Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 726 - Hari (2)

Chapter 726 - Hari (2)

Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang hininga at hindi siya gumawa ng kahit anong padalos-dalos na galaw saka niya sinuri ang kanyang kapaligiran sa puno.

Ang aura malapit sa malaking puno ay kakaiba. Walang mga hayop o insekto ang nasa loob ng ilang daang metro, at napakatahimik rito. Biglang nakaramdam ng lamig si Zhao Feng, na tila ba may peligrong nakatuon sa kanya.

Sii Whoosh!

Isang mahabang anino ang biglaang lumabas mula sa mga sanga na may kasamang pagkauhaw sa dugo na aura.

Biglang napatalon ang puso ni Zhao Feng nang maabutan ng kanyang kaliwang mata ang isang malaking ahas. Ang kulay at aura nito ay katulad ng kagubatan. Kulay pula ang mata nito, at ang bibig nito ay mas malaki pa sa isang bariles.

Sa bugso ng hangin at dumi, ang bibig ng ahas ay agad na nagpakita sa harap ni Zhao Feng.

Napakabilis ng lahat. Natakot si Zhao Feng at agad na umatras, pero hindi ito sapat para maiwasan ang atake ng ahas.

Weng~~

Isang manipis na suson ng magagandang kaliskis ang sumilay sa katawan ni Zhao Feng.

"T*** i**!" Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang Mystic Ice Scale Race Bloodline habang isang mahabang sibat naman ang lumabas sa kanyang kamay, na agad na sinaksak ang bunganga ng ahas.

Shu~~~ Peng!

Ang Ice Imperial Spear ay lumubog lamang ng kalahating pulgada sa bibig nito bago naitulak si Zhao Feng ng ilang metro nito pabalik.

Ceng!

Ang Wings of Wind and Lightning sa likod ni Zhao Feng ay pumagaspas nang gamitin niya ang mga puno sa malapit bilang pansalag. Sa parehong pagkakataon, sinimulan na ng kanyang God's Spiritual Eye na suriin ang ahas.

"Buwisit, ang ahas na ito ay hindi na siguro isang halimaw. May sarili na itong dunong, at kaya na nitong humigop ng esensya ng Heaven at Earth. Isa na siguro itong Yao beast ngayon," huminga nang malamig si Zhao Feng.

Dahil sa kapaligiran ng Ancient Dream Realm, paano namang maikukumpara ang mga nilalang rito kumpara sa tunay na mundo? Dapat malaman na ang isang kapiranggot na aura rito ay benepisyal na agad sa mga True Lord Rank, at ang laman ng mga hayop ay mapapalakas ang mga nasa Origin Core Realm.

Mula sa sagupaan ngayon, malalaman kung gaano kalakas ang higanteng ahas na ito.

"Ang katawan nito ay napakatibay, at ang lakas ko ay limitado lamang sa Ancient Dream Realm…" Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Sa ngayon, hindi niya kayang kalabanin ang ahas nang direktahan.

Sii! Sii!

May yelo na nabuo sa bibig ng malaking higante nang pumaswit ito at tumitig kay Zhao Feng nang may pagkamuhi.

"Sa kabutihang palad, ang malaking ahas na ito ay walang alam na mga techniques," nagpakawala ng hininga si Zhao Feng.

Umatras pa siya nang mas malayo habang isang pana ang sumilay sa kanyang kamay. Gagamitin na sana ni Zhao Feng ang Sky Locking Bow nang may maririnig na tili sa ere. Nakaramdam si Zhao Feng ng isang pamilyar na aura ng isang halimaw.

Whoosh!

Isang malaking, ancient Yao bird ang lumipad pababa at nakatuon ang atensyon nito sa mga prutas sa puno.

Siiiii~~~~

Galit na galit ang higanteng ahas. Sumugod ito agad sa ibon at wala na itong pakialam kay Zhao Feng.

"Iyan ang ibon na iyon!" Nagpakita si Zhao Feng ng kakaibang tingin. Nakilala niya ang ibong ito bago siya magsimulang maglibot sa Ancient Dream Realm. Noong panahon na iyon, takot na takot siya sa ibon sapagkat hindi siya halos makapaglakad.

Subalit, ang kasalukuyang katawan, bloodline, at kaluluwa ni Zhao Feng ay ilang beses na mas malakas kaysa dati, at mayroon na rin siyang Mystic Ice Scaled Race Bloodline, kung kaya mababa na ang repulsyon niya sa Ancient Dream Realm.

