"Ipapakita ng atakeng ito ang totoo mong mukha."
Ito ang pinakamalakas na atakeng pinakawalan ni Zhao Feng. Naglalaman ito ng Fire of Wind Lightning, Sacred Ligthning Body, Blood Devil Sund bloodline, Blood Devil Charge, Lightning Wings Spatial Flash at iba't iba pang mga techniques.
Whoosh!
Sa sandaling ito, si Zhao Feng ay naging isang nagliliyab na kislap ng kidlat at bumaba sa harapan ng taong nakaitim na orba. Ang kanyang kahindik-hindik na pisikal na puwersa ay hindi pinansin ang mga batas at Intents ng Death Force Field ng taong nakaitim na roba kasabay ng kanyang pagsuntok.
"Zhao Feng, sumuko ka na ba sa God Eye at pinili ang pampalakas ng katawan matapos mong muling mag-cultivate?" Nanlalamig na tumawa ang taong nakaitim na roba at nagsalita sa kakila-kilabot na boses nang ilang sentimetro na lamang ang layo ng kamao ni Zhao Feng mula sa kanyang katawan.