Ang lakas ng batang Demigod ay pinalamig ang mga puso ng ibang Kings. Sa isang bigla, dalawang normal na Void God Realm Kings ang napatay ng batang Demigod.
"Ibigay niyo na ang inyong mga interspatial items at hindi ko kayo papatayin," dinilaan ng batang Demigod ang kanyang labi at tumingin sa paparating na tatlong Kings.
Napakatahimik ng buong lugar. Ang lakas at kakayahan ng batang Demigod ay pinatalon ang mga puso ng ibang eksperto. Kahit ang dalawang Kings ay agad na napatay, ano naman ang mangyayari sa mga mas mahina sa isang King?
"Sino ka?" Madilim ang mukha ng Sky Star Demonic Lord, at ang simbolo sa kanyang ulo ay nagliwanag.
Ang kapangyarihan ng mga nagcucultivate sa Demonic Dao ay sikat sa buong Red Dragon Island Zone. Mula sa tatlong natitirang Kings, tanging ang lakas niya lamang ang pinakamalapit sa isang Peak-Tier King. Kapag nakipagkampihan ang Sky Star Demonic Lord sa dalawa pang ibang Kings ng Righteous Path, mayroon silang abilidad na makalaban sa isang Peak-Tier King at baka manalo pa sila.
"Ayoko nang ulitin pa ang sinabi ko," ang ekspresyon ng batang Demigod ay naging malamig nang maglabas siya ng Demigod Intent at Sacred Body Power.
Naging tahimik ang parehong panig. Ang Sky Star Demonic Lord at ang dalawa pang Kings ay hindi nangahas na gumawa ng kahit ano. Sa mga taong nasa ghost ship, tanging ang batang Demigod pa lang naman ang umaatake. Mayroon pang misteryosong kabataan na nakasakay.
"Hmm? Biglang nawala ang kabataang iyon?" Ang Divine Sense ng tatlong Kings ay nakaramdam ng bahagyang pagbabago sa espasyo.
Lightning Wings Flying Technique!
Shua!
Isang pares ng kulay iskarlet na pakpak na nababalutan ng apoy at kidlat ang lumitaw sa ere sa likod ng Sky Star Demonic Lord at mga kasama nito. Ang tatlong Kings ay nakaramdam ng agos ng flaming lightning, at hindi sila makahinga dahil dito.
Boom~~~
Bumuo ng bagyo ang pakpak at pinuwersa ang tatlong Kings na gamitin ang kanilang Magnificent Power para protektahan ang sarili nila.
"Master," nagpakawala ng hininga ang batang Demigod. Kahit na manalo siya laban sa tatlong Kings, hindi niya sila mapipigilang tumakbo sa tatlong magkakaibang direksyon. Subalit, ngayong ginamit na ni Zhao Feng ang Lightning Wings Flying Technique at nagpakita sa likod nila, walang tsansang makatakas ang Sky Star Demonic Lord at ang mga kasama nito.
Alam ng batang Demigod kung gaano kabilis si Zhao Feng.
"Master?" Nang marinig ito, ang ekspresyon ng Sky Star Demonic Lord at ng mga kasama nito ay nagbago nang higit at nabalutan ang kanyang katawan ng lamig. Kung ang batang ito ay maikukumpara sa isang Peak-Tier King, gaano pa kaya kalakas ang master nito?
"Pakiusap tama na!" Ang elder na may puting buhok at ang babaeng nakaputi ay natakot at agad na nagsalita. Kung lumaban silang lahat, maaaring makatakas ang Sky Star Demonic Lord dahil sa kanyang lakas, pero silang dalawa ay normal na mga Kings lamang at hindi sila agad na makakatakas.
Ang dalawang ito ay maikukumpara sa isang Peak-Tier King…. Natalo na ang battle-intent ng Sky Star Demonic Lord at nagsimula na siyang padaluyin ang kanyang True Yuan bilang paghahanda sa pagtakas. Bilang pinakamalakas na Demonic Dao cultivator sa Red Dragon Island Zone, napakayaman niya. Madali niyang nalagpasan ang iba pang mga Kings kung yaman lang naman ang pag-uusapan, at ayaw niya rin namang manakaw ang lahat ng ito.
Subalit, nang planuhin niya na ang kanyang pagtakas, ang kabataan sa likod niya ay umatake:
"Hindi ka pupunta kahit saan!"
Ang Wings of Wind and Lightning sa likod ni Zhao Feng ay lumawig ng ilang dosenang metro at mukhang tinatakpan nito ang araw, at ang kanyang Magnificent Power ay lalong lumakas.
Bam!
Kahit ang simpleng suntok lamang kay Zhao Feng ay pagyeyeluhin ang espasyo.
"Hindi ito maganda! Isang Ice Sealing Domain!" Ang Sky Star Demonic Lord at ang mga kasama nito ay nilamon ng isang bagyo ng yelo. Naging malamig ang kanilang mga katawan, at isang suson ng lamig ang nagsimulang kumalat sa kanilang katawan, na siyang nagpabawas ng kanyang bilis.
