Ang tatlong grupo ay binubuo ng sampung katao sa kabuuan, at ang lahat ay tahimik na tumayo sa harap ng green bronze pillar.
"Mayroon bang isa sa inyo na may espesyalisasyon sa arrays o kaya sa Heaven's Legacy secret techniques?" Tanong ng elder na may balbas habang nagpakita siya ng isang nahihiyang ngiti.
Ibinaba ng lahat ang kanilang mga ulo at hindi nagsalita. Halata namang walang kahit sino sa kanila ang may alam.
Ang iilang mga inheritances sa Imperial Tombs ay nangangailangan ng array o kaya mechanisms masters para magawan ito ng paraan, pero sa dulo ng araw, ang numero ay napakaliit lamang. Bukod pa roon, kahit may tao pa silang pamilyar sa arrays, ang array na ito ay hindi agay ng mga arrays sa ibang inheritance. Kakaunti lamang ang tao sa Imperial Tombs na kayang resolbahan ang array na ito.
"Pwede ba tayong magtulungan para masira ito?" Isang Quasi-Sacred Lord mula sa grupo ng elder na may balbas ang bumulong.