Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 757 - Ang Pagkakakilanlan ng isang King

Chapter 757 - Ang Pagkakakilanlan ng isang King

"Zhuang Wan'er."Ang napakagandang babae ay isa sa mga Core disciple ng Moon Demon Palace na siyang dating nasa Purple Saint Ruins, at kapantay niya rin si Ye Yanyu ng Pure Moon Spiritual Sect. Pagtapos ng ilang taon ay nakaabot na siya ng Origin Core Realm, at ngayon, ay sinusundan na niya ang isang Elder mula sa sect para tulungan ang Scarlet Moon Demonic Religion.

"Hmm?" matapos marinig na tawagin ang pangalan niya, ay napahinto nang sandali si Zhuang Wan'er bago tumingin sa isang kaswal na kabataang may lilang buhok sa grupo.

Ang itsura at aura niya ay nagbago na matapos ang ilang taon, pero para bang para siyang may sakit.

"I… ikaw!" may lumabas na takot sa mukha ni Zhuang Wan'er.

Ang mukha niya ay nanggaling sa mga alaala niya sa isip niya. Noong nasa Purple Saint Ruins pa ay na-comprehend ni Zhao Feng ang Void Space Eye Slash at naging para bang Diyos ng Pagpatay. Sina Lu Tianyi, Elder Shui Yun, Grandmaster Yin Kong, at iba pang mga eksperto ay namatay dahil sa bangungot na iyon.

At ngayon, ang bangungot na iyon ay nasa harap na niya, at ngumiti pa iyon sa kaniya.

Si Zhao Feng… bakit nandito siya? Namutla bigla si Zhuang Wan'er nang nilamon siya ng takot. Sa oras na iyon ay isa lang ang nasa isip niya: Tumakbo!

Kung kaya silang talunin ni Zhao Feng nang ganoon pitong taon ang nakalipas, hindi niya na sinubukan pang hulaan kung ano pa ang inimprubahan ni Zhao Feng.

"Elder Wu, takas~~~~!" mabilis na sinabi ni Zhuang Wan'er nang lumipad siya patungo sa misteryosong matandang may pulang buwan sa kaniyang damtan.

"Hmm/ Anong nangyari?" sobrang lito ng matandang ito. Hindi niya pa nakikitang umarte ng ganito si Zhuang Wan'er.

Ang pangyayaring ito ay tumawag sa atensyon ni Elder Xue Li at ng kasama niya. Takot na ang isang Sovereign prodigy sa dalawang salita lamang?

"Hehe, gusto mo na agad tumakbo?" pang-aasar ni Zhao Feng nang lumapit siya nang kaunti paharap at agad na hinarangan ang matanda at si Zhuang Wan'er. Pinaplano na rin naman niyang pumunta sa Moon Demon Palace maya-maya; hindi niya inasahang makikita niya agad sila.

:Sino ka?" taimtim ang ekspresyon ng matanda. Bawat galaw ng kabataan sa harap niya ay nagbigay sa kaniya ng malakas na presyon. Naramdaman niya lamang ang ganito sa Grand Elder ng Moon Demon Palace dati.

Pa!

Mabagal na inabot ni Zhao Feng ang kamay niya at tsaka ibinaba ito sa balikat ni Zhuang Wan'er. Ang aura lamang ng bloodline at katawan ni Zhao Feng ay tinakpan agad ang True Yuan niya.

"Ikaw…!" namula ang mukha ni Zhuang Wan'er at may halong pula habang nanginig siya. Hindi man lang siya nagkaroon ng abilidad para lumaban pabalik. Ang batang nasa harap niya ay saktong nakapantay sa bangungot niya.

"Tigil!" ungol ng matanda nang binago ng Sovereign Lord rank aura niya ang paligid.

Nakaramdam ng 'di maipaliwanag na senssyon ang mga naglalaban sa ilalim at nahirapan di silang huminga.

"Sovereign Lord?"tinigil din nina Patriarch Hong at Elder Xue Li ang paglalaban nila.

Tuwang-tuwa si Patriarch Hong at Tiemo. Ang itsura ni Zhao Feng ay nakakatakot na agad sa isang Sovereign, at sa isang kamay lang at kaya na niyang kontrolin ang isang Sovereign. Napabago nito ang ekspresyon ng Sovereign Lord nang sobra.

Sa oras na iyon, kaharap ang Sovereign Lordm ay napangisi si Zhao Feng. Sa oras na iyon, binalot na ng Magnificent Power ang matanda.

Wah!

Dumura ng dugo ang matanda nang maramdaman niya ang True Yuan niyang mapigil, at hindi nila naisip na lumaban pa.