Dagdag pa roon, ang suntok na ito ay tila naglalaman ng isang labirinto.
"Ano….!?? Isang Soul Dao Domain!?"
"Dobleng Domain!?"
Ang mga puso ng Sky Star Demonic Lord at ng mga kasama nito ay napuno ng takot, at hindi na sila makalaban pa.
Mystic Ice Domain! Illusion Maze Domain!
Ang Mystic Ice Domain ay nagmumula sa Mystic Ice Race Bloodline ni Zhao Feng, at isang Domain ang kusang nabuo nang natural. Nangangahulugan ito na ang isang simpleng suntok kay Zhao Feng ay naglalaman ng dalawang spatial domains: isang Soul Dao Domain na naaapektuhan ang soul-dimension, at ang Mystic Ice Domain na mas kinikilingan ang pisikal na mundo.
Ang epekto ng Mystic Ice Domain ay selyuhan ang lahat sa yelo. Ang lahat ng nasa loob ng Mystic Ice Domain ay maseselyuhan ng lamig.
Ang pinagsamang kapangyarihan ng dalawang domains ay hindi masukat.
Bam!
Ang Sky Star Demonic Lord ay napalipad sa isang suntok, at isang suson ng yelo ang nagpakita sa kanyang katawan. Malubha na ang kanyang pinsala. Sa harap ng dalawang domains, wala siyang kakayahan para lumaban, at kahit ang kaluluwa niya ay sugatan.
Ang Illusion Maze Domain ni Zhao Feng ay hindi lamang sinisira ang mental energy, inaatake rin nito ang kaluluwa.
"Aking panginoon, tama na!"
"Susundin namin ang gusto mo!"
Ang elder at ang babaeng nakaputi ay walang magawa sa ilalim ng dalawang spatial domains. Ni hindi nga nila mahawakan si Zhao Feng. Ang dobleng domains ay inilagay sila sa isang malaking labirinto ng yelo.
Nakahiga lamang ang Sky Star Demonic Lord sa isang gilid ng labirinto habang sinusubukan niyang sirain ang kapangyarihan ng yelo. Ang kanyang mukha ay napuno ng takot; kahit na makalaban pa siya sa Mystic Ice Domain, hindi niya matatakasan ang Illusion Maze Domain.
Shua! Shua!
Ang elder na may puting buhok at ang babaeng nakaputi ay parehong naglaho mula sa paningin ng Sky Star Demonic Lord pagkatapos nilang sumuko.
"T*** i**!" Nagngitngit ang ngipin ng Sky Star Demonic Lord. Ang dalawang Kings ng Righteous Path ay sumuko na agad.
Ang Sky Star Demonic Lord na lamang ang natira sa dobleng domains, at ayaw niya pa ring sumuko. Marami siyang mga mahahalagang kayamanan na ayaw niyang mawala nang ganoon lang.
Miao miao!
Ang elder na may puting buhok at ang babaeng nakaputi ay hinarap ang paghahanap ng munting pusang magnanakaw.
Ang dalawang Void God Realm Kings na ito ay may kapangyarihan na napapaloob ng two-star sects, at napakayaman rin nila.
"Ang lahat ng mga nasa Origin Core Realm, ibigay niyo ang lahat," ipinagkrus ng batang Demigod ang kanyang mga kamay at tumingin sa battlefield. Marami pang mga Origin Core Realm cultivators na hindi pa nananakawan.
Kaawa-awa ang kondisyon ng matandang may puting buhok at ng babae - ang labanan ng mga two-star sects ay nalipol lang naman ng tatlong pirata at ng isang pusa.
Sa pagkakataong iyon, biglang napahiyaw ang Sky Star Demonic Lord nang mahulog siya sa langit.
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Eye Intent para magpadala ng Mental Energy Strike. Dahil sa kanyang kalamangan sa soul-strength, ang kanyang atake ay halos ikamatay ng Sky Star Demonic Sect Clan Master.
Ipinalakpak ni Zhao Feng ang kanyang kamay at hinayaan niyang linisin ng munting pusang magnanakaw at ng batang Demigod ang lahat.
Lubhang nasaktan ang aking kaluluwa. Kahit na makatakas ang Yuan Soul ko, mamamatay pa rin ako, ang Sky Star Demonic Sect Clan Master ay wala nang magawa at namimighati ito. Sino naman ang makakaisip na ang clan master ng isang two-and-a-half-star sect ay malalagay sa ganyang klaseng sitwasyon?
"Suko na ako," itinaas ng Sky Star Demonic Sect Clan Master ang kanyang mga kamay at ginamit niya ang kanyang Divine Sense para sabihan ang lahat ng nasa sect na sumuko na.
Ngayong ang lahat ng mga eksperto sa parehong panig ay nahuli na, natapos na rin ang labanan. Ang buong two-star battlefield ay dumaan sa pandarambong.
