong nag-usap upang alamin ang mga bagay na nagawa nila sa Sacred Lord upang gawin sa kanila ito.
Sumigaw ang ibon na may pakpak ng dragon sa baba noong magsimulang maglaho ang lifeforce nito.