"Ikaw…!" punong-puno ng takot at walang paniniwala ang matanda. Mas takot pa siya kaysa kay Zhuang Wan'er.

"Ano... anong nangyayari?" ang elites ng Canopy Great Countries at ng Scarlet Moon Demonic Religion ay napatigil sa gulat. Wala nang ginawa pa si Zhao Feng kung hindi ngumisi, at umubo ng dugo ang Sovereign Lord.

Nakalimita lamang sa maliit na lugar ang Magnificent Power habang hindi niya ginagamit masyado ang marami sa kaniyang soul power. Mas gusto niyang mas gamitin ang kaniyang pure Intent. Kahit pa natamaan siya ng Cursed Words of Death,, ang comprehension niya ay hindi nawala o humina, parang ang muling nabuhay na batang Demigod lamang.

Sa pagkakaayos ng mula sa pinakamabilis at pinakamabagal, ang Cursed Words of Death ay inaapektuhan ang lifeforce, True Yuan, ang kaluluwa, at ang katawan. Isa sa pinakamabagal ay ang Emperor Intent, na siyang naka-base sa soul-power.

"Paanong ganito kalakas…?" nakadikit ang balat ni Zhuang Wan'er kay Zhao Feng, kaya nararamdaman niya ang Magnificent Power niya sa kaniya.

"Kakaiba ang batang iyon… takbo!" hindi mapakali si Elder Xue Li; kahit ang matanda mula sa Moon Demon Palace ay walang magawa kay Zhao Feng.

Whoosh!

Naging pulang guhit ng ilaw siya at nagtungo sa tubig.

"Hmph!" medyo tumingin si Zhao Feng sa direksyon ng Elder Xue Li.

Boom!

May Intent na bumagsak mula sa langit at bumagsak kay Elder Xue Li, para ba itong parusa mula sa kalangitan.

"Arghh!" sumigaw si Elder Xue Li nang mabasag ang kaluluwa niya at nalaglag ang kaniyang katawan sa kalangitian.

Plop!

Nalaglag ang bangkay ni Elder Xue Li sa kagubatan, at nanlamig ang lahat sa pangyayaring ito.

"Napatay na agad niya ang isang Sovereign sa isang isip lang," nahilo si Patriarch Hong at ang iba niyang kasama. Wala sa Azure Flower Continent ang may kayang gumawa noon, kasama na rin ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch.

"Maari nga ba…?" nagtinginan sina Patriarch Gong at Tiemo at nag-isip ng isang bagay na hindi pa nila naisip dati.

"Sir King… bobo kami at nagmamakaawa kami para sa patawad mo," nabulol ang elder habang sinubukan ni Zhuang Wan'er na hindi huminga nang malakas. Ang bangungot ngayon ay naging isa nang hindi mapantayang bangungot.

Void God Realm King. Ang existence na iyon ay kasama sa mga nasa peak kahit pa sa Cang Ocean, at lumilitaw lamang ito sa mga alamat ng Azure Flower Continent.

"King! King na si Zhao Feng!"

"Kaya pala kayang pumatay ni Zhao Feng nang isang isip lang."

Lahat ng nasa Canopy Great Country ay nagkagulo.

Nagtinginan ulit sina Patriarch Hong at Tiemo. Maliban sa gulat ay punong-puno sila ng tuwa. Kailangang malaman na wala ni isang Void God Realm King sa Azure Flower Continent; ang Iron Blood Religion ang unang nagkaroon nitp. Gaano ka nakakatuwa ito?

Hindi nila mapigilang maramdamang swerte sa pagpili nila kay Zhao Feng. Ang pagkakapanganak ng isang King ay sobra na para mapunta ang lamang sa kanila.

"King…!" nahilo si Empress Qin at naramadaman niyang para siyang nasa isang oanaginip. Hindi siya makapaniwala.

Sa kabila pa noon, lahat ng nasa Scarlet Moon Demonic Religion ay nawalan ng pag-asa. Sa ilalim ng tingin ng King, wala silang tapang para tumakbo. Si Elder Xue Li ay isang perpektong hamilbawa nito.

"Sabihin mo lang sa'kin kung may kinakailangan ka, Sir King," mapait na sabi ng elder.

Sa oras na ito, tinanggal na ni Zhao Feng ang kaniyang Magnificent Power, pero wala pa ring inisip ang matanda at ang Zhuang Wan'er.