Tatlong two-star sects at maraming mga one-star clans ang nanakawan ng isang barko ng mga pirata. Nakakatawa talaga na malaman ang ganitong bagay.
Si Zhao Feng at ang mga kasama nito ay nag-aksaya ng kalahating araw para kunin ang lahat ng nasa two-star battlefield.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay natutuwa habang inaayos nito ang gabundok na kayamanan na parang isang mandarambong. Ang ancient metal ring ni Zhao Feng ay muling napuno. Naligalig rin ang mga mata ng batang Demigod.
Sa kabilang banda, ang mga nakatataas ng tatlong two-star sects ay umakto na para bang nahalay. Nakaramdam sila ng higit na pagkalungkot.
"Salamat sa inyong pagtanggap at kooperasyon. Hindi na kami magtatagal pa," pumasok na sa ghost ship sina Zhao Feng at ang iba pa matapos nilang ayusin ang kanilang mga kayamanan.
Whoosh!
Pinanood na lamang ng mga sects na lumipad palayo ang ghost ship.
Hu~~
Nang mawala sa kanilang paningin ang ghost ship, nagpakawala ng hininga ang mga nakatataas, at saka nagsimulang magmura. Ang ilan pa nga ay nagsimulang umiyak.
"Arghhhhh! Ang aking Sky Cloud Mother Stone~~~~!"
"Ang ten-thousand-year-old Wood Ginseng at ang ilang daang taon kong ipon…!"
Maraming mga eksperto ang nabaliw sa battlefield, pero wala sa kanila ang nangahas na habulin ang ghost ship.
Ang labanan nila ay nagtagal ng ilang daang taon at ganyan lamang ito nagtapos.
Ang buong dahilan kung bakit sila naglalaban ay dahil sa pagkakahati-hati ng kayamanan, pero ngayong ang lahat ay mahirap na, paano sila magkakaroon ng damdamin para patuloy na makipagtuos?
Syempre, isa itong biyaya sa mga nasa mababang hanggang gitnang mga uri. Mula sa pagkakataon na ito, wala ng mga malalaking laban sa Red Dragon Island Zone. Lahat ng one-star clans at mga two-star sects ay itutuon na lamang muna ang kanilang oras para magpagaling.
Malaking parte ng buong kayamanan ng Red Dragon Island Zone ay nakuha mula sa pagnanakaw. Dapat lang malaman na ang 90% ng kayamanan ng mundo ay nasa kamay ng kakaunting bilang ng mga eksperto.
"Hahaha…!" Ang tunog ng tawa nila Zhao Feng ay maririnig mula sa labas.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, nagsimula nang hatiin nila Zhao Feng ang kayamanan.
Bilang kapitan, may karapatan naman talaga si Zhao Feng para maghati. Mula sa kanila, ang munting pusang magnanakaw at ang maliit na Kun Yun ay nakatanggap ng 20% samantalang ang Skeletal Division Leader ay may 10%. Kahit na 10% lamang ito, sapat na ito para bumili ng maraming one-star clans.
Bilang isang kapitan, binigyan ni Zhao Feng ang kanyang sarili ng 50%.
"Zhe zhe, ang pagnanakaw sa isang two-star battlefield ay nagbibigay ng ganito karaming kayamanan?"
"Hindi nakapagtataka kung bakit nakakalat ang mga pirata sa walang hanggang karagatan."
"Ang pandarambong rin natin ay nagdala ng kapayapaan sa island zone. Ginagawa nating mas mabuti ang mundo…"
Miao miao!
Ang apat ay nagsimulang magsalita ng kawalang hiyaan sa isa't isa, pero hindi nila napagtanto na walang pwersa ng mga pirata ang nangangahas na kalabanin ang mga two-star sect pwera na lamang kung sila ang Pirate King mula sa Pirate Sacred Land.
Nagmungkahi pa ng mas maraming ganitong pagnanakaw ang munting Kun Yun.
"Huwag kang masyadong magpakitang gilas. Mayroong langit sa itaas ng mga ulap, at may mga taong mas magaling kaysa sa atin. Dati, ang Pirate Emperor ay may battle-power na hindi mapapantayan, pero nagpakitang gilas siya nang sobra sobra at napatay siya ng isang Mystic Light Realm Sacred Lord. Ang Wind Lightning Emperor naman ay may hindi masukat na bilis pero napatay pa rin siya ng Purple Night Sacred Lord," napailing si Zhao Feng at hindi siya nabulag ng kanilang mga nakuha. Hindi naman siya ganoon kaarogante para isipin na mas malakas pa siya sa Pirate Emperor o sa Wind Lightning Emperor sa kanilang pinakamataas na antas.
Sa walang hanggang karagatan, ang ghost ship ay patuloy na lumilipad papunta sa kanilang destinasyon.
"Mayroong dalawa o tatlong buwan na lamang bago ko marating ang Sky Qin Sacred Palace…"