Umilaw ang mga mata ni Zhao Feng. Ito ang unang beses niyang nakakita ng taong pinagdaanan ang Pursuit of Death na nakakakita ng Cursed Words of Death, at ang taong rin ito ang unang nakakita sa unang tingin pa lamang.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na umasa nang kaunti; para bang nakita na niya ang tamang tao.
Kung wala na ay alam naman ng Sage ang Cursed Words of Death.
Kaya lamang ay taimtim ang boses ng Sage nang magsalita ito.
"Sage, para bang alam mo ang Cursed Words of Death?" hindi mapigilan ni Zhao Feng kung hindi magtanong.
Tumahimik nang sandali ang Sage na para bang nag-iisip. Matapos ang ilang sandali, ang mata niya, na para bang pumunta sa ibang panahon, ay tumingin sa kalangitan, "Nanggagaling sa pangalawang race ng Ten Thousand Ancient Races ang Cursed Words of Death, ang Ancient Shaman Race, at ang halaga para gamitin ang skill na ito ay kamatayan. Ang pinakamalakas na gumagamit nito ay mas lalong nakakatakot ang lakas. Nang ginamit ito ng mga eksperto ng Ancient Shaman Race sa Ancient Era, ay hindi kayang makaligtas ng mga Gods na may bloodline ng Ten Thousand Ancient Races.
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Para bang mas nakakatakot pa ang Cursed Words of Death sa inaasahan niya. Kahit pa ang mga Gods ng Ten Thousand Ancient Races bloodline ay hindi kayang makaligtas; kaya pala nanghihina rin ang kaniyang Mystic Ice Scaled Race bloodline.
"Ang Ancient Shaman Race ay halos ubos na sa Fan Universe, pero may ilan pa ring tao ang pinagaaralan ang kanilang mga techniques. Kaya lang kahit hindi nila kasing lakas kaysa noong ginamit ito ng Ancient Shaman Race, pero hindi pa rin sila dapat maliitin."
Pagkasabi noon, ay tumingin ng may lito kay Zhao Feng.
"Ang Emperor of Death," sabi ni Zhao Feng.
"Emperor of Death, sabi na. Sa buong Cang Ocean, ang kabihasaan niya sa kaluluwa ay umabot na sa peak, at mas importante pa, ay mayroon siyang Eye of Death, isang napakalakas na gamit para mapalakas ang Cursed Words of Death," buntong-hininga ng Sage.
Kinailangang aminin ni Zhao Feng na sobrang laki ng pagitan ng kabihasaan ng kaluluwa ng Emperor of Death sa kaniya, pero, nakita nito ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, isang true God-level na mata; at perpekto ang pagkakatabla nito. Kung ibang Emperor-level na anyo ito ay baka hindi nila kayaning talunin ang Emperor of Death o habulin ito, o kahit pa patayin siya. Hindi gustong awayin ng mga Sacred Lords ang Emperor of Death.
"Maaari ko bang tanungin ang Sage… anong maari kong gawin para maresolba ang Cursed Words of Death?" umipit ang puso ni Zhao Feng.
"May ilang paraan, pero may karamihan ay may striktong pangangailangan," huminto nang sandali ang Sage, at nagpokus na lamang si Zhao Feng sa pakikinig. Hindi niya inasahang ang Sage mag-isa ang may kayang magresolba nito, pero kilala siya tungkol sa kaalaman niya at ang kabihasaan niya sa Dao of Life, Entertainment, at Charm. Umasa lamang si Zhao Feng na mabigyan siya ng payo.
"Ang unang paraan ay hanapin ang Eye of Samsara. Kayang labanan ng matang ito ag Cursed Words of Death sa isang antas."
Eye of Samsara. Isa sa mga tagapagmana ng Eight Great God Eyes.
Natuwa ang puso ni Zhao Feng. Buti na lang ay may paraan para maresolba ang Cursed Words of Death. Kaya lamang ay ang Eye of Death at ang Eye of Destiny ang lumilitaw sa Cang Ocean; hindi pa nakikita ang Eye of Samsara. Iyon pala ay ang Eye of Samsara ang pinakamahirap hanapin.
"Ang pangalawang paraan nila… dahil balanse ang mundo, kung mayroong Cursed Words of Death, mayroon ding Blessed Words of Death," ngumiti nang kaunti ang Sage.
BlessedWords of Death?
Naintindihan ni Zhao Feng ito at nagsalita siya, "Parang tubig at apoy ang Blessed Words of Death at Cursed Words of Death, buhay at kamatayan… literal na magkabaliktaran.
