Ang malakas na pagsabog ay tila isang lindol. Ang pagyanig at ang malakas na tunog ay maririnig mula sa ilang libong milya.
Boom~~~~!
Mula sa malayo, isang ginintuang araw ang tila sumabog, at isang nagniningning na liwanag ang siyang lumamon sa lahat ng nasa loob ng ilang daang milya.
May isang ipinagbabawal na aura ang bumuga mula sa lugar ng pagsabog. Ang pagsabog sa ngayon ay dalawang beses o higit pa na mas malakas kaysa sa nangyari sa Demigod Forgotten Garden. Dapat lamang malaman na ang kapangyarihan sa nangyari noong nakaraan ay sapat na para makapatay ng isang Death Spirit Lord, at sa ngayon, talagang nagkaroong ng self-destruction o kusang pagkawasak ng sarili si Wen Luoan – hindi ito isang sikretong technique.
Ang self-destruction na ito ay kasama sa kanyang Ten Thousand Ancient Races Bloodline at sa kaluluwa niya; mula rito, malalaman ng isang tao kung gaano ka nakasisindak ang kanyang kapangyarihan. Kahit ang mga normal na Emperors ay hindi kayang tumakas rito nang hindi nasasaktan.
Hu~~~~
Ang lahat sa loob ng isang libong milya ay nabalutan ng suson ng alikabok, at ang buong paligid ay naapektuhan. Ang maliit na isla na ito ay naging katulad ng Eight Desolate Mountain o ng Thirteen Countries, at ang pinakamalakas na tao rito ay isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord.
Ang nakasisindak na aura mula sa pagsabog ang siyang naging dahilan para manginig ang mga puso ng mga nasa Origin Core Realms.
Ang alikabok ay hindi tuluyang umalo sa loob ng matagal na oras.
"Zhao…. Feng…!!" Isang malamig na atungal ang maririnig sa gitna ng pinagsabugan. Garalgal ang boses nito, na tila ba nangagaling ito sa kailaliman ng impyerno.
Isang matangkad na maitim na anyo na may suot na korona ang gumalaw kasabay ng hangin. Ang Emperor of Death ay tila hindi nasaktan, pero ang kanyang mukha ay nandidilim at ang kanyang mga mata ay nanliliit.
Sa loob ng kanyang paningin, ang lahat ng nasa kanyon ay namatay bukod sa kanya. Kahit ang mga bangkay nila ay naging abo.
Ang Emperor of Death ay tila naglalabas ng isang forcefield na napakamakapangyarihan na hindi niya na kailangan pang yumapak sa lupa. Ang ganitong nakakatakot na lakas ay sapat na para gulatin ang ilang mga Emperors mula sa Spiritual Sacred Lands.
"Bai… Bai Lin!" Biglang may naalala ang Emperor of Death, at nagbago agad ang kanyang ekspresyon. Kung nasa malapit ang babaeng may puting mata, malamang ay patay na siya. Wala man lang siyang lakas ng isang Death Guard o kaya ng kakayahan na makaligtas.
Ang kamatayan ng kanyang ikatlong disipulo na si Wen Luoan ay isang malaking kahihiyan sa kanya. Gaano ka nakakahiya na panoorin ang disipulong pinalaki mo ng ilang taon na pasabugin ang kanyang sarili sa harap mo? Ang lahat ng ito ay may kinalaman kay Zhao Feng.
Subalit, kung pati ang babaeng may puting mata na may Eye of Destiny ay namatay, ang mga nawala sa kanya ay napakabigat na. Nang maisip ito, napasinghal ang Emperor of Death, at ang kanyang ekspresyon ay lalong pumangit.
Kahit ang pagsabog ngayon ay hindi siya nasaktan, kinailangan niyang gumamit ng isang sikretong technique sa kanyang napakahinang katawan para depensahan ang kanyang sarili na maraming sugat.
"Bai Lin!" Pinilit ng Emperor of Death na gamitin ang kanyang Divine Sense para suriin ang ilang libong milya.
"Mas…ter," isang mahinang boses ang maririnig mula sa langit habang ang isang maliit na babae na may puting mata ay bumaba nang may maputlang mukha.
"Mabuti naman at hindi ka namatay," hindi mapigilan ng Emperor of Death na magpakawala ng isang mahabang hininga.
