Ang battlefield sa Red Dragon Island Zone ay nasa isang isla na punong-puno ng mga resources. Ang populasyon at yaman ng islang ito ay doble pa ng sa Azure Flower Continent.
Ang mga kalahok ng labang ito ay tatlong two-star sects at 18 na one-star clans.
Ang Red Dragon Island Zone ay katulad ng Tianlu Islands; isa ito sa mga two-star sects – ang Sky Star Demonic Sect – na naglalaban sa dalawa pang ibang sects.
Sa pagkakataong ngayon, sa ere, may dalawang Void God Realm Kings mula sa Sky Star Demonic Sect. Ang isa sa kanila ay isang lalaking nakasuot ng maitim na gintong roba. Mayroong isang madilim na star symbol sa kanyang noo, at nababalutan siya ng kadiliman. Ang lalaking ito ay nakipaglaban sa dalawang Void God Realm Kings nang walang hirap.
"Ang cultivation ng Sky Star Demonic Lord na ito ay umabot na sa huling yugto ng Void God Realm, at hindi na siya nalalayo sa Peak-Tier King."
Ang dalawang magkasalungat na Kings ay isang elder na may puting buhok at ang isa naman ay isang taong puti ang damit.
Ang Sky Star Demonic Lord ay ang pinuno ng Star Sky Demonic Sect at isa sa mga pinakamalakas na Void God Realms sa Red Dragon Island Zone.
"Demonic Star Domain!" Kinumpas ng Sky Star Demonic Lord ang kanyang roba, at ang ere ay napuno ng kapatagan ng mga madidilim na bituin.
Whoosh~~~~!
Ang mga maiitim na bituin ay nagbuga ng starlight na siyang umasinta at ginapi ang dalawang kalaban na Kings.
Bukod pa sa laban, mayroong isang maganda mula sa Sky Star Demonic Sect na napapalibutan ng kadiliman at siyang umatake sa isang King na nagcucultivate sa Dao of Sword.
"Sky Flowing Sword King," ang babaeng mula sa Sky Star Demonic Sect ay ngumiti, "Ang Powerless Forcefield ko ay gumagamit ng sarili mong kapangyarihan para labanan ka. Kahit na 30% kang mas malakas, wala kang magagawa laban rito. Mawawalan ka lamang ng enerhiya sa loob ng kalahating araw, at ang Clan Master ay tapos na siguro sa kanyang laban sa oras na iyon."
"Tingnan natin," hindi pa rin nagitla ang Sword Dao King. Ang kanyang kalooban ay kasingtigas ng bato nang magpadala siya ng mga sinag ng sword-light sa ere.
Bam! Bam!
Ang Powerless Forcefield ng babaeng King ay nagsimulang maging hindi maayos, at ang kanyang ekspresyon ay nagbago.
Ang Sky Flowing Sword King ay ang unang eksperto ng Sword Dao sa Red Dragon Island Zone na naging isang King.
Boom! Boom! Boom~~~~!
Ang mga cultivators ng Origin Core Realm ay naglaban sa inland, at nagdulot ito para mawasak ang mga kabundukan at umihip ang mga hangin kahit saan.
Sa mga normal na isla, ang mga nasa Origin Core Realm ay mga Sovereigns na hindi mapapantayan, pero ang magarang sagupaan sa pagitan ng mga Kings ay nasa ere at pinakislot nito ang mga puso ng Sovereigns.
Sa parehong pagkakataon, ang tunog ng paglipad ay maririnig.
Whoosh!
Isang ghost ship ang lumipad sa loob ng two-star na battlefield.
Mayroon pa ring labanan sa pagitan ng mga Sovereigns sa hangganan ng battlefield sapagkat kailangan nilang maglipat ng mga resources.
"Sino iyan!?"
Ang pagdating ng ghost ship ang siyang nakakuha ng atensyon ng isang two-star sect.
Miao miao!
Isang maliit na abong pusa ang naglagay ng isang bungo at magkasalubong na buto na watawat sa barko.
"Isang barko ng mga pirata?"
Ang mga ekspertong naglalaban ay may kakaibang mga ekspresyon. Ang mga normal na pirata ay tatakbo agad palayo kung makakakita ito ng isang two-star sect. Kahit ang mga eksperto ay ayaw na makisali sa isang two-star battlefield.
Subalit, ang eksena ngayong araw ay sinira ang kanilang mga naisip. Hindi lamang basta nakita ng isang barko ng mga pirata ang two-star battlefield at hindi napatakbo, napakamaligalig nilang lahat habang sumusugod.