Ang lahat ay nagawa nang maayos – nakakain na ang ibon ng prutas bago pa man dumating ang ahas.

Boom!

Ang ahas ay dumating sa isang bigla at napayanig nito ang mga sanga. Katusuhan ang makikita sa mga mata ng ibon nang ipagaspas nito ang mga pakpak niya at abutin ang tuktok ng puno. Hindi siya ang kapantay ng higanteng ahas kung maglalaban sila nang direkta, pero kung nasa ere sila, higit na mas maliksi ang ibon.

Katulad nito, ang ahas at ang ibon ay naglaban sa ere sa itaas ng puno. Sa kabuuan, ang ahas ang nasa depensa at ang ibon naman ang may kakayanan na gawin ang kahit anong gusto niya. Kadalasang mahirap para sa isang ibon na magnakaw ng isang prutas o dalawa, pero nagtagumpay naman si Zhao Feng na kuhanin ang atensyon ng ahas.

"Isa itong magandang pagkakataon!" Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang tignan niya ang ahas sa puno. Tumulin ang kanyang bilis habang isang kidlat ang nakaarko sa kanya at agad na lumapag sa isa sa mga sanga ng puno.

"Sige!" Agad na kumuha si Zhao Feng ng dalawang prutas habang nakatalikod ang ahas; ang isa ay hinog na pula at ang isa naman ay kulay berde. Kung tama siya, ang mga prutas na ito ay tinataguriang Spiritual Fruits ng Ancient Dream Realm.

Ang mga ikinilos ni Zhao Feng ay parehong nakakuha ng atensyon ng ahas at ibon. Galit na galit ang higanteng ahas nang pumilantik ito patungo kay Zhao Feng. Itinabi na niya ang dalawang prutas habang isang baluti naman na gawa sa yelo ang bumalot sa katawan niya. Nangangahulugan ito na dalawang patong na ang kanyang depensa.

Peng!

Sinubukan ni Zhao Fen na umiwas pero napalipad pa rin siya ng buntot ng ahas.

"Hehe," ginamit ni Zhao Feng ang kanyang momentum para makaatras ng ilang dosenang metro. May mga maninipis na bitak ang makikita sa kanyang yelong baluti, pero hindi naman talaga siya nasaktan. Dapat malaman na ang dalawang patong ng depensa ni Zhao Feng ay kayang salagin kahit ang mga atake ng Peak-Tier Kings.

Sa kabilang banda, may yelo na nabuo sa buntot ng ahas, at nanigas ang mga kilos nito.

Whoosh!

Walang pakialam si Zhao Feng sa laban ng mga Yao beasts na ito. Agad na siyang tumungo sa madamong kapatagan at palabas ng kagubatan.

Sa pagkakataong iyon, isang tili ang maririnig sa isang ibon, ang aura nito ay pasugod na kay Zhao Feng. Hinahabol siya ng ibon, dahil iniisip siguro nito na mas madaling apihin si Zhao Feng.

"Hmph, tarantado, sa uulitin na lang," ngumisi si Zhao Feng. Nakamit niya na ang kanyang layunin at wala na siyang gusto pang hindi inaasahang pangyayari.

Shua!

Nawala ang anyo ni Zhao Feng. Sa sumunod na pagkakataon, sumugod ang ibon sa wala. Napahinto muna ito at tumingin tingin. Halata namang hindi niya naunawaan kung paanong biglang nawala ang tao sa ere.

Sa loob ng kubyerta ng kapitan sa ghost ship.

"Hehe," tumawa nang mahina si Zhao Feng nang tingnan niya ang dalawang prutas sa kanyang kamay.

Ang dalawang prutas ay kulay berde at pula, at nagbubuga sila ng ancient aura. Ang Heaven Earth Yuan Qi mula sa mga prutas ay pinapanginig ang Yuan Qi sa panlabas na mundo.

Ang mga Spiritual Fruits ay naglalaman ng esensya ng Heaven at Earth, pero ang mga prutas sa Ancient Dream Realm ay nasa mas mataas na antas kaysa sa nasa Demigod Forgotten Garden.

Para masigurong walang aura ang mailalabas, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kapangyarihan para selyuhan ang aura.

Miao miao!

