Ang elder na mayroong itim at pulang roba at ang lalaking nakagintong kalasag ay parehas na sumugod mula sa Ocean smoke Pavilion. Kasabay nito, ilang dosenang mga iba pang anyo ang tumalon mula sa ibang mga lugar sa Ocean Smoke Pavilion.
"Zhao Feng!" Ang anyo ni Old Monster Xu ay bahagyang nanginig, at dali-dali siyang tumayo.
"Grand Elder!" Ang mga mata ni Zhan Jie'er ay puno ng paghanga.
Ang ibang mga miyembro ng Ocean Smoke Pavilion ay lahat tumingin sa ere na mayroon ding kagalakan. Para sakanila, hangga't magbabalik si Zhao Feng, matatapos ang bangungot na ito.
"Master, iligtas mo muna sina Old Monster Xu at ang Supreme Emperor Dark Night!" Nakipagusap si Bi Qingyue kay Zhao Feng sa pamamagitan ng Dark Heart Seal.
Sila ay parehas na nalason at kailangan nilang gumaling sa lalong madaling panahon.
Tumingin si Zhao Feng sa mga miyembro ng Ocean Smoke Pavilion na nakulong sa loob ng isang array na mayroong pangit na ekspresyon.