"Pigilan ang barko na iyan!" Isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord ang namuno sa higit isang dosenang tao na nasa huling yugto na ng True Lord Rank at agad na sumugod sa barko.
Hu~~~
Isang makapal na suson ng usok ang biglang nagpakita mula sa ghost ship, at isang daang pares ng pulang mata ang naglabas ng isang daloy ng kapangyarihan.
"Arghhh!"
Bago pa man makarating ang mga tao, ang kanilang mga mental energy ay nawasak at sila ay namatay. Agad namang sumugod paabante ang ghost ship at hinigop ang kanilang blood essence.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw at isang batang may gintong balat ay lumipad sa ere at agad na kinuha ang mga pabuya nila. Syempre, ang munting pusang magnanakaw at ang batang Demigod ay kumukuha lamang ng mga aytems na nagmumula sa mga Origin Core Realms.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, nakaupo lamang si Zhao Feng habang umiinom ng isang alak mula sa Demigod's cellar habang pinapanood ang sitwasyon.
"Kayong lahat, ibigay niyo ang inyong mga interspatial items at hindi ko kayo papatayin!" Umatungal ang batang Demigod sa kanyang napakabatang boses.
Miao miao!
Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang isang watawat na may bungo at magkasalubong na buto at maririnig ang mga paghiyaw sa gilid.
Ang dalawa ay lumutang sa ibabaw ng ere ng ghost-corpse na usok at hindi sila naapektuhan ng Ghost Corpse Cursed Array.
"Sino kayong mapangahas na mga pirata para nakawan ang Sky Star Demonic Sect?" Isang grupo ng mga cultivators mula sa Sky Star Demonic Sect ang sumugod. Mayroong dalawang Great Origin Core Realm Sovereign Lords at pito o walong normal na Sovereigns.
Ang ganitong pwersa ay kayang lipulin ang mga one-star clans. Subalit, sa harap ng isang daang pares ng pulang mata, lahat sila ay namatay nang walang kahit anong tsansa na makalaban. Ang pangkat na ito ay naging isang pataba sa Ghost Corpse Cursed Array.
"Hehe… Ang isang two-star battlefield ay magandang lugar nga," tumawa nang masama ang Skeletal Division Leader nang sabihin ito.
Ang mga eksperto mula sa one-star clans at mga two-star sects ay napatakbo sa takot saanman mapadpad ang ghost ship. Napakabilis ng barko, at kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay hindi makatakas mula rito.
"Ibigay niyo ang lahat ng inyong yaman at hindi namin kayo papatayin," pag-uutos ng batang Demigod.
"Panginoon, maawa po kayo sa akin, ibibigay ko na po sa inyo lahat….!" Maraming mga Sovereigns ang takot na takot at napaluhod nang ilabas nila ang kanilang mga interspatial items at mga sandata.
Ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw ay may mga matatalas na mata. Walang kahit sino ang makakapagtago ng kahit ano.
Ang mga nagbinigay ng kanilang kayamanan ay nakaligtas. Ang iilan ay nanlaban, pero naging mga pataba lamang sila ng Ghost Corpse Cursed Array.
Sa pagkakataong iyon, nagkagulo sa buong battlefield. Ang lahat ay nagsimulang tumakbo kapag napapadpad ang ghost ship roon.
Sa kabutihang palad, ang layunin ng ghost ship ay mandambong, at hindi pumatay. Basta ba ibigay ng isang tao ang kanilang mga aytems, mabubuhay sila.
Sa simula, kinuhanan lamang nila ang mga nasa hangganan ng battlefield, pero nagsimula na silang tumungo sa gitna.
"Kaninong barko naman ang ganyan kapangahas?" Ang mga ekspresyon ng mga Void God Realm Kings na naglalaban sa ere ay naging madilim. Walang pakialam ang ghost ship na ito sa pagkakakilanlan ng mga knukuhanan nito at lahat ay ninanakawan nila.
Akala ng mga Void God Realm Kings noong una na sa hangganan lamang sila, pero sa mga nagaganap ngayon, mukhang gustong kunin ng barko ang lahat.
"Mas mabuti pang sumuko na kayo!" Isang Half-Step King at iilang mga Sovereign Lords ang sumugod. Nagmula sila sa iba't ibang pwersa. Halata namang ang mga kilos ng ghost ship ay ikinagagalit nila na nakipagtulungan na sila sa iba.
"Ibigay niyo ang inyong mga aytems at hindi namin kayo papatayin," ang ekspresyon ng batang Demigod ay malamig.