"Tama 'yon," tango ng Sage. Ang Blessed Words of Death ang pinakamadaling paraan para maresolba ang Cursed Words of Death.
"Kaya lamang, may teorya sa likod ng Blessed Words of Death na kaparehas lang ito ng Cursed Words of Death; parehas silang Words of Death techniques, ang ibig sabihin nito na maari lamang itong magamit pagkatapos mamatay ng isang tao…." Umiling nang kaunti ang Sage, umiling din si Zhao Feng sa pagkakaintindi niya.
Kinailangang mamatay ng isang taong gagamit ng Blessed Words of Death, kaya ang lakas nito ay parang nilalabanan ang kalangitan.
Sa ibang salita, ang soul-strength dapat ng gagamit nito ay dapat kaparehas ng sa Emperor of Death, at kakailanganin rin nilang isakripisyo ang sarili nilapara magamit ang Blessed Words of Death at malabanan ang Cursed Words of Death. Kahit pa makahanap ng taong gustong gawin ito, ay baka wala sa buong Cang Ocean ang may soul-strength na kaparehas ng Emperor of Death.
"Ang pangatlong paraan ay takasan ang sisidlan mo. Pakiramdam ko ay ito ang pinakamagandang paraan para sa'yo, at maari pa itong gawin," inimbistigahan ng Sage si Zhao Feng.
"Oh?" lumiyab ng pag-asa ang mga mata ni Zhao Feng.
"Gagana lamang ito kapag may parte ka pang hindi naapektuhan ng Cursed Words of Death…." Sabi ng Sage.
Hindi pa naapektuhan?
Naintindihan ni Zhao Feng ang teorya sa likod nito. May parte pa rin siya talagang hindi pa naapektuhan. Kahit pa nanghihina na ang soul-strength niya, ang God's Spiritual Eye niya mismo ay hindi pa naapektuhan ng Cursed Words of Death. Ang pinakasentro ng blue lake na nakakonekta sa Ancient Dream Realm ay kumpletong natatakpan.
Maliban pa doon, ang lugar kung saan ang God Tribulation nakalagay ay hindi rin naapektuhan ng Cursed Words of Death.
"Hayaan mong mabuhay ang mga 'di naapektuhan ng Cursed Words of Death – ito ang pagtakas sa sisidlan mo. Kaunti lamang sa mga kakaibang existences ang makakagamit nito. Naniniwala ako, ikaw na may Ninth God's Eye, na kaya mong gawin ito," ngumiti ang Sage at sabi niya.
Ang tatlong paraan na iyon ang payo ng Sage. Ang unang dalawa ay kailangan ng panlabas na tulong habang kaya namang subukan ni Zhao Feng ang pangatlo lamang ng mag-isa.
"Ang pangatlong paraan ay pagnanakaw ng katawan tulad ng Emperor of Death, ay sobrang delikado, at kakailanganin kong isuko ang bloodline ko at cultivation," buntong-hininga ni Zhao Feng
Ang pinakaperpektong paraan ay ang pangalawa – ang Blessed Words of Death. Kaya nitong tanggalin ang Cursed Words of Death nang todo nang hindi nawawalan ng kahit ano, pero kasabay nito, ay may striktong pangangailangan nito.
Kaya lamang, kahit anong mangyari, mayroon pa rin siyang pagpipilian, at marami pa siyang nalaman ngayon.
"Salamat sa payo mo," Sobrang laki ng pasasalamat ni Zhao Feng. Karamihan ng nasa kanila ay hindi ganoon karami ang alam.
"Masyadong seryoso ang munti kong kaibigan," mapait na iling ng Sage, "Mayroon ka rin ng Ninth God's Eye na may walang hanggang potensyal. Kung hindi dahil sa'yo, hindi mababago ni Qinxin ang tadhana niya, at baka namatay pa siya bago maging 16-anyos."
"Qinxin?" tumalonn ang mga pusa nina Zhao Feng at ng Lake City Lord at nagsimula silang mag-usap tungkol sa pangalawang rason kung bakit sila nandoon.
Sinabi agad ni Zhao Feng ang nangyari sa kaniya sa Fan Lun Ancient Sound Palace.
"Kung tama ang kalkulasyon ko, may bago nang buhay si Qinxin nang walong taon na," may lumitaw na kaluwagan ng loob ang mukha ng Sage.
Matapos marinig ito, nagsimula nang mag-isip si Zhao Feng kung ano ang ibig sabihin ng "bagong buhay."