"Magpapaiwan muna si Zhuan Wan'er habang bumabalik ka sa Moon Demon Palace, at kung hindi ka bumalik sa'kin ng may magandang eksplanasyon sa loob bg daang araw, ay papatayin ko siya at tatanggalin ko ang buong Moon Demon Palace sa Cang Ocean," sabi ni Zhao Feng sa mababang boses.

Nanginig ang puso ng matanda nang marinig niya ito, lalo na nang marinig niyang tatanggalin ni Zhao Feng ang Moon Demon Palace sa Cang Ocean. Kaharap ang malamig at desididong boses ni Zhao Feng, ang matanda ay nagkaroon ng nakakalokong pakiramdam, para bang may abilidad talaga si Zhao Feng na gawin ito.

Sa totoo lang ay bumaba na sa Void God Realm ang lakas ni Zhao Feng, pero wala masyadong hirap para sirain ang Moon Demon Palace dahil hindi mawawala ang kaniyang Intents, at ang paghina ng Emperor Intent ay sobrang bagal. Dagdag pa na inestima ni Zhao Feng na isa o dalawang buwan pa bago siya bumaba sa Void God Realm.

"Pupunta na agad ako. Sana ay hindi saktan ni Sir King si Wan'er," huminga nang malalim ang matanda. Alam niyang wala siyang abilidad para makipag-ayos sa Void God Realm King.

Whoosh!

Naging guhit ng ilaw ang matanda at nagmadali sa walang hanggang karagatan.

Maputla ang mukha ni Wan'er at punong-puno ito nang kawalan ng pag-asa. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay para sa kaniya, pero alam niyang wala na sa akniya ang kapalaran niya.

Sumuko o napaligiran na ang mga elites ng Scarlet Moon Demonic Religion. Nahinto agad ang laban na kayang maga-uga ang kalangitan ng isang King.

Nawalan na ng interes si Zhao Feng sa mga sunod na nangyari.

"Humina na nang kaunti ang lakas ko…." Hindi mapipgilan ni Zhao Feng kug hindi mag-buntong hininga. Kahit pa may battle-power pa rin siya ng Emperor, ang kaluluwa niya, ang True Yuan, at ang bloodline niya ay mas humina na.

Matapos marinig itp, ang mga mukha nina Patriarch Hong, Tiemo, at mga kasama nila ay kumibot, at walang masabi ni Zhuang Wan'er. Para bang wala pa sa peak siya ni Zhao Feng, pero masyado na siyang tinatamad para magkwento. Ang paghina niya ay nagpaalala sa kaniya kung bakit siya naroroon.

Agad naman siyang nagpaalam kay patriarch Hong at Tiemo.

"City Lord Liu," bumagsak ang tingin ni Zhao Feng sa Flooding Lake City Lord. Kinuha siya ni at si Zhuang Wan'er ni Zhao Feng papunta sa direksyon ng Six Warlock Tower. Papunta doon ay tinawag ni Zhuang Wan'er ang kaniyang mga spiritual pets para dalin sila doon.

Tumingin Flooding Lake City Lord nang may iba-ibang emosyon. Hindi niya inasahang ang batang pinwersa niyang pakasalan ang anak niya ay naging isang maalamat na anyo na. Nabigyan siya ng kaunting pag-asa para sa kung nasaan man si Liu Qinxin at kung buhay pa ba siya o hindi.

Makalipas ang ilang oras ay nakita na rin nila ang six-sided tower.

Tahimik na nakaupo ang matanda sa pang 49 na palapag ng Six Warlock Tower nang dumating si Zhao Feng.

Miao!

Lumitaw ang maitim na pilak na malaking tamad na pusa sa pinaka-ilalim ng torre at tumingin sa paparating na tuldok.

"Nandito na ang bisita," mabagal na sabi ng Sage. Para bang naghihintay siya nang matagal.

Whoosh!

Kasabay noon ay may isang malaking halimaw.

"Dito ka lang," utos ni Zhao Feng kay Zhuang Wan'er na maghintay sa ibaba ng torre.

Napahiya si Zhuang Wan'er. Isa siyangh henyo sa Origin Core Realm at ngayon ay gwardya na lamang siya.

Sa totoo lang ay hindi gusto ni Zhao Feng na malaman ni Zhuang Wan'er ang mga sikreto niya.

"Panginoon ko, dito po," dinala ng babaeng pari mula sa torre si Zhao Feng.

Miao!

Miao miao!

Sa pang-49 na palapag, ay nagkita ang munting pusang magnanakaw at ang malaking tamad na pusa.

Umilaw ang mga mata ng Sage nang makita niya si Zhao Feng.

"Cursed… Words… of… Death…." Magabal na sabi ng Sage at sinasabi niya nang mabagal ang bawat salita.