Ang babaeng kulay puti ang mata ay talagang karapat-dapat sa Eye of Destiny. Napakasensitibo nito sa peligro, at lumabas ito "para maglaro" nang gawin ni Wen Luoan ang parte niya. Ang swerte ay bahagi rin ng tadhana, at para sa maliit na batang iyon na may Eye of Destiny, mukhang nahuli niya rin ang abilidad na makakita ng iilang pasilip sa tadhana.
"Zhao Feng… Iyan siguro ang totoo mong layunin," ang itim na mata ng Emperor of Death ay napunta sa direksyon ng Pirate Sacred Land, at isang malamig na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Hangga't nasa kanya ang Eye of Destiny, mas mataas ang tsansa ng Emperor of Death na magtagumpay.
"Third Martial Brother… Ipaghihiganti kita," isang kakaibang tingin ng pagkamuhi ang makikita sa puting mata ng batang babae. Ang mga alaala ng pakikipaglaro ni Wen Luoan sa kanya ay gumuhit sa kanyang isipan. Ang nag-iinit na bata na palaging may ngiti sa kanyang mukha ay hindi mawawala sa kanyang isip, at nagpakita na rin ng senyales ang babaeng ito ng pagiging seryoso.
"Bai Lin, kumusta na ang iyong mga kalkulasyon?" Pagtatanong ng Emperor of Death.
Ang batang babae na may Eye of Destiny ay hindi naman seryoso sa buhay. Bibihira lamang ang ganitong mga pagkakataon.
"Mas maraming impormasyon ngayon at mga bakas. Talagang mahuhuli ko rin ang landas ng kanyang tadhana,"hinawakan nang mahigpit ng batang babae ang isang pinsel saka kinagat ang kanyang labi.
Nagpahayag naman si Zhao Feng ng mga impormasyon nang kalabanin niya ang mga Death Spirit Lords.
Sa kabilang panig ng walang hanggang karagatan:
Whoosh!
Ang ghost ship ay tumungo sa isang direksyon.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan:
"Malas nga naman…" Naglabas si Zhao Feng ng isang mukhang nagsisisi. Nakakita siya ng isang malabong imahe bago pa sumabog si Wen Luoan gamit ang Dark Heart Seal. Ang Emperor of Death ay mas malakas kaysa sa kanyang inaasahan, at wala namang aura ang babaeng puti ang mata.
Subalit, ang self-destruction na ito ay ang unang tunay na panlalaban ni Zhao Feng. Sa nakaraan, tumatakbo lang naman si Zhao Feng o kaya lumalaban dahil sa desperasyon, pero sa ngayon, hindi lamang niya nasaktan ang mga pinakamakapangyarihang tagasunod ng Emperor of Death, kundi nalabanan niya pa ito mismo.
"Skeletal Division Leader, bahagyang baguhin mo ang daan," biglang sabi ni Zhao Feng. Ikinabahala niya ang Eye of Destiny. Hindi na siya nangahas pa na dumiretso sa Sky Sacred Qin Palace.
Binabago ni Zhao Feng nang biglaan ang ruta. Hindi pa rin naman nagbago ang kanilang huling destinasyon, pero ang daang gagamitin nila Ginawa ito ni Zhao Feng dahil lamang sa kanyang pakiramdam.
"Master, kung gagamit tayo ng bagong ruta, isang taon pa ang gugugulin natin para maabot ang Sky Sacred Qin Palace," sabi ng Skeletal Division Leader.
"Sige," tumango si Zhao Feng. Tahimik lamang siya na magcuculitvate sa susunod na taon.
Ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata, Sa ngayon, ang lahat maliban sa dami ng kanyang True Yuan ay mas malakas na kaysa sa mga normal na Void God Realm Kings. Para pataasin ang bilang ng kanyang True Yuan, nagsimula na si Zhao Feng na ayusin ang kanyang mga pabuya sa mga laban.
Pagkatapos ng Heaven's Legacy City, ang kayamanan ni Zhao Feng ay naubos na. Ang kayamanan na mayroon siya ngayon ay nagmumula sa mga ninakaw ng mga pirata, pero tanging kakarampot lamang nito ang mahalaga sa kanya.
Dalawang buwan ang nakalipas, uminom si Zhao Feng ng natitirang Dragon Flame Wine at Lightning Cloud Wine, pero mukhang halata naman ang epekto ng ikalawa. Pagkatapos ng lahat, ang lakas ng True Yuan niya ay lagpasan pa nang kaunti kaysa sa mga normal na Void God Realms.
"Mayroong kalahating baso na lamang ng Illusion God Wine ang natitira," at isang lilang baso naman ang nagpakita sa kamay ni Zhao Feng.