"Dapat ay may nakilala ka nang may bagong buhay, pero hindi niya kayang ma-comprehend ang Fate of Fan Lun at mabago ang kanilang tadhana," ang boses ng Sage ay misteryoso.
Mayroon na ba talaga siyang ganoon dati? Hindi niya maalala kung mayroon na.
"Sage, maaari mo bang sabihin sa'kin kung nasaan si Qinxin?" hindi mapigilan ng Flooding Lake City kung hindi magtaong. Gustong malaman ni Zhao Feng ang lokasyon niya.
"Zhao Feng, kung nararapat ito, makikita mo na ulit si Liu Qinxin ulit. Pero kung gusto mo malaman kung nasaan siya, kailangan mong hanapin ang Eye of Samara," lumawak ang ngiti ng Sage.
Naramdaman ni Zhao Feng na marami pa rin siyang alam na ayaw niyang sabihin.
"Ang Eye of Samara ulit?" hindi mapigilan ni Zhao Feng na hindi makapagsalita nang inisip niya ang tagapagmana ng isa sa mga Eigh Great God Eyes.
"Lumitaw na dati ang Eye of Samara sa continent zones matapos ang ilang dosenang milenya," sabi ng Sage.
"Continent zone?" bulong ni Zhao Feng. Alam niyang pupunta rin siya doon.
Sa Six Warlock Tower, napahinto si Zhao Feng nang sandali bago magpaalam sa Sage. Naramdaman niyang puno ng pagkamisteryo ang Sage, at hindi niya siya mabasa.
Sa pang-49 na palapag, pinaalis ng Sage si Zhao Feng gamit lang ang kaniyang mga mata.
Miao!
Humikab ang malaking tamad na pusa.
"Puno ng swerte ang Azure Flower Continent, pero hindi ito sentro ng buhay," bulong ng Sage.
Maya-maya, sa araw ring iyon, ay kumalat ang Six Warlock Tower at umalis kasama ang malaking tamad na pusa. Mula noon , naging isang alamat nanaman ang Sage. Hindi na siya bumalik at nag-iwan ng marka sa kasaysayan ng Azure Flower Continent.
Kalahating taon ang makalipas ng pag-alis ng Sage, isang Elder mula sa Scarlet Moon Demonic Religion ay pinangunahan ang grupo ng mga elites at nakarating sa Six Warlock Tower, pero ngayon ay wala na itong laman.
"Mula sa inasahan sa Sage, dumating ako rito sa ilalim ng utos ng Patriarch para hulihin siya ng buhay, pero…" matagal na tumayo ang Elder sa torre bago siya umalis. Kaya lamang ay pagdating nila ng ilang daang milya:
Whoosh!
Isang kahel na liwanag ng ilaw ang lumipad mula sa walang hanggang karagatan at naglabas ito ng aura na nagpahirap sa kanilang huminga. Ang batang bagong dating ay isang kabataan na may itim na buhok, at ang ,ga mata niya ay parang madilim na kalangitan. Ang bawat galaw niya ay naglalaman ng hindi maikumparang Intent at belief.
"Sino ka!?" nakilala rin ng Elder ang kabataang iyon.
"Hmm> Pamilyar ang batang ito…."
"Siya 'yon! Si Yu Tianhao! Isa sa mga Napakahusay na Prodigies mula sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering."
Ilan sa mga elites mula sa Scarlet Moon Demonic Religion ay naiyak.
"Alagad ng Scarlet Moon Demonic Religion? Tatapusin ko na sila," ngumiti si Yu Tianhao habang tinataas inya ang kaniyang palad, at ang kahel na kulay na ilaw ay nilamon ang ilang milya sa paligid niya.
"Arghh!"
Ilang dosenang elites sa Scarlet Moon Demonic Religion, kasama na ang Elder, ay naging buhangin. Sa isang move lang ay napatay niya na agad ang mga eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion, kasama na ang isang Sovereign.
"Zhao Feng, naramdaman ko ang aura mo dito ngayon-ngayon lang…." nakatayo lamang si Yu Tianhao habang hinihipan ng hangin ang buhok niya.
Gamit ang kaniyang Unparalleled Heaven Battling Bloodline at ang kaniyang kmga instincts, tumingin siya sa isang direksyon. Sinundan niya itong direksyong ito at habang tumatagos ito sa space ay isang malayong lugar sa Northern Continent – and Thirteen Countries.
Sa oras na iyon, nasa Thirteen Countries na si Zhao Feng.