"Sutil na walang buhok!" Tumawa ang namumunong Half-Step King at nilabas niya ang kayang Half-Step King Intent.
Hu~~
Isang daloy ng usok ang bumuo ng buhawi na siyang lumunok sa grupo.
"Arghhh!" May mga hiyaw na maririnig mula sa grupo, kasama na ang Half-Step King, nang lamunin sila ng array. Ikinagulat ng lahat ng nasa battlefield ang eksenang ito, at nagkagulo ang lahat sa gitna ng laban.
Ang ghost ship ay hindi mapapantayan at ninakaw nito ang kayamanan ng lahat. Halos lahat ng Origin Core Realms ay iniabot ang kanilang mga aytems para mabuhay.
Miao miao!
Patuloy na kinokolekta ng munting pusang magnanakaw ang mga pabuya. Syempre, maraming eksperto ang sumubok na patayin ang munting pusang magnanakaw, pero agad silang napatay, kasama na ang Half-Step King at dalawang Peak Sovereign Lords.
Pagkatapos gumawa ng isang halimbawa, ang mga natitirang cultivators ay napahinga nang malamig.
Ang mga naglalaban na Void God Realm Kings sa ere ay tumigil na sa paglaban.
"Ano ang kasaysayan ng barkong ito?" Ang mga ekspresyon ng Void God Realm Kings mula sa two-star sects ay naging taimtim. Mayroong isang kabataan, isang bata, isang pusa at isang kalansay ang nasa barko. Ang kombinasyong ito ay kakaiba, pero nagtatagumpay sila na manakawan ang lahat ng nasa two-star battlefield.
"Kailangan nating pigilan ang barkong ito ano man ang mangyari," ang isang maitim na star symbol sa noo ng Sky Star Demonic Lord ay nagningning. Kung makakatakas ang barkong ito nang hindi nasasaktan, talagang nakakahiya naman talaga para sa buong Red Dragon Island Zone.
Ang limang Void God Realm Kings ay nagkaroong kasunduan. Ang Sky Flowing Sword King at ang Sky Star Demonic Sect na babae ay tumungo para tapusin ang barko.
Whoosh! Whoosh!
"Zhe zhe, mas maraming kayamanan," natuwa nang higit ang batang Demigod. Nang makitang lumapit ang dalawang Kings, ang batang Demigod ay nagsimulang magbuga ng isang ginintuang liwanag, tila ba isa itong buddha, at ang nakasisindak na aura ng Void God Realm ay masisilayan. Pinakita na rin ng batang Demigod ang cultivation nito.
Boom!
Nanginig ang Sky Flowing Sword King at ang Sky Star Demonic Sect na babae. Tila ba may isang bundok na dumurog sa kanila, at halos mapadura sila ng dugo.
"Hindi ito maganda!"
"Tulungan niyo sila!"
Ang ekspresyon ng Sky Star Demonic Lord at ng mga kasama nito ay higit na nagbago. Ang lakas ng batang Demigod ay maikukumpara sa isang Peak-Tier King. Hindi niya kapantay ang Sky Flowing Sword King at ang babae. Kahit nga ang Sky Star Demonic Lord ay walang battle-power ng isang Peak-Tier King.
Boom! Boom! Bam~~~~!
May mga pagsabog na maririnig mula sa ibaba at nagkaroon ng bitak ang lupa dahil dito.
"Luhod!" Naglabas ng isang makapangyarihang enerhiya ang batang Demigod, at dalawang ginintuang kamay ang siyang umipit sa Sky Flowing Sword King at sa babaeng King.
Wah!
Parehong napadura ng dugo ang dalawang Kings, at namutla ang kanilang mga mukha.
Miao miao!
Agad na kinuha ng munting pusang magnanakaw ang kanilang mga interspatial items.
May pagkamuhing makikita sa mga mata ng babae, at ang himig ng isang ispada mula Sky Flowing Sword King ay masisilayan. Lalaban na sana ang dalawa, pero ngumisi nang malamig ang batang Demigod.
Bam!
Ang dalawang kamay ay inipit sila pababa at naging lusak na lamang ng mga dugo ang dalawag Kings, na siya namang nilamon ng Ghost Corpse Cursed Array pagkatapos.
Ang Golden Kun Sacred Body ng batang Demigod ay umabot na sa maagang yugto ng 5th level, at kaya na niyang talunin ang lahat ng Void God Realm Kings gamit lamang ang kanyang pisikal na katawan. Kung maaabot na niya ang huling yugto ng 5th level, kaya na niyang labanan ang mga Emperors gamit lamang ang kanyang Sacred Body.