Umupo ang munting pusang magnanakaw sa kanyang balikat at sakim na tumingin sa dalawang prutas.

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Divine Sense at nakita niyang nasa seklusyon ang batang Demigod, na siyang ikinabawas ng aalalahanin ni Zhao Feng. Saka niya binigay agad ang berdeng prutas sa munting pusang magnanakaw.

Miao!

Agad na nilamon ito ng pusa sa isang lagok lamang, at saka nagpunta pabalik sa interspatial ring at nagsimulang matulog. Nanood si Zhao Feng nang may interes. Mukhang ang Heaven Earth Yuan Qi na nilalaman nito ay hindi pwedeng maliitin.

Nanood muna siya nang ilang sandali at sinigurong walang kakaibang mga reaksyon sa munting pusang magnanakaw, saka niya kinain ang hinog na pulang prutas.

Hindi agad na natunaw ang prutas. Ang mga produkto na galing sa Ancient Dream Realm ay mas mahirap tunawin kumpara sa mga nasa panlabas na mundo. Subalit, hindi ito isang masamang bagay para kay Zhao Feng sapagkat ang enerhiya sa loob ng prutas ay hindi agad malalabas sa isang bagsakan lang, kung kaya mas madali itong higupin.

Ilang hininga ang lumipas, may mga kapiranggot ng makapangyarihang enerhiya na may ancient aura ang dumaloy sa katawan ni Zhao Feng.

"Ang kalidad ng prutas na ito ay napakataas," napaurok ang dila ni Zhao Feng. Sa kabutihang palad, ang estaodo ng kanyang pag-iral at katawan ay parehong malakas, at may bloodline siya ng Ten Thousand Ancient Races, kung kaya mas madali para sa kanya na higupin ang enerhiya mula sa prutas.

Mabagal na lumipas ang oras. Mamaya-maya, nagsimula nang lumaki ang Crystal Core ni Zhao Feng.

"Kahit ang kapiranggot lamang ng prutas na ito ay maikukumpara na sa mga nangungunang Spiritual Fruits sa panlabas na mundo," lubos na natuwa si Zhao Feng.

Sa tulong ng aura na ito, ang katawan at mga laman-laman ni Zhao Feng ay nalinis. Hindi lamang tumaas ang dami ng True Yuan sa kanyang katawan, nalilipon rin ang aura nito. Sa parehong pagkakataon, gamit ang King intent ni Zhao Feng, ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng isang libong milya ay nagsisimula nang tumungo sa kanya. Nakakalungkot lang dahil wala namang masyadong Heaven Earth Yuan Qi sa karagatan tanging ang mga inland lamang ang pwedeng pagtirahan o kaya maging lugar ng cultivation.

Upang maiwasan ang Pursuit of Death, hindi pumupunta si Zhao Feng sa mga inland na lugar o kaya sa kahit anong Void Ocean Spritual Palace.

Sampung araw ang makalipas, tuluyan nang nahigop ni Zhao Feng ang Heaven Earth Yuan Qi sa prutas at halos nagamit na niya ang kanyang mga resources, pero sa kabutihang palad, ang laki ng kanyang Crystal Core ay nasa isang bagong antas na.

Sa ibabaw, mukhang hindi malaki ang kanyang Crystal Core, pero nagbago na ang loob nito. Nararamdaman ni Zhao Feng ang isang malaking True Yuan dimension sa loob. Ang iskarlet na True Yuan sa loob ng kanyang Crystal Core ay kasinglaki ng isang higanteng walang katapusang lawa.

"Ito ang Void God Realm. Ang kaluluwa ko ay perpektong tugma sa Heaven at Earth, at ang True Yuan ko ay parang isang karagatan- hindi nauubos."

Ang True Yuan ni Zhao Feng ay parang isang karagatan, at ang Heaven and Earth ay agad na nabubunuan ng patuloy na daloy ng kanyang True Yuan. Mula sa pagkakataong ito, ang True Yuan cultivation ni Zhao Feng ay umabot na ng Void God Realm.

Nagsimula nang tumaas ang kanyang aura, at agad siyang nabalot ng isang iskarlet na liwanag. Tila ba nababalot siya ng liwanag ng isang diyos, at ang kanyang aura ay nagsimula nang makihalubilo sa Heaven at Earth.

"Void God Realm King!" Parehong nagulantang ang Skeletal Division Leader at ang batang Demigod sa aura.