Gulu~~
Ininom na ni Zhao Feng ang huling kalahati ng baso.
Sa mga nakalipas na buwan ng paglalaban at pagcucultivate, ang King intent ni Zhao Feng ay nabuo na, at tumataas ito nang pirmi.
Isang malakas na daloy ng pagkalasing ang siyang bumalot sa kamalayan ni Zhao Feng pagkatapos niyang inumin ang Illusion God Wine.
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay pumasok sa isang malalim na estado. Sa loob lamang ng maiksing oras at ng ilang hininga, ang mental energy ni Zhao Feng ay lalong lumakas, at ang kanyang katugmaan sa kalangitan at kalupaan ay lalong tumaas.
Syempre, panandalian lamang ito.
Ginamit ni Zhao Feng ang pagkakataong ito para magpokus sa ganoong estado. Sampung hininga ang makalipas, ang lasing na sensasyon ay nagsisimula nang mawala. Kalahating oras sa paggawa ng tsaa ang makalipas, ang isip ni Zhao Feng ay lumilinaw na muli, at umiling siya sabay napabuntong hininga.
Ang Illusion God Wine ay wala nang masyadong epekto sa kanya; pinataas lamang nito ang kanyang mental energy nang kakaunti. Subalit, ang kahit anong pagtaas sa kanyang mental energy level ay bibihira lamang at napakahirap abutin.
"Ang pag-unawa ko sa kalangiatan at kalupaan ay higit pasa mga hari," itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Tanging ang mga Emperors lamang ang may kakayahan na gapiin siya gamit ang Intent.
Habang tumataas ang kanyang Intent, ang cultivation naman ni Zhao Feng ay tumataas rin nang bahagya. Sa kasamaang palad, ang dami ng resources na kayang magpataas ng kanyang cutlivation ay halos paubos na.
Sa ikaapat na buwan ng kanilang paglisan sa Pirate Sacred Land, ang dami ng True Yuan ni Zhao Feng ay umabot na sa limit ng Origin Core Realm, at pwede na niyang maabot ang Void God Realm kahit kailan.
"Kahit na ang pagpapataas ng antas ko ay hindi makakatulong sa totong lakas ko para lumago, mapapataas naman nito ang aking pundasyon at cultivation…" Pagbulong ni Zhao Feng.
Ang kaluluwa ni Zhao Feng, mental energy at kalidad ng True Yuan ay umabot na sa lebel ng Void God Realm kanina. Ang tanging bagay na wala siya ay ang dami ng True Yuan na pwedeng paglagyan ni Zhao Feng. Kanina, sa kanyang mga laban sa hari, kinailangan niyang tapusin agad ang laban. Kung naglabas naman siya ng kanyang saloobin, wala rin naman nang halos enerhiya na mapagkukunan.
Sa loob ng kubyerta ng kapitan, isang maliit na harang na lamang ang layo ni Gab rito, at halos lahat ng kanyang resources ay ubos na.
Sa araw na iyon, ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at nakipag-isa ang kanyang kamalayan sa kulay lilang Soul Sea.
Shua!
Muling ginamit ni Zhao Feng ito upang makapasok sa Ancient Dream Realm. Ang laban nila kay Zhao Feng ay unti-unti nang nagbabago.
Ta! Ta Ta Ta!
Umapak na si Zhao Feng sa damo, at saka siya roon nagtungo.
Ceng1
Nakarating na si Zhao Feng sa kagubatan. Maraming halimaw rito, at puno ito ng peligro. Gamit ang God's Spiritual Eye niya ay naiwasan nila ang mga kalaban.
Ang laman-laman ng mga normal na halimaw at tubig ay wala nang epekto sa kanya; kailangan na niya ng bagong resources.
Bumagal nang bahagya si Zhao Feng bago pumasok sa kagubatan. Sa oras na ito, nakakilala siya ng mga nakalalasong ahas at isang tsite, pero agad naman niyang tinapos ang mga ito.
Halos kalahating araw ang lumipas, nakakita na rin si Zhao Feng ng isang malaking puno na may mga bunga. Dahil siguro sa halumigmig, kung kaya ang mga puno rito ay walang mga prutas. Ang kanilang mga dahon ay kulay dilaw. Tanging ang punong ito lamang ang kakaiba; mayroon itong dose-dosenang preskong berde at pulang mga prutas, pero ang buong lugar naman ay tahimik, at may pangamba pa rin naman siya.